Mapaglarong Tadhana (Ria's Story)

10 1 2
                                    

This is My Dulaan Script na ipinasa ko sa aking professor, nilagay ko na rito dahil sayang naman🤣♥️

This is base on true story na napakinggan ko kay Papadudut, iniba ko ng konti yung Names, yung ibang pangyayari at ang Ending. Yeah baka macopy right pero di naman ako sikat kaya gora ko na to HAHAHAHA

Yung ginawa ko kasi pang Third person yung nagsulat at ako yon, bale parang nagbabasa ka lang ng pang MMK ganon hahahaha
[]- yung mga nakaganiyan Pov siya ni Ria.

___

Sabi nila hayaan nalang natin na tadhana ang maging tulay upang mahanap mo ang taong mamahalin mo. Ngunit paano kung nahanap mo na nga siya pero paglalaruan naman kayo ng tadhana? Tatanggapin nalang ba natin? O ipipilit?

Ako si Ria Salsedo , nais kong ibahagi sa inyo ang kwento namin ni Gio Etemosa at kung papaano kami paglalaruan ng tadhana.

Patungo na si Ria sa eskwelahan ng maisipan niyang ituloy ang librong binabasa niya.Kinikilig pa siya habang nasa imahinasyon na ang kaniyang binabasa.

"Riaaa! Riaaa!" sigaw ni Maebel mula sa likod na di kalayuan kay Ria. Hindi naman siya pinansin ni Ria dahil abala ito sa pagbabasa ng libro.

"Busy na naman 'yan sa boring niyang binabasa.. Hindi ka niyan papansinin." Napapangising sabi ni Acelyn kay Maebel.

Napabuntong hininga lang si Maebel "Hay.. Wala namang bago.. Habulin nalang natin siya." Natutuwang sabi ni Maebel kay Acelyn sabay takbo upang habulin si Ria.

"Maebel!" sigaw ni Acelyn habang nakaturo dito ngunit biglang nabaling  ang tingin ni Acelyn  kay Ria, Nanlaki ang mga mata niya ng makitang mabubunggo si Ria ng dalawang lalaki sa harap nito na busy rin kakacellphone. "R-r- Ria! Sa harap mo!" sigaw ni Acelyn ngunit imbis na tumingin sa harap ay tumingin si Ria sa likod kaya naman tuluyan siyang nabunggo ng isang lalaki.

Kasabay ng paglipad ng libro ni Ria ay ang pagbagsak niya sa kalsada.

"Aish!" Napaatras naman si Acelyn at napailag kunwari.
Napatakip naman ng mata si Maebel.

"Aray" pagdaing ni Ria habang hawak ang bewang at tinitingnan yung tuhod niya.

"Ah!" daing din ni Gio.
"Gio!" Sigaw naman ni chad na agad tinulungang tumayo si Gio.

"Miss sorry, ayos ka lang ba?" tanong ni  Gio kay Ria.
"Pre, sabi ko naman kasi sayo dahan dahan ka lang eh." tinapik ni Chad si Gio sa balikat.

Inis na tumayo si Ria habang Pinupulot ang mga gamit niya. "Ha! Seryoso ka ba? Malamang hindi ako okay... (pagkatayo niya ay napatitig siya kay Gio) ...ako,  Ikaw okay ka ba?.. Kasi ako okay ako, sanay na ako madapa, Oo.. Nung bata ako binabalibag ako ni Mama eh, kaya okay ako." maharot na sabi niya Ria habang nakatitig kay Gio.

Nagkatinginan naman si Maebel at Acelyn nag senyasan na sabay nilang hilain si Ria papalayo sa mga lalaki.
"Ahh.. (Kumamot siya sa likod ng tenga dahil siya ang nahihiya para kay Ria).. Ano kasi.. Okay na siya, wag niyo nalang siyang pansinin.. Naalog ata yung atay niya eh, (sinensiyasan niya si Maebel na aalis na sila) .. pagpasensyahan niyo na."
Patango tango naman si Gio at Chad habang pahabol na nakatingin kina Acelyn.

--
Makalipas ang ilang araw matapos ang unang pagkikita nina Gio at Ria. Muli silang pagtatagpuin ng tadhana.

"Ria, Acelyn sabi nila may dadalaw na ibang student galing Mirriam dito." Bulong ni Maebel
"Mirriam? Yung school? Bakit naman daw?" nagtatakang tanong ni Ria kay Maebel.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shots-(Random Stories)Where stories live. Discover now