Chapter 69: [Against Us]

46 2 11
                                    

Cheska's POV

"The bottom line is he's okay. We'll take care of your player, Coach. Jeric will be fine."

Nakaupo si Papa malapit sa higaan ni Captain. After the flurry of events that happened earlier in the emergency room, this is the first time any of us had a chance to breathe and get some rest.

Sa bilis ng mga pangyayari kanina, hindi ko na din masyadong namalayan ang paghatid sa amin ni Juami. Isinakay na din niya si Raven. I didn't even say goodbye anymore. As soon as I got out of his car, I headed to where they were holding Jeric.

Captain was still asleep. Hindi na nila siya pinilit gisingin muna dahil kailangan din niya ng pahinga. The doctors said the worst was over but until I can talk to him again, I don't think I can rest easy just yet.

Hindi ko namalayang sa akin pala nakabaling ang attensyon ni Papa. Parating na ang mga magulang ni Captain pero habang wala sila, kami muna ni Papa ang kasama niya dito sa kwarto. Raven was out buying us food. Ang ibang teammates niya ay pabalik pa lang ng UST galing sa MOA.

The doctor excused herself. Dinig na dinig ang pagsarado ng pinto dahil pareho kaming hindi kumikibo ni Papa.

I know how he feels right now. A part of me just wants to be there for him too but another part kept screaming I told you so. You did this. You promised and yet...

I kept my mouth shut. It's not the time or place, Cheska. Your dad feels even more awful than you do.

Lumapit ako kay Papa at inilagay ang kamay ko sa balikat niya. "Papa, okay ka lang ba?"

He absent-mindedly nodded. "Kung hindi sana—"

I squeezed his shoulder in response. He shouldn't be thinking about this. Mali pang sisihin namin ang kung sino sa nangyari. Pare-pareho lang din naman kaming nagdasal na sana walang mangyaring masama. Wala namang gumusto nito. Pero nandito na kami. We just have to deal with it.

At the expense of Jeric's health.

Nangilid ang mga luha sa mata ko nang maisip ko iyon. Nasa ospital nanaman kami. Pinilit ko na lang ang sarili kong isipin na gagaling na siya. He'll be fine.

But will I be? The season isn't over yet. I hope this is the last time we'll have to worry about this. I don't think I can go through it again.

Saktong pumasok si Raven. Nakita niya ang ayos namin ni Papa kaya tahimik na lang siyang nag-ayos ng binili niyang pagkain sa malapit na mesa.

Tumayo si Papa. "Kumain na kayo. Kailangan ko lang kausapin ang staff ko."

Tumango ako bago pumwesto sa upuan niya kanina. Pagkalabas ng pinto ni Papa, sumusubo na agad ng kanin si Raven.

"Nangunguna ka nanaman diyan." Saway ko. Hinawakan ko ang kamay ni Captain.

"Ba-et?" Tignan mo 'to. Sana nginuya muna niya yung pagkain niya bago nag-salita. Mamaya mabulunan pa siya. "Sabi ng Papa mo pwede ng kumain. Gagi. Nakakagutom kaya yung nangyari. Alam mo namang stress eater ako."

Tipid akong ngumiti habang nakatingin kay Raven. I'm thankful he's here. I need the normalcy right now. Inabot niya sa'kin ang isang karton ng Rice in a Box. "Kumain ka na din."

"Raven..." My voice broke as I said his name. Akala ko nailabas ko na lahat ng luha ko kanina. Hindi pa pala.

Inilapag ng bestfriend ko ang hawak niyang pagkain saka lumapit sa akin. He placed his hand on my shoulder and pulled me to him. "Uy, okay lang si Fort. Tahan na."

I poured all of my frustrations into these tears. Basang-basa ang t-shirt niya nang humiwalay ako sa pagkakayakap niya. "Kumain ka na. Sorry. I don't know what came over me."

Lagot Ka Kay CoachWhere stories live. Discover now