Part 1 Bagong buhay

9 0 0
                                    

Kuya Angelo! Tawag ni Rona habang nasa kusina
Tulungan mo naman ako dito oh.
Ano ba yan Rona! Kay dali lang gawin yan.

Bagong lipat lang sila sa unit na iyon kaya naninibago ang kapatid sa mga gamit. Magmula ng naulila sila ay si Angelo na ang nagsikap hanggang sa nakapundar ng condo sa makati. Maliit lang ang unit good for 2 lang. May isang kwarto na may dalawang bed at pag labas ng kwarto, sala kusina agad pinag isa. Pero kahit maliit ay napakalinis nito. Maselan din kasi si Rona sa bahay ayaw nya ng marumi. Dito naman hanga si Angelo sa kapatid dahil pag-uwi nya sobrang linis ng bahay kaso nga lang di marunong magluto si Rona. Nagprito lang ito ng itlog hirap pang gawin.

Oh sya ako na ang gagawa nyan. Maghain ka nalang sa mesa.
Okay kuya! Sagot nito.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na si Angelo sa kapatid.

Papasok na ako Rona. Pag lumabas ka i lock mo yung pinto ha! Wag mong kalimutan.
Yes kuya!.

Sa call center nagtatrabaho si Angelo. 6 years na sya sa telco company at sobrang productive nya. Bilib na bilib sa kanya mga ka trabaho sa sobrang galing lagi syang nasasali bilang isa sa mga top agents. Hanggang sa na promote syang manager. Tuwing gabi ang shift nya at umaga na umuuwi sa unit. Si Rona naman ay pumapasok sa school kaya di na niya ito naabutan. Bihira lang din sila magpang abot sa bahay.

Galing sila sa mayamang pamilya noon pero di na mabawi bawi ni Angelo ang ari-arian na kinakamkam ng kanyang tiyahing si Marga. Bata pa lang siya ay unti-unti na nyang nakita ang pagbagsak ng kaniyang mga magulang. Di nakayanan iyon ng daddy nya kaya ito maagang pumanaw. Ang ina naman nya ay namatay matapos ipinanganak si Rona. Dahil ulila na ay inampon sila ng kanyang tiyahin na si Marga. Ginawa syang katulong nito sa mansyon kapalit ng kanyang pagsisikap na makatapos ng pag-aaral. Si Rona naman ay ginawang prinsesa dahil baby pa naman ito kaya ito maselan sa mga dumi.

Naalala pa noon ni Angelo kung gaano ka salbahi si Rona sa kanya. Nahawaan iyon ng ugali ni Marga pero ng malaman ni Rona ang katutuhanan naglayas ito. Buti nalang nakita ni Angelo ang kapatid at magsimula noon maayos na ang pakitungo nya kay Angelo.

Pagkauwi ay nahiga agad sya sa sofa at binuksan ang tv. Nanood ng palabas sa netflix.

Naisip nya sa sarili na kaya pala niyang magtagumpay ng paunti-unti. Gusto pa niyang magtagumpay hanggang sa masapawan nya ang tiyahin. Marami syang planong naiisip na gawin para mabawi ang nawala sa kanila.

So naalala ni Angelo na day off pala niya kinabukasan kaya todo nood sya ng mga palabas sa netflix hanggang sa makatulog sya.

Naabutan sya ni Rona sa ganun sitwasyon. Hapon na yun around 3pm. Pinatay ng dalaga ang tv at kinumutan ang kapatid.
I love you kuya sabay kiss sa pisngi nito.

Cassandra's Dark SecretWhere stories live. Discover now