Kabanata 8

121 7 1
                                    

Kabanata 8

"Please...not that sampaguita." inilayo ko iyon sa akin nang ilapit ni Deyan ang hawak nyang sampaguita. Hindi ko kasi masyadong nagustuhan ang amoy.

"Arte arte," aniya at umirap.

"Why did you even bought that sampaguita, Deyan? You should've bought tulips for me instead. My gosh, paano nalang kung 'yong crush mo ang kasama mong lumabas? Sampaguita ang ibibigay mo?" umirap ako at inayos ang aking pink na sling bag.

He frowned and looked at me with irritation. "Napaka-arte mo talaga, 'no? Napadaan ako kanina sa bilihan ng bulaklak para sana bilhan ka ng tulips na paborito mo pero may batang lumapit sa'kin, nagtitinda ng sampaguita. Syempre naawa ako kaya binili ko na iyong tinda nya. Naisip ko na may iba pa namang araw at okasyon para ibili ka ng bulaklak...iyong mas engrande...at mas mahal. "

Napaiwas ako ng tingin. Guilt automatically crept inside me. Hindi ko alam na ganoon pala. He should've told me first! Napapikit ako nang mariin.

Uma-attitude ka na naman, Yukari.

Halos matapilok ako kakasabay sa lakad ni Deyan dahil masyado syang mabilis. Naiinis parin siguro sya sa'kin kaya ito at hindi nya ako pinapansin.

"Huy, Deyan." sabi ko at tinusok ang tagiliran nya na lagi ko namang ginagawa. Bago pa makalapat ang daliri ko sa kanya ay umiwas sya. Nanlaki ang mata ko. Hindi sya umiiwas noon, nang-iirap lamang sya kapag ginagawa ko ito sa kanya.

What the hell, Yukari? You're just over thinking.

"Galit ka?" tanong kong muli at hinarap sya. Hindi nya parin ako tinitingnan kaya napalabi ako roon.

Nakarating kami sa may paradahan ng tricycle kaya mas lalong nabuhay sa aking loob ang pag-asang papansinin nya na ako. Magkatabi kasi kami sa tricycle.

"Deyan..." tawag kong muli. Nag-salubong ang kilay nya at marahan akong itinulak para pumasok sa loob ng tricycle at sya naman ang sumunod.

"Dalawa po, sa simbahan." ani Deyan sa driver at umayos ng upo. At dahil hindi nya ako pinapansin ay nanahimik na lamang ako.

Fine! Alam kong ako ang may kasalanan, okay? Pero kasi sya na nga ang sinusuyo, ayaw nya pang mamansin!

Salubong tuloy ang kilay ko habang nakatingin ng diretso sa tinatahak na daan. Lumilipad pa ang maikli kong buhok dahil sa lakas ng hampas ng hangin.

At dahil naka-dress ako, hindi ako masyadong komportable sa posisyon dahil nililipad ang hem ng dress ko. Kinailangan ko pang ilagay ang sling bag sa aking kandungan ngunit masyado iyong maliit.

Narinig kong marahas na napabuga ng hininga si Deyan at hinubad ang kanyang hoodie. Nanlaki ang mata ko nang makita na sa ilalim non ay naka puting polo shirt sya.

"Tss." aniya at inalis ang sling bag sa kandungan ko at pinaltan iyon ng kanyang hoodie. Inayos nya iyon at nasakop non ang buong hita ko.

"Galit na galit, ah?" angil ko at ngumuso. Tiningnan nya lamang ako at kinuha ang aking sling bag para isabit sa kanya. I tried to stifle my smile but I failed.

I freaking smiled.

"Deyan, ang daming tao." sabi ko at humawak sa braso nya. Hinayaan nya naman ako at nag-simula na kaming lumakad patungong simbahan.

"Natural dahil simula na ang misa..." aniya at hinawakan ang likod ko para paunahin ako sa pag-upo.

"Deyan? Pagtapos nito, saan-"

"Shh Yuki. Makinig ka kay Father." aniya at tumingin sa harap. Napalabi ako at nakinig nga kagaya ng sinabi nya.

