Twist:Part I

63 0 0
                                    

Riiiiiinggggg!!!!

Riiiiiinggggg!!!!

Riiiiiinggggg!!!!

Oo tunog yan ng cellphone kong inalarm ko kagabi, kanina ko pa naririnig na nagaalarm yan na parang tandang kung makagising pero inooff ko lang pag hinahawakan ko.

Pero makulit ehh alarm ng alarm, ring ng ring!!

Sakit na sa tenga!!(malamang naka Repeat kaya, every 5 mins. pa...aba matinde!!).

Yan napaupo na ako sa kama ko habang pinapakinggang nagaalarm yung cellphone ko,may nalalaman pa akong pahikabhikab, paginat inat ng buto buto at napakatagal na pagtanggal ng aking tumigas na muta(dugyot lang?)

Inabot ko yung cellphone ko sa mesa na malapit sa kama ko at gumimbal sa akin ang isang karumalduldumal na pangyayaring ikinalaki ng aking mga mata.

What the f***!! pasigaw kong sabi...

9:05am na??!!!

Bigla akong napatalon sa kama ko at naitapon yung kawawang cellphone ko sa kama.

Kumaripas ako ng takbo sa banyo.

Hingal ako ng makarating sa banyo dahil mula 3rd floor ehh nasa 1st floor pa yung banyo ng apartment na tinutuluyan ko, gagawin palang daw kasi yung sarili kong banyo sa kwarto ko, nagsilbi yung excercise ko ngaung araw na to.

Ang masaklap pa poso pa ang gamit,kaylangan pang magigib ng tubig para makaligo.

Oo First day ng klase ko ngaun, 1st yr.college na ako sa isang kilalang Unibersidad dito sa Maynila.

"Leche tong araw na to, kung bakit pati faucet at shower ng banyo ehh nagkandasira sira, wild siguro maligo nung mga dating nangungunpahan dito" nakangusong pagrereklamo ko habang nagiigib ng tubig.

Ayan nakapagbihis na ako ready ng pumasok.

9:45 na?!!! Bulalas ko ng makita ko yung oras sa cellphone ko..

"9:05 nung bumangon ako tapos 30 mins akong naligo so tig 5 mins. yung pagbaba at pagakyat ko?? Ah nice" pagkalkyula ko sa oras na ginugol ko.

Wahhhhh!!! "nagawa ko pang magisip ng kung anu ano ehh .. late na akooo!!! bulalas ko na naman habang pababa sa apartment na inuupahan ko.

Hindi na ako nagumagahan at ang matindi pa iniwan kong napakagulo ng kwarto ko.

Actually magisa ko dito sa apartment dahil nasa probinsya ang Mama ko,pinili kong magaral dito dahil....dahil...uhmmm....trip lang? Hehe

Gusto kasi ng Mama ko na sa magandang paaralan daw ako makapagaral at grumaduate. Patay na daw kasi si Papa 13 yrs old.plang daw ako nun yun ang kwento ni Mama.

Actually naAmnesia ako ,wla akong ni isang maalala (malamang!!) .

Nagkekwento lang si Mama tungkol sa akin kung anong pangalan ko,saan ako nagaral,anong paborito kong pagkain,mahilig din daw ako sa larong track and field na sumasali pa ako sa mga kumpetisyon sa ibat ibang probinsya,athletic daw tlaga ako sabi ni mama,matataas daw grade ko nung high school, sino yung mga kaibigan ko pero wala naman syang nabanggit na girlfriend ko or what kung anu ano pa.

Pero hindi ko maitatago sa sarili ko na may kulang sa pagkatao ko na gusto kong malaman,parang may lagi akong hinahanap pero hndi ko alam kung ano.

Flashback:

"Eh Ma. ok lang naman na dito nalang ako magaral sa probinsya ahh, tsaka pagdito ako nagaral matutulungan ko pa kayo tsaka hndi na kayo gagastos pa ng malaki kapag dto ako magaaral".-ako

Twist In Time:I Love You  BroWhere stories live. Discover now