Chapter 15: Luna

712 34 9
                                    

Serafina Eleanore Bernardino

"Wala kang lakad ngayon?" tanong ko kay Silvain na nakaupo sa sala at nagbabasa

"None, don't you want me here?" tanong niya pabalik

"Hindi naman, nagtataka lang ako kasi lagi kang may lakad diba?" Binaba niya yung librong hawak niya at minuestra na maupo ako sa tabi niya

Kaya lumapit ako at umupo

Kinuha niya ang kamay ko at pinagsaklop sa kamay niya.

"Actually I have errands but I realize we don't have enough time for each other, and I don't want you to feel that I don't care about you."

"Hindi naman, naiintindihan ko naman at may responsibilidad ka na kailangan gampanan"

"Hmm" Sinandal niya ako sa dibdib niya habang pinapasadahan niya ng kamay ang aking buhok

"May itatanong sana ako"

"What is it?"

"Ano yung propisiya na sinasabi niyo?"

"I don't think, you want to know"

"Okay lang, tatanggapin ko." Kumalas ako sa yakap at tumingin sakaniya

Ayoko ng mamuhay sa dilim, gusto kong malaman kung ano bang dapat kung asahan

Kung ano ba itong naghahadalang saming dalawa

Bumuntong hininga siya at tumitig sa mata ko

"Ang Alleris, ay ang direct descendant ni Dracula our strongest and powerful ancestor. He died kasi nasaksak siya sa puso. Bilang direct descendent ni Dracula we are Prophesied na sa amin magmumula ang bagong dracula, more powerful, stronger than before. For more precise anak ko ang magiging sunod na dracula at mangyayari lang yun kapag kinasal ako sa royal family ng lahi namin and we are currently looking for the missing princess at kailangan mangyari ang kasal four months from now"

Apat na buwan?

Apat na buwan nalang ang palugit namin.

Naramdaman ko ang pagtutubig sa aking mata kaya tumingin ako kaagad sa malayo

"I'm really sorry eleanore, I know I'm selfish alam ko namang mangyayari to but still pinilit ko ang nararamdaman ko para sayo"

"Okay lang, sa totoo lang masaya ako kasi kahit sandali naramdaman ko yung pagmamahal na sayo ko lang pala makikita" Inangat niya ang mukha ko at pinunasan ang luhang umaagos sa aking mata

Akala ko kaya kong tanggapin

Akala ko kaya kong marinig

Hindi pala

Nilapit niya ang kaniyang mukha at nilapatan ako ng malalambot na halik

"I love you Eleanore"

"Pero di tayo pwede hanggang huli?" Tanong ko

At nakita ko ang sakit na dumaan sa kaniyang mata.

"I'm sorry"

Umiyak ako nang umiyak kahit nakakahiya na sakaniya. Gusto ko ilabas yung sakit na nararamdaman ko

Gusto ko makita niya na hindi ko kaya

Niyakap niya ako at binuhat, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero gusto kong namnamin ang bawat sandali na magkasama kami

Nagulat ako ng makitang nasa tapat kami ng kwarto niya.

Kwarto niyang ayaw niyang ipakita, pakialaman

The Vampire's SlaveWhere stories live. Discover now