Epilogue

382 13 2
                                    


Epilogue

20 years later

"Merry Christmas, Tita Lei!"

"Merry Christmas, mama! You deserved to be happy."

Bati ng anak at nobyo nito at niyakap siya

"Aww, merry Christmas too mga anak... Hala sige, kumain muna kayo, there's an ice cream in the fridge, Bree pakainin mo muna yang boyfriend mo."

"Strawberry ba yun tita?"

"Yep, I made that Ace."

"Kaya love na love kita tita eh, masarap ka magluto at gumawa ng ice cream." sabi ni Ace at niyakap sa mula sa gilid si Lea

"Oh, oh, oh, pag may nagselos pupulutin ka talaga sa kanal ngayon din." sabi ni Bree at hinila si Ace palayo sa ina

"Hindi lang sa kanal, sa septic tank mismo." nilingon nila ang pinanggalingan ng boses nito

"Ew..." Lea commented "That's horrible."

"Merry Christmas!" bati nina Bree at Ace, lumapit si Lea sa asawa at hinalikan ito sa labi

"Merry Christmas" bulong ni Lea

"Merry Christmas too, my love."

"Gosh, I will pretend that I didn't see that... Let's go Ace, kumain tayo." pag-alis ng dalawa ay hinapit nito ang bewang ni Lea

"How dare that kid hugged you." Sabi nito habang sinusundan ng masamang tingin ang dalawa

"Ano ka ba, Ace is just thankful."

"Whatever... here" inabot nito kay Lea ang isang kulay black velvet box na may kalakihan

"What is this, Aga?"

"Go on, open it." pumwesto si Aga sa likuran ni Lea at niyakap siya

Binuksan ni Lea ang box at bumungat sakanya ang kulay white gold na kwintas na may pendant na hugis puso at may naka-ukit na cursive Lea S. Muhlach

"Open the pendant." binuksan ni Lea ang pendant at nakita ang litrato nilang tatlo 19 years ago, kung saan kapapanganak lang ni Lea

"Merry Christmas babes." sabi ni Aga at hinalikan siya sa balikat at isinuot ang kwintas kay Lea, hinarap siya ni Lea, maluha-luha ang mata nito

"I love you."

Napangiti si Aga, Lea rarely tell him those three words to him but he understand, action speaks louder than words at kahit hindi na sabihin ni Lea yun, alam niya at ramdam niyang mahal siya nito, patunay ang 20 taon na pagsasama nila.

Mahigit 1 taon din niya itong sinuyo matapos ang away nila, hindi siya nito pinapansin at kahit prenatal check up nito sa doktor ay hindi nito sinasabi sakanya, pumupunta itong mag-isa at walang pakialam kung ang lahat ng mga kasama nitong buntis ay may mga asawa. Kahit ganoon ay nalalaman niya naman kaya humahabol siya dito at sinasamahan ito kahit na hindi siya pinapansin o ina-acknowledge ang presence niya sa tabi nito.

She's a tough cookie to break at lumala habang nagbubuntis ito, mabuti nalang ay nung nanganak ito ay hindi siya nito hinayaang umalis sa tabi niya. They had their first family picture sa private room ni Lea at nagkapatawaran sila nang araw na iyon mismo.

"I love you too." sabi ni Aga at hinalikan siya sa labi

"You know what, I never regret entering your apartment 20 years ago." Sabi ni Lea

"And I never regret letting you in that time too... Mabuti nalang at hiniram ko yung apartment ng kapatid ko. Mabuti nalang din at tinake advantage ko yung situation mo noon." Lea giggles and give a kiss, and another kiss, and another kiss and another one that last for 10 seconds

"Gusto mo ng letche flan?" tanong ni Lea

"Gusto ko yan, tara." sabi ni Aga at sabay silang naglakad na magkahawak-kamay papuntang kusina para samahan ang dalawa



The End




Thank you so much for reading Wrong Apartment, sana ay basahin niyo rin ang ibang mga librong isinulat ko dito sa wattpad. Salamat sa pagbabasa at pagsuporta sa dalawang estranghero na naging mag-asawa. mwehehe

Wrong ApartmentWhere stories live. Discover now