Please Be Mine

111 14 10
                                    

Yna, ikaw ngayon ang sasama kay Jonghyun sa KBS para sa interview ng apat. This will also be your last day so good luck... fighting. And thank you for helping us. Sabi ni CEO Han.

Yes po. Nag-aalangang sabi ni Yna na nasa loob ng CEO Office.

Paglabas niya hinihintay na siya ng apat kasama na rin ang kani-kanilang PA. Andoon din si Chloe na siyang PA ni Minhyuk. Simula ng Laos shooting ni Minhyuk palagi na niyang nire-request na PA si Chloe kung anu-ano na lang ang dina-dahilan niya.

Eonni Yna, good luck... andito lang kami di ka naming pababayaan. Sabi ni Chloe sa kanya alam kasi nito ang mga pagkakagulo ng mga fans sa SNS world.

Doon na si Yna pinasakay sa van ng apat, magkatabi sila ni Jonghyun. Di pa sila nag-uusap simula kanina mga 2 hours pa lang siyang dumating diretso agad sa TV station para sa interview.

Hinawakan ni Jonghyun ang kamay niya at pinaikot-ikot yung singsing niya. Nilalaro nito ang mga daliri niya habang nakasandal ang ulo nito sa balikat niya. Hinayaan na lang niya ito kahit nahihiya siya kina Yong, Min at Shin sobrang na-miss niya rin kasi ito.

Bogoshipo...Nae sarang.... Bulong nito sa kanya.

Pagdating sa KBS parang nag-aalangan si Ynang bumaba. Papano kung kuyugin siya ng mga fans, baka manura siya at ang malala ay baka masabunutan pa siya. Nakita naman ni Jonghyun ang pag-aalinlangan niya.

Don't worry I'm here... You have to trust me. Pabulong na sabi nito sa kanya.

Pinalibutan siya ng apat parang diamond ang form siya sa gitna. Hanggang makapasok sila sa dressing room. Lahat ng nasa dinaanan nila nagtitilian pero di maiwasang di siya makarinig ng masasakit na salita.

At kung nakakamatay ang tingin malamang durog na durog na siya sa talim ng tingin ng mga ito sa kanya.

Are you okay? Don't mind them, today is the last day you'll hear those words. I will clear everything to make sure na di ka na nila gagambalain. Saranghae, always remember that. Sabi agad nito sa kanya pagdating sa dressing room at hinalikan pa siya nito sa noo at inipit ang buhok niya sa tenga.

Oppa, pasok na po tayo para makahanda na sa pag queue. Sabi ng staff ng show.

Nasa may malapit sa stage lang ang mga PA at si Yna nasa may pinto lang nakasilip pero ng Makita siya nagbulungan agad ang mga fans. Napayuko na lang si Yna at pumasok ulit sa dressing room mahirap na masira yung show ng dahil sa kanya.

Sasamahan na kita dito Eonni... nabigla siya ng magsalita si Chloe.

Okay lang ako dito Chloe... mamaya di mo makita si Minhyuk sa interview niya. Sabi nito sa kanya.

Eonni parang nakikita ko kasi sayo ang magiging kapalaran ko naming ni Minhyuk, natatakot ako pero ayaw ko ring iwanan si Min kaya bahala na. Sana Eonni malagpasan niyo ito ni Oppa para kahit papano magkalakas ng loob din ako na someday makakayanan din namin. Mahabang sabi ni Chloe sa kanya.

Ano ka ba saeng Chloe makayanan niyo yan ang importante yung pagmamahal niyo sa isa't-isa.  Matatag na sabi ni Yna pero kung iisip niya parang di niya na talaga kakayanin. Sinabi niya lang iyon kasi ayaw niyang panghinaan ng loob si Chloe sa kakasimula pa lang ng relasyon nito.

Bigla nilang narinig ang sigawan ng mga fans. Sobrang lakas talaga na naririnig pa nila sa loob ng dressing room.

Fighting! Jonghyun oppa!!! Sigawan at hiyawan ng mga ito.

Nabigla pa si Yna ng pumasok ang mga production crew na may hawak ng mic at mga camera.

Napangaga si Yna sa pagkabigla. At si Chloe naman pasimpleng puwesto sa gilid. Nalilito si Yna sa mga nangyayari. Wala siyang alam kung bakit nakatutok sa kanya ang mga camera.

Maya-maya lang pumasok si Jonghyun. Nakangiti itong lumapit sa kanya. Iiling-iling si Yna. Utang na loob Jonghyun ano ang nangyayari? Tanong niya sa isip.

Nang nasa harapan niya na ito inayos nito ang buhok niya at lumuhod sa harap niya.

It's been a long time that you're wearing that ring. Would you mind if I change it with my ring. And be mine forever. Madamdaming sabi nito na nakatingin sa mga mata niya.

Pumasok naman ang tatlo na nakangiti.

Noona maawa ka naman kay Jonghyun hyung kakagaling lang niyan pinaparusahan mo na sa kakaluhod. Sabi ni Jungshin.

Noona sagutin mo na tanong ni Jonghyun Hyung... andaming nag-aabang. Banat naman ni Minhyuk.

Everybody say YES! YES! YES! Sigaw naman ni Yonghwa na sinasabihan ang mga BOICE na sumigaw na rin.

YES! YES! YES! Sigaw at hiyawan din ng mga Boice.

Napangiti pero nalaglag ang mga luha ni Yna at lumuhod na rin para yakapin si Jonghyun.

Of course Yes! Hyunnieko... Sagot nito habang yakap-yakap si Jonghyun.

Tinanggal ni Jonghyun ang singsing niya at isinuot ang galling sa kanya. Tinulungan siya nitong tumayo at saka niyaakap ulit. Sabay-sabay na naghiyawan ang mga fans sa labas napapanood nila lahat sa malaking screen. Iginiya siya ni Jonghyun palabas sa stage.

Pinaupo siya sa stage at kinantahan ng apat ng Angel. Kakaumpisa pa lang ng kanta umalis na si Jonghyun sa puwesto nito at lumapit sa kanya. Pinatayo siya at isinayaw nito. Nakakabinging hiyawan na naman ng mga fans kilig na kilig sa mga paandar ni Jonghyun. At si Yna isa lang reaction.... Lutang... Lutang na lutang sa kaligayahan.

The PromiseWhere stories live. Discover now