Kabanata 4

28 8 0
                                    

"Ilang libro ba ang kailangan mo para makahiram na ako kay Ate Lea ninyo," tanong ni Mama habang nagtitimpla ng kape.

Kumunot ako ng noo habang isinusuot ang medyas, hindi pa rin ako makapag-isip kung ano ba talaga ang gusto ko. Masyado bang maaga para pag-isipan ko ang tungkol sa pangarap ko? O talagang sadyang wala lang talaga akong pangarap.

"Huwag na pala muna Ma, iisipin ko pa kung ano," mahinang saad ko saka tumayo na.

"Hindi mo naman kailangan seryosohin ang project na 'yan, ang importante may maipasa ka, kung wala ka pang naiisip kung anong gusto mo, huwag mo munang ipilit."

Katulad ng dati ay pumunta na naman ako kung saan ang lugar na pinagpa-praktisan namin. Maraming mga estudyante na naman ang naroon, ang puwesto namin ay sa tabi lamang ng section one, mas marami sila kung ikukumpara sa amin.
Mayroon lamang kaming limang oras para magawa ang dapat na gagawin, sapat na ang tatlong oras na iyon para matapos ang mga props at para pagdating sa lunes ay isang bagsakan na lang sila.

"Mingming ko!"

Mula sa kalayuan ay rinig ko agad ang pamilyar na boses, nakangiti itong nakatitig sa akin na halos mapapikit na dahil sa singkit na mata habang sinasayaw ang hawak na pagkain, suot nito ang kulay itim na t-shirts at ang pulang short na hanggang tuhod, kahit na mainit ay hindi natatakpan ang kaputian nito.

"Adlawan! Ba't ka late?!" sigaw ni Jerome na direktor namin dahilan para mapatingin ang ibang naroon.

"Anong late? Kanina pa ako nandito bumili lang ako, late ka riyan," natatawang sabi nito saka lumapit at naupo sa tabi ko.

Inirapan lang siya ni Jerome at pinagpatuloy ang kanilang ginagawa. Sabay kaming nagkatinginan ni Gerald at napatawa na lang.

"Ba't ngayon ka lang? Lakas pa ng loob mong bumili ng kwek kwek," sabi ko rito.

"Bagal kasi no'ng tindera magluto, siya sisihin mo," natatawang sabi nito na binigay pa sa akin ang isang hawak niya.

Tinuloy na lamang namin ang ginagawa namin, si Michelle naman na madalas naming utusan kapag nauubos na ang mga glue sticks na madalas naming gamitin. Dalawang oras mahigit namin natapos ang props, dahil may natirira pa kaming oras ay nagkuwentuhan na lang ang iba at kumain, samantalang ang mga kaklase naming gaganap ay hindi hinayaang makapagpahinga hangga't hindi natapos ang pinaka-huling senaryo.

"Ano na Cath?" tawag ni Gerald saka naupo sa tabi ko.

Nakaharap kami ngayon sa section one kung saan sa bandang kanan nila ay naroon ang iba naming mga kaklase na umaarte, sa kanila lamang ang tingin ko.

"Anong ano?" sagot ko.

Nahiga ito sa balikat ko na madalas na niyang ginagawa sa amin ni Michel, sobrang malapit talaga siya sa babae at sinasabihan pang bakla.

"Yong tungkol sa future me, sa Friday na 'yon tangek!"

Napabuntong hininga muli ako. Ano na naman bang isasagot ko rito? "Wala nga maisip e," bulong ko habang nginunguya ang tsitsirya. "E, ikaw?"

Napatawa ito ng mahina saka kinuha ang selpon. "Surprise na 'yon, surprise rin kay Mich e," sagot nito saka sinimulang maglaro.

Nakasandal pa rin ang ulo nito sa balikat nito habang abala sa paglalaro ay nanonood lang ako kela Jerome, mahahalata sa itsura niya ang pagiging pilit sa pagseseryoso pero natatawa rin sa tuwing nagkakamali ang iba.

Si Mich naman na abala sa pakikipag-usap sa kabilang section na kaibigan niya rin. Habang nakatingin sa kung saan ay hindi ko maiwasang maisip ang madalas na sinasabi ng mama ko. Alam kong pinagsisisihan niya ang sumama kay Papa at maniwala sa mga gano'ng salita, hindi nagawa ni Mama ang mga dapat na gawin ng isang dalaga noon dahil sa pag-ibig.

My Dream Wedding Ceremony | CompletedWhere stories live. Discover now