Missing You...

65 11 8
                                    

Yna's POV

Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin ako nasasanay na makita siyang namimilipit sa sakit sa tuwing sumpungin ang sakit ng ulo niya. Nanghihina pa rin ako at di mapigilang umiyak...sinusubukan ko talagang huwag maiyak. Tulad na lang kahapon na halos nasa sahig na siya sa nakabaluktok sa sobrang sakit...kusang nalaglag na lang ang mga luha ko. Mianhae Hyunnieko hindi man lang kita matulungan, wala akong magawa kundi ang titigan ka. Sana ngayong araw na ito huwag munang sumakit ang ulo mo.

Sobrang busy ngayon kasi mamayang 6:00PM na ang concert ng grupo. Halos lahat ng tao sa FNC may ginagawa. Nagpa-practice muna ang grupo kasi kahapon lang dumating si Minhyuk galing Laos. Si Chloe ngayon ang PA niya na siyang ka-chikahan ko sa practice room.

Pagkatapos ng practice lumapit agad si Minhyuk kay Chloe. Kitang-kita ng lahat nung iabot ni Chloe ang towel sa kanya, inabot niya pati ang kamay ni Chloe at hindi na binitawan.

Yah! Minhyuk-ah... girlfriend mo na ba si Chloe? Tanong ni Yonghwa, alam mo naman siguro na bawal pa tayong mag-date.

Kaya nga di pa kami formal na nakapag-date eh... Mianhae Sweet... literal talagang sabi nito sabay lambing kay Chloe na nahihiya namang yumuko at pulang-pula. Di ba kayo din ni Rech noona di pa rin nagde-date.

 

YAH! Minhyuk-ah! Saway naman nito sa kanya.

Kitang-kita ni Jonghyun ang reaction ni Chloe. Bigla na lang itong napangiti  na ipinagtataka ng lahat. Kahit siya nabigla din sa epekto sa kanya ng reaction ni Chloe. At bigla na lang napasabunot ang dalawang kamay niya sa mga buhok niya. Pilit niyang inaalala kung sino ang nagma-may-ari ng ganoong reaction na kakaiba ang epekto sa kanya.

Hyun...? Are you okay? Tanong ni Yonghwa.

Yonghwa hyung... parang kakaiba yung nararamdaman ko doon sa reaction ni Chloe... nung napayuko tapos namumula dahil nahihiya. Di ko alam kung may palagi akong nakikitang ganyan dati... oh baka... ahhh... Ewan... gusto kong maalala Hyung pero wala talaga... iritableng sabi ni Jonghyun dito.

Lumapit si Yna sa kanya upang iabot ang towel at tubig nito. Habang tinapik naman ni Yonghwa ang balikat nito.

Kahit konting bagay iniisipan mo ng kung anu-ano. Huwag mo na munang isipin iyan, baka mamaya ma-stress ka lang sa kakaisip. Sabi ni Yonghwa sa kanya.

Inabot niya ang tubig mula kay Yna at dali-daling ininom. At saka sumandal sa upuan na nakataas ang ulo at nakatihaya ang mahabang katawan nito. Pinikit niya ng mariin ang mga mata. Hindi alam ni Yna kung matutulog ito o nag-iisip. Ilang oras na lang magsisimula na ang concert, dapat nasa mabuting kondisyon ito.

Habang pinagmamasdan ito ni Yna, parang may sariling isip ang mga kamay niya. Pinusan nito ang mga pawis nito sa noo at pisngi.

Hayaan mo muna ako dito... pasupladong sabi nito na hindi man lang siya tiningnan.

Oppa... magpahinga po muna kayo... sagot ni Yna.

Agad namang naglabasan ang mga kasamahan nila sa practice room dahil na rin sa pasenyas na utos ni Yonghwa.

Mag-relax po muna kayo Oppa... huwag po muna kayong mag-isip ng iba para po may energy kayo mamaya sa performance. Babantayan ko po kayo, masiglang sabi ni Yna.

Iminulat niya ang mga mata upang bigyan sana ng matalim na tingin si Yna at palalabasin na rin ito. Pero hindi na niya nagawa at pumikit na lang ulit dahil sa minasahe ni Yna ang sintido niya. Ramdam niya ang mga kamay nito at di niya alam kung bakit ang sarap ng pakiramdam niya na parang bigla siya talagang inantok.

Haisshhttt... mabuti naman at nakatulog ka na... sa isip ni Yna at lumipat sa harap ni JOnghyun, hinila niya ng dahan-dahan ang isang malapit na upuan at puwesto ng upo paharap dito.

Tinitigan niya ito ng matagal. Hinaplos niya pisngi nito ng dahan-dahan... ayaw niya magising ito. At hinaplos din niya ang ulo nito, naaalala niya noon kapag day-off niya at sa dorm lang sila palaging nakahiga sa lap niya si JOnghyun habang nanood sila ng concerts ng mga ito sa DVD. At palaging nire-request nito na haplusin niya ang buhok nito kasi parang ang sarap daw matulog kapag ganun, parang baby daw siya na pinapatulog.

Napangiti si Yna sa naaalala.

Alam mo sobrang corny mo dati... pero sobrang nami-miss ko na lahat iyon... sobrang miss na miss na kita... nahinang bulong nito sa kanya habang patuloy na hinahaplos ang buhok nito.

Nalaglag ng mga butil ng luha sa pisngi ni Yna. Dali-dali niyang ito pinahid. At sakto namang dumilat si Jonghyun kaya pinilit niyang mag-smile dito.

Oppa ang bilis niyo naman pong magising... matulog po muna kayo ulit matagal pa naman mag-uumpisa ang fan signing... sabi nito na iniwas ang tingin sa kanya.

Pero nabigla na lang siya ng ilapit ni Jonghyun ang mukha nito sa kanya. Palapit pa ng palapit. Hindi  naman makagalaw si Yna sa sobrang lapit na ng mukha nito halos hindi na rin siya humihinga. Napapikit si Yna.

Sa susunod kapag natutulog ako huwag kang magulo!!! Mariing sabi nito sa kanya at padabog na tumayo at lumabas ng practice room.

Naiwang nakatulala si Yna. Na siya naman pagpasok nina Jungshin at Yonghwa.

Yna, okay ka lang ba? Sinigawan ka na naman ba si Jonghyun? tanong ni Yonghwa sa kanya.

Mukhang good mood naman si Jonghyun hyung ah... naka-smile pa nga siya ng makasalubong natin eh. Sabi naman ni Jungshin.

Ah... okay lang ako... Magpahinga na muna kayo oppa para may energy kayo mamaya. Lalabas po muna ako. Paalam nito.

The PromiseWhere stories live. Discover now