Kabanata 20

158 5 0
                                    

Kabanata 20

Hindi ko alam kung ilang oras na akong hindi mapakali dahil sa nangyari.

Sinadya ko talagang tagalan sa banyo para sana paglabas ko ay wala na si Deyan ngunit mali ata ako.

Nandoon parin sya sa labas!

"Yuki," he called softly when I went out of the comfort room. Hahawakan nya sana ang kamay ko ngunit sinamaan ko sya ng tingin. Bumagsak ang balikat nya dahil doon.

"Are you upset?" tanong nya nang mag-simula na akong lumakad. Sumunod din naman sya agad sa akin.

"Why would I?" balik kong tanong. Pinantayan nya ang lakad ko at hinila ang aking baywang para mapalapit ako sa kanya.

Hinayaan ko sya. Tahimik lamang ako habang sya ay panay ang tingin sa akin.

"Was it because of Kiana? I already told you, I'm not cheating on you. I'll never cheat, Yuki." he said softly. Bumagal ang lakad nya at dahil hawak nya ang baywang ko, natangay na rin ako non.

"We're not even in a relationship, Deyan." I said and looked away.

He sighed. "Kahit hindi pa tayo, Yuki. Hinding hindi ko lolokohin ang nararamdaman ko sa'yo. I'll never do that emotional cheating thing."

Namula ang pisngi ko nang subukan kong tumingin ay nakatingin din pala sya.

"Are you still upset, baby?" masuyong tanong nya. I remembered what I just saw earlier. Nalilito parin ako! Paano ba talaga sila nagkakilala ni Kiana?

He probably read my expression that's why he sighed heavily. "Kiana is a friend."

"Huh?" kumunot ang noo ko.

"Sa probinsya, Yuki. Schoolmate ko sya noong elementary, hindi mo lang nakikita tuwing bakasyon pag nauwi ka sa probinsya dahil umuuwi din sya sa mga kamag-anak nya. Ngayon ko nalang ulit sya nakita na senior high tayo."

"I didn't even demand for an explanation, tho." patay malisya kong sinabi at kumibit. Nag-salubong ang kilay ni Deyan at halatang nawawalan na ng pasensya sa pag-suyo sa akin.

My heart ached a bit. Ano ganyan na lang sya? Susuko na agad sya sa kaunting pagtataray ko?

"Yes, you didn't. But I wanted to explain, baby. Ayaw kong mag-isip ka ng kung ano dahil lang sa nakita at narinig mo kanina. I didn't even touched her, I swear." para syang batang nag-taas ng kanang kamay.

I stared at him for a moment before letting out a heavy sigh.

"Alright. I heard what you said to Kiana about me, about your feelings. I'm sorry for being immature and for doubting you. I'm sorry." I said lowly and was about to walk faster but his embrace around my waist tightened.

"Hush, baby. No need to be sorry. Hanga't kaya ko, patuloy kitang iintindihin." aniya pa kaya hindi na ako nakaimik dahil sa nagwawalang kung ano sa sikmura ko.

Did I just felt butterflies?

"How's your food stall?" aniya. Nang makita kong madami nang tao sa dinadaanan namin ay inalis ko ang kamay nya sa baywang ko. He even frowned but pinanlakihan ko lang sya ng mata.

"Ayos lang, madami dami na ring benta. Kagaya nung sinabi ko sa' yo sa text, cupcakes and pamaypany ang tinda namin." I said and shrugged. Ramdam ko ang lalim ng pagtitig nya sa akin kaya medyo nailang ako.

"Magkano 'yong cupcake?"

"20 ang isa, bakit?" kumunot ang noo ko dahil sa pagtitig nya. Ano bang problema nya? May dumi ba sa mukha ko?

"Mahal." aniya at ako naman ay kumurap, bahagyang nairita.

"Ang kapal mo naman mag-reklamo! Hindi naman ikaw ang nag-bake at nag-hirap don. Alam kong may kamahalan pero masarap din kaya 'yon." umirap ako at nainis.

Worth of Loving You (A Phase Of; Series #1)Where stories live. Discover now