"Ngayong hapon ay tanungin mo ang sarili mo. Ikaw ba ay may minamahal o may iniingatang tao sa buhay mo?" sambit ni Father.

Wala sa sariling napalingon ako sa katabi ko. My eyes widen when Deyan looked at me too. Agad akong umiwas ng tingin nang maramdamang nag-wala maigi ang puso ko dahil sa hindi inaasahang pagtatagpo ng tingin namin.

What did just happened?

"Kung mayroon, h'wag kang mag-aksaya ng panahon kasama ang taong iyon dahil hindi mo hawak ang oras. Maaring mawala ang pinakamamahal mo sa buhay o kaya nama'y pagsisihan mo ang mga desisyon na magagawa mo sa hinaharap..."

Agad akong napaayos ng upo nang maramdaman ko ang titig ni Deyan sa akin. Bakit ba sya nakatitig? Naiilang tuloy ako.

"...ngunit palagi nyong tatandaan na ang tunay na pag-ibig, patuloy iyang babalik sa tunay na nagmamay-ari."

Bakit kaya ganito ang sermon ni Father ngayon?

Tila hindi maiproseso ng aking isip ang mga sinabi ni Father ngayong hapon. Nataon pang si Deyan ang kasama ko ngayon at iyon ang itinuturo nya ngayon.

Saglit akong napaisip. Paano nga kaya kung umalis si Deyan at iwan ako? Sa totoo lang, wala talaga akong maisasagot. Magmula bata pa man kami, sya na ang nakasanayan kong kasama. Kahit pa noon na nasa probinsya sya, gumagawa talaga ako ng dahilan kay Mommy at Daddy para puntahan ko sya doon at makasama. Ngayong nasa maynila na sya at kasama ako, hindi ko alam kung kaya ko pa bang mapahiwalay sa kanya.

Pero paano nga kaya kung dumating ang oras na iwanan ako ni Deyan? Paano na'ko?

"Yukari," Deyan called seriously. Napabalik ako sa ulirat at hindi namalayang may pumatak na luha sa akin.

Why am I even tearing up?

"Sorry, medyo na-touch lang sa turo. Hehe." sabi ko at tumayo dahil hindi ko rin pala namalayang tapos na ang misa.

Sabay kami ni Deyan na lumabas ng simbahan kaya't nang tumigil sya ay napatigil na rin ako.

"Saan mo pa gustong pumunta?" aniya. Napanguso ako ng bahagya at tinanaw ang nakitang perya doon sa kabilang kanto.

"May perya pala ngayon, hindi ko alam."

"Hindi mo nga alam na festival na, tss." irap nya. I smacked his arm and glared at him.

"Malay ko ba. Tyaka, ikaw kanina ka pa! Irap ka ng irap akala mo naman bagay. Mukha kang bak..."

"Bak?" ngumisi sya. Nanlaki ang mata ko at namula ang pisngi nang inilapit nya ang mukha sa akin.

"Deyan, ano ba! Ang daming nakatingin," sabi ko at tinulak ng bahagya ang dibdib nya. Nilibot ko ang tingin at nahiya nang makitang ang ilang tao ay nakatunghay sa amin.

Nakakahiya talaga!

"Tss. Sa susunod kasi h'wag basta basta mang-aakusa..." ngisi nya bago hinawakan ang likod ko para lumakad ngunit hindi nakalagpas sa pandinig ko ang isang matandang halos isigaw ang sinasabi.

"Hay nako, mga mag-asawa nga naman. Katatapos lamang mag simba ngunit dito pa sa harap ng simbahan nag-away. Hindi baga't umuwi at doon pag-usapan ang hindi pagkakaunawaan sa kanilang kwarto..." humagikhik pa ang matanda. Nalaglag naman ang panga ko dahil roon.

Hindi ko na muli itong nagawang lingunin dahil hinawakan na ako ni Deyan sa baywang para puntahan iyong perya na sinasabi ko.

Worth of Loving You (A Phase Of; Series #1)Where stories live. Discover now