Chapter 1

17.6K 243 12
                                    

A/N: Before you continue reading, take note that this is not revised yet. You may see some wrong spellings, wrong grammars etc. And I'm still improving my writing skills for every story that I wrote. No judge, thank you!)

__________________

Dianne's pov

"Girl, babad kana sa trabaho! Mamaya mag collapse kana diyan eh!" Suway ng kaibigan kong si Anna.

"Kailangan sis eh. Kailangan ko na mag padala kila mama at lumalaki ang gastusin sa ospital" sambit ko.

"Ha? Di pa rin nakakalabas si tita?" Tanong niya at umiling ako.

"Hindi eh. Sabi ni Rose mas lumala daw yung sakit ni mama edi lalaki yung bill sa ospital isabay mo pa yung pag papaaral ko kay Rose"

"Hayst. Kung may pera lang talaga ako---"

"Huy, di na. Nakakahiya sayo" I cut her off.

"Pero ikaw rin nahihirapan sis. Waitress kana nga sa umaga tapos bartender kapa sa gabi" sambit niya.

"Para mas marami ang kikitain" sambit ko at bigla kong nabitawan yung tray. Mabuti na lang at wala yung laman.

"Hala, hala. Ayos ka lang?" Tanong niya at hinawakan ako sa braso.

"Medyo nahihilo ako---" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bumigay na ang mga tuhod ko at agad akong nasalo ni Anna.

"Ay jusko! Guys, tulong!" Rinig kong sigaw niya at agad nakong nawalan ng malay.

...

Nagising ako na nakahiga sa isang hospital bed at nasa tabi ko si Anna.

"Dianne. Kamusta kana? May masakit ba sa pakiramdam mo? Anong kailangan mo?" Sunod sunod niyang tanong.

"Anong ginagawa ko dito? Umalis na tayo baka lumaki pa yung babayaran natin" sambit ko.

"Tigilan mo nga ako, Dianne! Halos mamatay ako sa takot nung nawalan ka ng malay kanina. Wag ka mag alala, ako na mag babayad dito"

Bearing My Doctor's Child √Donde viven las historias. Descúbrelo ahora