Chapter 8

6.6K 158 4
                                    

Dianne's pov

Kasalukuyan kaming nandito sa beach resort na pag mamay ari ng kaibigan ni Kenneth na kasama rin namin ngayon.

"Ano teh? Pumunta tayo dito para tumambay lang?" Tanong ni Anna. Nakaupo lang kasi kami dito sa buhangin habang tinitignan ang iba na nag sasaya.

"Ikaw... Kung gusto mo mag swimming. Ako dito lang ako" sambit ko.

"Ano ba iniisip mo?" Tanong niya pero di ako makasagot.

"Yang feelings mo para kay Kenneth noh"

"Ano pa bang bago? Ang hirap naman kasing hindi mahulog sa lalaking yun"

"Sino ba nagsabing madali lang?" Pambabara niya.

"Alam ko naman yung limit ko eh. Siyam na buwan lang ako makikisama kay Kenneth. Once na maipanganak ko na ang anak niya, I'm out of his life" parang ang sakit isipin nun ah. Ano pa nga bang ineexpect ko?

"Hay nako... Bat di ka na lang kasi bumalik sa apartment para mabawas bawasan yung pagkikita niyo?" Suggest niya.

"Ayaw nga niya diba. Gusto niya akong alagaan 24/7"

"Ano nang plano mo ngayon?" Tanong niya.

"Bahala na. Susulit sulitin ko na lang yung oras na kasama ko siya" sagot ko at tumingin sa kawalan.

Kenneth's pov

"Bro, thank you for letting me rent your whole resort" sambit ko.

"Of course. Parang yun lang" sambit niya sabay tawa.

"Nasan pala ang mga anak niyo? Hindi sumama?"

"Hindi. Ayaw nilang sumama. Wala daw silang kakilala dito at mga introvert yung mga yun eh. Manang mana sa ama nila" sambit ni Addilyn at natawa naman kaming tatlo.

Bearing My Doctor's Child √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon