Lumabas si Angelo sa unit nya para bumili sa 7-11 ng makakain nila ni Rona ng makita nya si Lanna na naglalakad papuntang elevator. Nagmadali syang naglakad para maabutan iyon at makasabay ang dalaga sa loob. Sakto naabutan nya nagsara agad ang elevator. Di nagsalita si Lanna at nagpindot sa button L (lobby). Gusto sana makilala pa ni Angelo ito pero parang may kakaiba itong energy na di nya maintindihan. Parang pinipigilan syang magsalita hanggang sa nakababa na sila ng lobby tska pa sya nakahinga ng maluwag pag labas nito.
Napahawak sya sa dibdib saglit at nilapitan sya ng guard.Sir okay ka lang po ba?
Oo kuya guard I'm okay sabay ngiti sa guwardiya.
Nawala na sa paningin nya si Lanna at di nalang nya ito inisip. Pagkalabas nya sa condo ay dumiretso na sya sa 7-11 at namili na ng makakain doon. Habang namimili sya ay eksakto may nakita syang chichirya. Kukunin na sana nya iyon ng biglang may kamay na sumabay sa pagkuha nito. Paglingon nya ay si Lanna ang nakita nya. Natulala sya sa ganda nito. Nakakatitig lang ito sa kanya na animoy walang reaksyon pero andiyan na naman ang malakas na energy na nararamdaman niya. Pinipigilan sya nito di sya makagalaw hanggang sa naagaw nito ang favorite chichirya na gusto niya. Nag iisa nalang kasi yun dun sa lagayan. Walang anu-ano ay kusa itong lumabas. Di man lang nakita ng mga empleyado doon na lumabas sya. Pagka wala ng babae. Nakahinga naman ng maluwag si Angelo. Napaupo sya sa tabi at hinimas himas ang dibdib.
Sir okay lang po ba kayo? Tanong ng sales lady ng 7-11.
Ms. Babayaran ko nalang ang kinuha ni Lanna. Di sya nagbayad sa counter nyo eh. Sabi ni Angelo.
Nagtaka naman ang sales lady. Ho? Eh kayo palang po ang pumasok dito sir wala pa kami nakitang lumabas.
Ano!? Nagtakang tanong ni Angelo. Eh kinuha nya ang bibilhin ko sana tas umalis. Di mo nakita? Kakalabas lang nya.
Umiiling iling lang ang saleslady.
Pagkalabas ni Angelo sa 7-11, lumingon lingon sya sa labas pero wala na sa paligid si Lanna.
Kuya! Asan na ang favorite ko? Tanong ni Rona. Binigay nya sa kapatid ang mga nabiling pagkain at saglit na napatulala. Nakita niya sa isip nya si Lanna kung pano sya titigan nito. Para syang nakakita ng diwata sa mga mata nito.
Kuya! Lutang ka na naman! Anyare?
Si Lanna kasi eh. May kakaiba sa kanya Rona.
Napahagikhik si Rona habang kumakain. Tinamaan ka na yata kuya eh! Gusto mo pag makita ko sya ulit pakilala kita?
Sige Rona. Gusto ko talaga sya makilala.
YOU ARE READING
Cassandra's Dark Secret
VampireNg makita ni Angelo ang bagong lipat lang na si Lanna sa kabilang unit ay agad syang namangha dito. May kung anong kakaiba sa babaeng iyon. Tahimik, tipid magsalita at walang gaanong kumakausap. May mga sabi-sabi na kailangan syang iwasan dahil mapa...