Story#85- Lugaw

26 1 0
                                    

KAKAIBA ang lugaw na in-order ni Harry sa isang online food delivery. Hindi lang kasi iyon basta lugaw lang dahil meron iyong espisyal na sangkap. Medyo may kamahalan nga lang at umaabot iyon sa dawalang daan bawat order. Hindi mahalaga sa kaniya ang pera matikman lang niya ang isa sa mga pagkain na essentials. Nang maihatid na iyon sa bahay niya ay agad naman niya iyong kinain. Kakaiba ang lugaw na iyon dahil pula ang kulay. Agad naman niyang naubos iyon at napakasarapan talaga siya! Masarap ang pagkakaluto ng daliri ng tao. Kamay kasi ng tao ang sahog niyon!

Hundred Words Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon