CHAPTER 20

230 7 0
                                    


"So anong plano mo? Ilang beses akong sinugod ni Patrick sa condo ko! Muntik pa nga siyang masuntok ni Neil noong isang gabi kasi lasing na pumunta."

Nagkita kami ni Ella sa isang fast food chain malapit sa hospital kung nasaan si mommy.
Isang linggo ang lumipas pero nasa ICU pa rin siya.

Isang linggo na rin ang lumipas ng huling beses kong nakasama si Ella.

Dahil nga pinatay ko ang telepono ko, Hindi na ako natawagan ni Patrick. Hindi ko rin hinahayaang magkita kami dahil ayokong masira ang plano ko.

Ayokong mapunta lang sa wala ang lahat ng pinag isipan ko sa loob ng ilang araw.

"Pumunta si Patrick kagabi sa bahay. Nagwala kasi daw tinatago kita." singit ni Darren.

Napalingon ako sa kaniya at hinawakan ang pasang nasa gilid ng labi niya.

"Akala ko ba may nakaaway ka lang kagabi sa bar?" kunot noo kong tanong.

"Sorry."

"Ma? Bakit hindi mo nalang kausapin yung tao? Sabihin mo sa kaniya na ayaw mo na. Titigil na kayo or aminin mo nalang yung nangyari sa inyo ng mom--"

"Ayoko. Mas magiging kumplikado lahat." tipid kong sagot at humigop ng ice tea.

Sa loob ng isang linggong pag-iisip, Napagdesisyunan kong mas magiging okay ang lahat kung ako ang bibitaw. Kung ako ang lalayo. Hindi lang dahil sa gusto ng mommy niya kundi dahil nahihirapan na rin ako sa sitwayon namin. Nahihirapan na akong magsabay-sabay ang problema. Hindi kakayanin ng katawan ko. Hindi kakayanin ng puso ko.

"Kailan ulit yung flight niyo?" Tanong ni Ella.

"Next friday. We still have one week para magkasama sama tayong tatlo bago kami umalis."  sagot ni Darren.

"Hala! Iiwanan niyo ako? Punyeta naman! Wala na ako---huhuhuhu" nagulat kami ng napahagulgol si Ella ng iyak.

Last week ay sinabihan na kami ng doctor ni mommy na hangga't maaari ay agahan ang pagdadala kay mommy sa Canada dahil kung papatagalin pa daw siya dito ay baka hindi na kayanin at tuluyan na siyang mawala. Kaya ayaw man ng bago niyang asawa na mawalay dito, Wala din siyang nagawa ng pinilit kong ako ang sasama kay mommy at siya ang magistay dito sa bansa. 

Nagpumilit rin si Darren na sumama dahil nga may mga kakilala siyang doctor sa Canada na kayang gamutin si mommy.

"Osiya siya! Una na ako ha! Nandiyan na daw si Neil sa parking. Hindi makapunta dito sa loob kasi may sumpong na naman daw yung sasakyan niya. Kita nalang sa sabado ha! Dating gawi Oblivion! Hoy libre niyo ha! pampalubag loob man lang sa pag iwan niyo sa akin!" paalam ni Ella bago naglakad paalis.

Nang mawala na si Ella sa paningin namin ay  naging tahimik na sa table namin.

"Angel, Paano yung pag-aaral mo? Sure ka na ba sa gagawin mo?" seryosong tanong ni Darren.

"Titigil ako sa pag-aaral habang nagpapagamot si mommy. Kapag naging okay na siya, Doon ako ulit magsisimula."  sagot ko.

Napabuga nalang ng hangin si Darren bago ako nag paalam.

"Una na ako. Bumisita ka nalang sa hospital. Tsaka kung may oras ka, Bisita ka nalang rin sa condo ko."

Nagdecide din akong kumuha ng condo malapit sa hospital dahil ayokong umuwi ng bahay. Alam ni Patrick ang bahay namin kaya hindi malabong pumunta iyon doon.

"Lagi naman akong may oras sa'yo." sagot nito.

"Dami mong alam." sambit ko at naglakad na palabas.

Nang makalabas ako ay laking gulat ko nalang ng makita si Mara.

"Hi! What a coincidence." sarkastikong bati nito.

Tiningnan ko lang ito sandali at naglakad na para lagpasan sana siya ng bigla niya akong hawakan sa braso.

"Let's talk." seryosong tanong nito.
Humarap ako sa kaniya at hinintay itong magsalita.

"Oh? Akala ko ba mag uusap tayo?" tanong ko.

"Seriously? Dito tayo sa labas mag uusap? It's so very mainit kaya!" maarteng reklamo niya.

"So ako pa mag aadjust sayo? Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin ng makaalis na ako."

"Fine! Here!"

Napatitig ako sa isang itim na sobre na kinuha niya mula sa kaniyang pouch at ibinigay ito sa akin.

"Ano toh?" tanong ko ng hindi kinukuha ang sobre.

"That was an invitation. You're invited on our wedding." makahulugang sambit nito.

"Nino?" kunwaring tanong ko.

"Mygod! Sino pa ba? Edi si Patrick. Ang bitter mo naman ha! Porket iniwan ka na ni Patrick for me ganyan ka na? But don't worry I'm not mad at you. Kaya nga I still invite you eh."

Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko ng banggitin niya ang pangalan ni Patrick.

"I-Iniwan ako?" utal kong tanong.

"Ha! Why are you asking me about that? Sinabi ni tita sa akin last week kung paano ka magmakaawa kay Patrick. Kawawa ka siguro non noh? Well, Paano ba naman kasi nag pagamit ka. Akala mo naman totoo lahat ng pinapakita ni Patrick sa'yo? Ay wait! Alam mo ba? Patrick told me about the night you gave yourself to him hahaha. Grabe ang funny niya mag kwento kasi ultimo face expression mo, Kinukwento niya sa akin hahahaha. Dapat nga magagalit ako nun kasi sino ba namang hindi magagalit kung yung fiance mo titikim ng ibang putahe diba? Tsaka tama ba yung rinig ko sa mga amiga ni tita? Your mom used Patrick's money? Sabagay, hindi naman imposible yun. Halata naman kasi sa pamilya niy---"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko na siya. Hinatak ko na rin ang buhok niya dahil sa sobrang galit. Sisipain ko sana ang tiyan niya ng bigla itong sumigaw kaya napatigil ako.

"Omygod! Stop! Yung baby ko!!" sigaw niya at humawak pa sa tiyan niya.

Napako ang tingin ko sa kaniya habang dahan dahan niyang hinihimas ang kaniyang tiyan.

"B-Buntis ka?!" tanong ko.

"How dare you! Kapag may nangyaring masama sa baby ko, Yari ka kay Patrick!" bulyaw niya at naglakad paalis.

May mga taong dumadaan ang napahinto dahil sa nangyari.

Parang gumuho ang mundo ko matapos marinig ang lahat.

Kapag may nangyaring masama sa baby ko, Yari ka kay Patrick!

Kapag may nangyaring masama sa baby ko, Yari ka kay Patrick!

Kapag may nangyaring masama sa baby ko, Yari ka kay Patrick!

Napahagulgol nalang ako sa iyak habang paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang mga sinabi ni Mara.

No way...

TELL ME, NO LIES Where stories live. Discover now