Story#76- Usig

29 1 0
                                    

LAKING pasasalamat ni Luisa dahil sa wakas ay magaling na ang anak nila ni Anthony nang isugod nila ito sa ospital dahil sa taas ng lagnat. Wala silang pera na pambili ng gamot pero ipinangako ni Anthony sa kaniya na gagawa ito ng paraan. Tinupad nga nito ang ipinangako nito. Ang sabi raw nito ay nagkaroon ito ng raket. Ngunit simula ng araw na iyon ay napapansin  niya na nag-iiba na ang kilos nito. Nagsasalita itong mag-isa at parang palaging takot! Isang beses ay nakita na lamang niya itong nakabigti na sa may kesame at wala nang buhay.

Hundred Words Of HorrorWhere stories live. Discover now