Chapter 36: [How We Met]

3K 28 12
                                    

“Cheska hinay hinay sa juice.” Sabi ni Mama.

                Pangatlong baso na ng juice ang iniinom ko. Hindi ko alam na pinapanood pala ako ni Mama. Nate-tense kasi ako. Kanina pa nagtatanong si Papa kay Juami. Si Fort naman nag-cocomment na lang sa bawa’t sagot ni Juami.

                “Paano kayo nagkakilala ng anak ko?” Si Papa.

                “May mutual friend po kasi kami. May event po noon sa school nila Cheska at ininvite po ako ng isang friend ko. They introduced us at the pies and water balloon booth. Annual fair po kasi nila noon.” Sagot ni Juami.

                “Pies and Water balloon booth?” Si Captain. Feeling ko tatanungin pa lang dapat ni Papa yun kay Juami eh.

                “Yes. Yun yung booth nila Cheska.” And then Juami began this detailed story of how we met. Hindi ko din maiwasang maalala kung anong nangyari.

                 It was a Friday. Last day nga ng booth namin noon and we were proud that we earned a lot of money. Si Raven kakaalis lang ng school kasi may nililigawan siyang girl that time. Hinatid niya si Agatha pauwi.

***

                “Should we start closing the booth?” Tanong ko kila Kiera. Pero agad kong napansin yung kakaibang galaw nilang dalawa ni Sadie. Nag-aayos sila sa likod ng booth.

                “Okay na ba yung buhok ko?” Tanong ni Sadie sa akin.

                Tumango ako. “Anong meron?”

                “Kasi darating si Roch kasama yung ibang friends ng pinsan niya na players ng Eaglets.” Explain ni Kiera.

                “Dahil lang dun?” Natatawa kong tanong.

                “Anong dahil lang dun? Oh right. Allergic ka pala sa mga lalake.” Si Kiera.

                Nagkibit ako ng mga balikat. “Hindi naman. I just don’t find the thought of boyrfriends appealing. Masyado na tayong busy sa school. We’re graduating in a few months.”

                “Masyado kang school-oriented Cheska. They say when you stop looking for something, that’s when you find it. Malay mo nandiyan lang pala sa tabi-tabi yung lalakeng magbabago ng mga pananaw mo sa buhay.” Giit ni Sadie.

                I shook my head while laughing. “Ah ok. Sige na lang.”

                “Mabuti na ding wala pang interes sa lovelife yang si Cheska. Hindi naman tayo papansinin ng mga boys kung hindi niya lang nire-reject at tinatarayan eh. Siya kaya unang nilalapitan palagi.” Singit ni Kiera sa usapan.

                “Ha? Hindi din. Baka na-mukhaan lang ako kasi madami akong sinaliang competitions these past months.” Sagot ko habang nilalagay sa karton yung ibang props namin. Wala na din namang tao sa harap kaya mabuti ng maayos ko na yung pwedeng iligpit.

                “Whatever you say,” Si Sadie.

                “Sadie? Kiera? Cheska?” Boses ni Roch. “Nandito na sila Kuya. Come and meet them.”

                Roch is dating one of the Eaglets. Hindi ko na maalala kung sino pero I’ve met him.

                Excited na umalis si Kiera at Sadie. Pinauna ko na sila. Bitbit ko yung box habang sinusundan sila.

Lagot Ka Kay Coachحيث تعيش القصص. اكتشف الآن