Kabanata 1: Kababata

791 26 0
                                    

Mag kasama ngayon ang dalawang bata na tahimik na nakahiga sa damuhan .. Kagaya ng dati nilang ginagawa ,nasa ilalim nanaman sila ng tulay ..

Mas gusto ng dalawang batang ito na sila lang . Masaya sila pag mag kasama ,kahit di sila nag uusap masaya naman sila

Napansin ni Riley na balisa ang kanyang kaibigan .. Sa isip isip nito ,baka hindi na nababagot na ang batang babae

"Ririn ,nais mo na bang umuwi ?" tanong ni Riley

Tumingin sa kanya si Ririn na may namumuong luha sa gilid ng mata kaya naman nataranta si Riley

"Hala ,bakit ka naiyak ? May nagawa ba akong hindi mo nagustuha--" hindi natuloy ni Riley ang sinasabi nya sapagkat niyakap sya ni Ririn habang naiyak

"Sorry.." pabulong na sabi ni Ririn

"Huh ?Bakit ka nag sosorry ? Bakit ka din ba naiyak ?" nag aalalang tanong ni Riley sa kaibigan

Kumalas muna sa pag kakayakap si Ririn bago ito mag salita "Aalis na kami dito .. Sabi ni mama titira na kami sa bahay ng step father ko .. Ayoko sana kaso wala akong magagawa" umiiyak pa ding ani nito

"Wag kang umiyak Ririn .. Maari ka namang dumalaw o di kaya sumulat sakin eh .. Ganun din ang gagawin ko" naka ngiting sabi ni Riley

Hindi nya pinapakita sa batang babae na nalulungkot sya sa kanyang nabalitaan .. Maski sya ,ayaw nyang umalis si Ririn

"Di mo na iintindihan Riley ! Ayoko sa stepfather ko .. " galit na sabi ni Ririn tsak tumayo "Ayokong sumama kila mama pero wala akong magagawa dahil sa bata palang ako .. Ayoko sa stepfather ko ayoko sa kanya !" nag wawala na sabi nito

"Bakit ba ayaw mo sa kanya ? Ririn ,matagal ng wala ang iyong ama at panahon na para mag karoon ka na uli ng ama .. Ayaw mo ba yon ?" medyo naguguluhang tanong ni Riley

"Hindi naman sa ayoko na mag karoon ng ama .. Basta ! Ayoko sa kanya" galit pa ding sabi ni Ririn

Tumayo naman si Riley sa kanyang inuupuan at pinat ang ulo ni Ririn "Kung may problema sabihin mo nalang kagad sakin at tutulungan kita .. Tumahan kana ,di bagay sayo ang naiyak .. Bili nalang tayo ng ice cream" naka ngiti nitong sabi at hinawakan sa kamay si Ririn

Hindi na pumalag si Ririn at hinayaan nalang na hilain sya ni Riley

.

.

Stay With Me [COMPLETE]Where stories live. Discover now