Kabanata 5: Magkasama Na Tayo

133 14 0
                                    

Rine's POV

Naka tayo lang ako terrace habang naka tingin sa malaki at maliwanag na buwan .  Naalala ko pa nung mga bata pa kami ni Rene ,palagi namin tinitingnan ung buwan at sinasabing

'Mag kakampi tayo sa lahat ng bagay ,ikaw at ako .. Tayong dalawa .. Hindi tayo mapaghihiwalay o masisira ng kung sino o ano man. Tandaan mo yan'

Napayukom nalang ako .. Galit ako kay Rene dahil hinayaan nya kong mawala .. Natuwa pa sya ng malaman nyang wala na ko ? anong klaseng kapatid sya ?!!

"Naiyak ka nanaman" napukaw ang atensyon ko sa nag salita si Rhenn .. Lumapit sya sakin at inabutan ako ng panyo "Naalala mo nanaman ba ung kambal mo ?" tanong nya

"Anong balita sa pinapagawa ko ?" pag iiba ko ng usapan .. Alam naman nyang si Rene lagi ung dahilan kung bakit ako naiyak tapos tatanungin nya ko .. Abnormal talaga to kahit na kailan

"Ayon ,may tinulungang mga bata .. Napaka bilis nga nya eh " napatingin naman ako sa kanya habang naka kunot ang nuo "Hindi na din mortal ang kapatid mo ,Rine .. Dahil siguro sa ninakawan mo ng kwintas kaya nag karoon sya ng kapang yarihan at speed ang naibigay sa kanya" paliwanag pa nito

Pano sya nag karoon ng kapangyarihan ? Gagantihan ba nya ko dahil kinuha ko tong kwintas ?

"Rine ,kumain kana ba ?" tanong pa nya 

"Hindi pa" maikling sagot  ko naman

"May niluto ako kanina ,buti nalang nag dala ako .. Tara kumain kana muna" sabi nya sabay lahad ng kamay ko para alalayan papunta sa loob ng kwarto

Dumertso kami sa hapag ko at kinain ung dala nyang pagkain  .. Masarap mag luto si Rhenn ewan ko lang kung bakit di pa nag aasawa ... Inuuna ata pag sisilbi sakin imbis sariling pakakanan nya

Si Rhenn ang gumabay sakin simula maliit pa ko ,sya nag train at nag turo ng mga kailangan kong malaman .. anim na taon ang tanda nya sakin at para ko na din syang kuya .. Sakanya ako nag lalabas ng sama ng loob at naiyak .. Pakiramdam ko kase ,safe ako sa kanya ..Pero alam ko ding may ibang dahilan kung bakit ganun nalang kagaan ang loob ko sa kanya

"Hindi kaba sasabay sakin ? Masyadong marami tong dinala mo" tanong ko sa kanya

Bumingisngis naman sya at umiling

>/////////< kyaaaa help meeeeee

"Oo nga ,masyadong madami yung dinala ko . Pero nangangalahati kana hihihi" sabi pa nya habang natawa

Umiwas ako ng tingin at sa pagkain ko nalang itinuon ang atensyon ko .. Alam kong namumula na ung  mukha ko dahil kakangiti at tawa ng abnormal na Rhenn na to

Stay With Me [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon