Prologue

5.3K 119 3
                                    

Habang nag lalaba ako, kanina pa ako naiinis sa taong kumakatok sa pinto namin, binuksan ko ang pinto at si Irene lang pala kaibigan ko.

"Oii Zein may sasabihin sana ako sayo"tawag ni Irene sakin

"Ikaw pala Irene, akala koba nasa Manila ka?at ano yung sasabihin mo?"tanong ko na may halong pag tataka

"Diba gusto mo ng trabaho sa Manila?"tanong niya,gusto ko ng trabaho dahil gusto kong tulungan si lola,namatay ang mga magulang ko nung bata pa ako at si lola nalang yung kasama hanggang ngayon.

"Oo?"sabi ko

"Yung trabaho kong pinapasukan sa manila pwede ikaw na pumalit sakin"sabi niya na ikina gulat ko, halata sa mukha niya ang pagot at lungkot. nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat.

"Eh?bakit?may nangyare ba?at teka ayos kalang ba?"nag aalalang  tanong ko sa kaniya

"Ang suplado ng amo ko ayoko na,ikaw na lang Zein please, kinausap ko ang mama ng amo ko ang sabi kasi ni ma'am na pag di ako makahanap ng papalit sakin di ako makakaalis kasi wala na talaga silang mahanap na bagong kasambahay dahil sa ugali ng anak nila"mahabang paliwang niya

"Inuna mo pa sarili mo pano naman ako?"biro ko sa kaniya

"Eh?!sorry na Zein please?"sabi niya at hinawakan ang dalawa kong kamay, kailangan korin ng pera para sa mga gamot na kaialangan ni lola at gastusin sa bahay. 

"Tumigil ka Irene di bagay sayo"tumatawa kong sabi

"Ang sama mo!"sagot niya at tumawa

"Sige ako nalang papalit sayo, kailangan korin ng pera ngayon para sa pang araw araw ni lola"sabi ko at napakamot sa ulo ko

"Salamat Zein!"sabi niya ngumiti lang ako sa kanya sinabi niya lahat ng ugali ng amo niya at inaamin ko natatakot ako, umuwi na ako sa bahay namin at pinuntahan si Lola sa kwarto niya, mahimbing siyang natutulog, malungkot mang sabihin pero handa akong tiisin ang ugali ng magiging amo ko para sa Lola ko.

Hi I'm Zein Montefalco, hindi na ako nagaaral at high school lang ang na tapos ko dahil hirap kami ni lola, namatay ang mga magulang ko noong 10 years old palang ako, ako narin ang nag tratranaho saamin dahil matanda narin si lola at hindi na kayang mag lakad ng maayos, maganda ang buhay namin dito kahit hirap na kami dahil kasama ko ang lola ko. Aalis ako bukas hindi ko kayang iwan si lola pero alam kong itong trabaho na ito ang mag papagaan ng buhay namin ni lola.

My Probinsyanang YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon