I 💙 U - Mother and Daughter's Love.

31 6 1
                                    

A/N: Habang ginagawa ko to pinapakinggan ko ang 'Malayo pa ang umaga' kaya naman nakakaiyak HAHAHA ewan ko lang sa inyo.. Mababaw lang kasi luha ko HAHAHAA

8 years Ago

"Ma tingnan mo, ako ang pinakamagaling sa klase namin!" masayang ipinakita ang mga medalyang pinaghirapan kong makuha.

Tiningnan niya ako ng saglit, nagulat nalang ako ng bigla niyang hablutin ang mga medal ko at padabog niya itong itinapon.

"Wala akong pakialam! Lumayas ka nga sa harapan ko! Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo!" sigaw niya sakin, kaya malungkot naman akong umalis.

5 years Ago

"Ma!.. Naglinis na ako ng bahay magpahinga na po kayo."

Inilibot niya ang paningin niya sa buong bahay. "Mukha bang malinis yan sayo?.. Wala ka talagang silbe!" sigaw niya saka umupo sa upuan.

"Ma-"

"Huwag mo nga akong kausapin!" yumuko nalang ako at saka umalis.

--

3 years Ago

Umuwi si Mama ng pasuray suray dahil sa kalasingan.

"Ma lasing na po kayo.."

"Lumayo ka sakin!.. Alam mo ikaw!" Dinuro niya ako sa mukha "Sinira niyong dalawa ng tatay mo ang buhay ko!.. Kung hindi niya ako binaboy! Edi sana hindi ganito ang buhay ko!.. Malas ka! Malas!"

"Hindi ko naman po kasalanan yun eh, bakit palagi niyo ho akong sinisisi sa bagay na hindi ko kasalanan?" Naiiyak kong turan pero agad akong sinigawan ni Mama.

"Kasalanan mo rin yon! Kung hindi ka nabuo, edi sana hindi ko naaalala ang kahayupang ginawa sa akin noon!"

"Kaya nga pangalan mo Sin! Kasi kasalanan ka!"
--

"Ma, gagraduate na ako.. Maiaahon na kita sa kahirapan."

"Iaahon?! Nagpapatawa ka ba?.. Eh sa kamalasan mong yan may tatanggap pa ba sayo?"

Patuloy na lumilipas ang panahon pero hanggang ngayon walang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Mama.. Simula bata napaka cold niya na sa akin.

Palagi niyang sinasabi sa akin na wala akong silbe sa kaniya, wala naman akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang lahat kahit masakit.

Hindi ko naman ginusto na maging ganito ang buhay naming parehas, pero kahit pa itaboy niya ako buong buhay ko mahal na mahal ko pa rin siya.

Gusto ko siyang makasama, makabonding kagaya ng ibang mga bata, gusto kong masabi sa kaniya kung gaano ko siya kamahal kahit pa hindi niya ako mahal.

Ayos naman sana ang lahat hanggang sa dumating ang araw ng hinihintay ni Mama.

Habang nasa palengke ako, nakaramdam ako ng pagkahilo saka ako bumagsak.

"Iha!"

"Nako, Sin!"

Huling rinig ko sa pagtawag ng pangalan ko at doon nawalan na ako ng malay.

--

"Doc, ano pong nangyari sa akin?" tanong ko kay Doc na nasa harapan ko.

"You has Chronic Lymphocytic Leukemia." Usal niya.

"Ano po iyon Doc?"

"Chronic Lymphocytic Leukemia is a cancer of the blood and bone marrow and bad news malala na ang sakit mo."

One Shots-(Random Stories)Where stories live. Discover now