Chapter 9

22 3 12
                                    

Chapter 9: Leanora Skai


A/N: Bayad sa slow updates, publish-unpublish-publish-unpublish-publish series. Hehe. Read well my aevlogias. <3

And also, shoutout to khyrizer, hello :3

ok wait last: asking for comments hype me up para ganahan ako magsulat kapag tinatamad ako bahahahahaha labas lahat ng silent readers!!!!! >.<


➳❈❁.༄*༄.❁❈➳

"Szauvie Nicole, wake up, what the fuck?!" Agad akong napadilat at bwisit na kinusot ang mga mata kahit na masama iyon. 

"What the?" sinamaan ko siya ng tingin. "The heck do you need?! Panira ka ng tulog!" inis na singhal ko kay Trov.

"Hoy, anong what the fuck ka diyan?!" rinig ko namang puna sa kanya ni kuya Raffie kaya nilingon ko siya.

"Bangon na, Madam. Malalate ka na sa klase," nakapamaywang naman niyang dakdak sa akin. "Late na!" My forehead was still creased.

"Tss. It's almost 8 o'clock, Szauv." sabi naman ni Trovie. 

My beautiful eyes widened! Dali-dali tuloy akong napabangon at nang may ma-realize, muli akong bumalik sa higaan.

"Oh?! Ba't bumalik ka?!" taka nilang tanong.

"I am Szauvie Nicole Ramos and—"

"Woi, hindi tayo pinalaking ganyan, ah!" pangangaral naman ni kuya Raffie. Wow, ah?

"You shouldn't use your powers that way," pangangaral naman ng kambal niya. Wow! 

Inirapan ko sila. Ang pangit kasi manggising! Pwede naman kasing, "Nicole, wake up, you're getting late for school." gano'n na lang sana! Mas sweet! Magigising pa rin naman yata ako kahit ganoon! At least, maganda-ganda pa ang gising ko kahit papaano! 

"We're leaving in fifteen," Trov said before he went out but of course I stopped him!

"Ako, aalis na. Good bye!" singit ni kuya Raffie at umalis na nga.

"We are? Bakit? 'Di mo kasabay Mikaella mo?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

His brows furrowed. "Don't talk like that. We'll fetch her before heading to school." nakakainis na sagot niya. Wala na yatang maganda sa araw na 'to! Noong isang araw pa ako bad mood, I hate it!

Wala na akong ibang nagawa kundi maligo, magbihis, at mag-ayos para makapasok na ako sa school. I still have five minutes to do whatever I want kasi fifteen minutes lang ang ibinigay niya sa akin at sampu na ang nagamit ko roon! 

Back to normal na rin ang classes namin dahil tapos na yata sila sa inaayos sa university? Or maybe not yet? I don't know! Basta normal na again!

Nang makuntento na ako sa hitsura ko, kinuha ko na ang maganda kong mini backpack at saka lumabas sa kwarto. Habang pababa sa hagdanan, nahagilap ko ang walang hiyang si Trovie Cole Ramos na nakadekwatro sa couch at halatang naiinip na. A mischievous smile flashed on my face.

Dahan-dahan akong bumaba na para bang nananadya. I took every step slowly. Gusto kong ngumiti nang pagkalaki-laki nang mapansin kong nakuha ko na ang atensyon niya. But I stopped myself and avoided his gaze!

"What the heck are you doing?" takang tanong niya at halatang nakataas na ang isang kilay niya. I ignored him.

Dalawang minuto na lang yata ang mayroon ako! Ni hindi pa nga ako nakakapagbreakfast!

Mah Obscured IdentityDonde viven las historias. Descúbrelo ahora