SIMULA

100 23 11
                                    

SA oras na ito ay hindi ko alam ang gagawin. Sakay ng bangka ay dali - dali ako nag sagwan papalayo kung nasan man siya naroroon.

Kasabay nang malakas na ulan ay siya ding lakas ng hangin at pag hampas ng alon sa sinasakyan ko na tumatalsik sa akin balat. Ramdam ko ang hapdi sa bawat sugat sa aking katawan na nakuha ko kanina sa aking pagtakas.

Napaisip ako, nagawa kong makatakas sa kanya ngunit mamamatay naman ako dito ngayon. Mahigpit akong humawak sa magkabilang parte ng bangka at nagdasal ng mataimtim kasabay ng pagbaliktad ng sinasakyan ko ay siyang ikinalunod ko.

Hindi ako marunong lumangoy kaya sinisikap kong ipadyak ang aking paa sa ilalim ng tubig, sinikap kong lumangoy papunta sa bangkang aking sinasakyan kanina upang ipatong ang kalahating katawan ko. Unting unti akong nanghihina dala sa pagod at sa mga sugat ko.

Tumingala ako upang pagmasdan ang buwan na hindi ko masyado matignan dala ng napakalas ng buhos ng ulan. Unti unti kong naramdam ang pagsara ng aking mata at hinayaan kong anudin ang bangkang pinagpapatungan ko.

Diyos ko, kung naririnig niyo po ako paki usap, iligtas niyo po ako. Hindi pa po ako handang mamatay, ang dami ko pa pong gustong gawin sa buhay, kayo na po ang bahala sa akin.

NIXCINEJI

Trapped by the Ocean | Rosales Series 1जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें