38

7.1K 176 75
                                    

Chapter 38: Crazy

I woke up to the feeling that someone is staring at me. Gumalaw ako ng kaunti at nang magmulat ay nagsalubong ang mga tingin namin ni Zelus. Sa inaantok na mata ay kita ko ang ngiti niya nang hawiin ang ilang hibla ng buhok na nasa aking mukha. Mangha siyang nakatingin sa akin habang hindi maaalis-alis ang ngiti sa labi.

"Good morning..." I greeted happily. I haven't been able to sleep lately because of the things going on in my life but last night was an exception. For the first time, I was able to have a good sleep. Walang inaalala. Tanging siya lang at ako.

"Good morning love..." His husky and slightly baritone voice echoed in my ears. Yumuko siya nang mapatakan ako ng halik sa aking noo at ako naman ay nagsumiksik sa may leeg niya na parang bata. I love laying my head on his chest and smelling his neck.

"What do you want to do today?" tanong niya habang nilalaro ang daliri ko. I noticed how he always does that kahit noon pa.

"Uh..." I groaned. "I don't know? Maybe explore the island?" Hindi siguradong sagot ko. Kung aalis man kami, I might ask Amira for the iterinary that she offered the other day.

"Okay.. we'll eat breakfast first and then we'll explore."

Tumango ako. Babalik na sana akong muli sa pagtulog nang umalingangaw ang tunog ng cellphone ko. Wala sa sariling inabot ko iyon at nang tignan ang caller ay nangunot ang noo ko. It's still 8 am in the morning! Anong kailangan ni Rafaela?

"Hello?" Namamaos kong sagot.

"Good morning sa pinakamaganda kong kaibigan!" Hyper na hyper si Rafaela. "Silip ka diyan sa balcony mo bilis."

Nangunot ang noo ko. Saglit na iginala ang tingin dito sa kwarto. Nandidito pa rin naman ako sa hotel kaya bakit niya ako pinapasilip sa labas?

"What do you mean Raffa?" Naguguluhang tanong ko.

"Silip ka lang diyan sa balcony mo. Sige na." Ulit niya pa.

"Ano? Gising na ba? Baka mamaya nagloloko ka na naman Raffa ha!" Napabalikwas ako sa kama nang marinig ang boses ni Vixie.

Nangunot naman ang noo ni Zelus sa akin. Takang-taka sa bigla kong pagbangon.

"What's the problem?" tanong niya habang pilit na binabasa ang ekspresyon ko. Imbes na sumagot, nagtungo nga ako sa balcony. Pagsilip ko sa baba ay muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko!

Mula rito ay tanaw ko si Raffa! Laglag ang panga ko. Yes, she's here! At hindi siya nag-iisa! Kasama pa si Kuya Ax at Vixie!

Anong ginagawa nila rito?

"Oh my gosh!" Hindi ko napigilang bulaslas. Nagkakaway sa akin si Rafaela at Vixie. Si Kuya Ax naman ay malaki ang ngisi sa akin. He's giving me this look that says, you-think-you-can-hide-from-me-try-again.

Lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko nang maramdaman ang presensya ni Zelus sa likuran ko. Kitang-kita ko ang gulantang na mukha ni Kuya nang makita si Zelus.

"Ay wow! Kaya pala glowing kahit kagigising lang!" Asar agad ni Raffa. Nag-init agad ang mukha ko. Kilala ko si Raffa! Iniisip niyan na may ginawa kaming iba rito!

"What the fuck?!" Rinig kong mura ni Kuya at huling-huli ko rin ang pagsapak sa kanya ni Vixie.

"No cursing please! Ang aga-aga, you dork!"

Napahawak naman si Kuya sa batok niya at maya-maya ay hinuli ang kamay ni Vixie.

"Sorry baby, nagulat lang." Kung may ilalaglag pa ang panga ko, nasa lupa na siguro iyon ngayon. Wait? Sandali!

Whirlwind Romance (Philautia Series #1)Where stories live. Discover now