03

390 30 4
                                    

Nililigawan


"Oh my God! Are you okay, Astra?" nag-aalalang tanong ni Ate.


Nakatigil na ngayon ang kaniyang sasakyan sa may gilid ng kalsada. She unbuckled her seatbelt to check on me. Dahan-dahan  akong tumango. Mabilis ang tibok ng puso ko sa biglaang pagpreno. Panandalian ring sumakit ang aking ulo dahil nauntog ako sa harapan.


"Ikaw, Ate? Okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya.


Napabuntong hininga naman siya at tumango. "May nakalagay na ngang No U-turn, hindi pa rin sinunod!" reklamo ni Ate.


Bigla na lang nawala 'yung sasakyang nag u-turn. Ang laki-laki na nga nung sign hindi pa rin nakita! Hindi ko alam kung sadyang matigas lang talaga ang ulo nila. Libre lang naman sumunod sa mga traffic signs!


Inayos ni Ate ang kaniyang buhok at nagsimula na muling magmaneho. The incident a few moments ago interrupted me from admiring Puerto Real. Hindi ko na tuloy napansin 'yung ibang pagbabagong nangyari. Pero okay lang, I have a lot of time on my hands.


Bigla kong naalala 'yung una kong nakita si Benj. Nakakahiya na natunghayan niya pa kung paano ako mahirapan sa math. Hindi ko rin napansin na nasa likod ko siya.  Actually, hindi ko naman talaga alam kung tama 'yung ginagawa ko nung time na 'yon. Nagsusulat lang ako ng random numbers kapag wala na talaga akong mailagay na sagot.



Natawa ako nang maalala kung paano ako nainis dahil sa kahihiyan. He could've just told me though! Wait, that's not a good idea. A stranger coming up to you saying you're terrible in Math. I shook my head.


Nakatingin lang ako sa bintana nang mapansin na nakarating na kami sa bahay. Ang laki ng pinagbago. Nasabi sa akin ni Mama na tumulong si Ate sa pagpapa-ayos nito. Ang dati naming mababang bakod ay napalitan na nang mas matataas. Ginawa na rin siyang garahe. Ang hanggang dalawang palapag na bahay ay naging tatlo na. Mas buhay na rin ang kulay nito. Mahilig pa rin talaga hanggang ngayon sa halaman si Mama.


Bumaba na kami ni Ate sa sasakyan at sabay na pumasok. Bitbit ang aking mga gamit ay dumiretso ako sa loob. Nagulat ako ng may party pooper na humarang sa mukha ko bago pa man makapasok sa sala.


"Welcome home, Astra!" sabay-sabay nilang salubong sa akin.


Inilibot ko ang aking paningin. Naluha ako nang makita si Mama, ang bunso kong kapatid na si Aliah, may mga bata pa na sa aking palagay ay anak ni Ate Astrid at may dalawang kasambahay rin. Ang tangkad tangkad na ni Aliah. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.


Nagulat ako nang may mahigpit na yumakap galing sa likod ko. Humarap ako at kumunot ang noo. Ilang segundo bago ko napagtanto na si Celeste itong nasa harapan ko. May namumuong luha sa mga mata niya. She changed a lot.


"Astra, sobrang namiss kita! Hindi mo naman sa akin sinabi na pangarap mo palang maging si Sleeping Beauty" Iyak tawa niyang sabi sa akin.

Glimpse of StarsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora