Chapter 3

268 36 5
                                    

Inimulat ko ang aking mga mata dahil sa lakas ng sikat ng araw na tumatama rito. Kaya naman kunot noo akong bumangon mula sa aking higaan, ustong pagbangon ko ay siya namang pagsakit ng aking ulo at biglang rumihistro ang kagimbal gimbal na pangyayaring naranasan ko kagabe. Kumirot ang aking sintido dahil sa pag aala-ala ng mga nangyari, mula sa pambababoy na ginawa ng mga kaibigan ni kevin hanggang sa pagkainkwentro ko sa isang tao na tumulong sakin na ibahin ang pananaw ko sa buhay. Nagtataka naman ako kung baket nasa kwarto na ako ngayon. Dibat kagabi lamang ay kasama ko si ian? ( yung lalaking nakausap ko kagabi.)
Biglang bumalik sa isip ko ang mga pinag usapan namin.

"Buti pa nga ikaw malaya mong ginagiwa ang gusto mo samantalang ako limitado lang ang kayang gawin. Tapos magpapakamatay ka lang? Sasayangin mo lang ang buhay mo?"

" anong limitado ka diyan? Piso net ka ba? May time limit?"

" totoo yung sinasabi ko, buti nga ikaw hindi nakikita dahil hindi ka pinapansin. Ehhh ako? Hindi napapansin hindi rin nakikita. Pasalamat nga ako nakikita at nahahawakan mo ako ehhhh..."

" bakit multo ka ba? Hehehe"

" Tama ka, multo ako."
Biglang tumulo ang luha niya
.

" namatay ako... Hindi ko alam kung papano ako makakabalik."

"Ayos ka lang?" Tanong niya ngunit nanatili akong tulala. Huling natandaan ko nalamang ay biglang dumilim ang aking paningin dahil sa nalaman.

Natigil ako sa pagmumuni-muni dahil sa malakas na katok sa pintuan. rinig ko mula sa labas ng kwarto ang sumisigaw na si tita Vanji.
"Hoy! Elijah anong oras na ba at di ka pa lumalabas jan? Nako papakainin ka na nga lang nagpapaespesyal ka pa?!" galit na bulyaw nito sakin mula sa likod ng pinto.

Kaya naman dali dali akong bumangon at hindi ko na binigyang pansin ang sinabi niya dahil totoo naman ito.

Pagkabukas ko ng pintuan nabungaran ko siyang nakapamewang at mababakas mo sa kanyang muka ang pagkainis kaya naman niyuko ko ang aking ulo at nagpaumanhin.
" pasensya na po tita.."
Mapagkumbaba kong turan.

" Dalian mo kumain ka na don at urungan mo ang pinagkainan kanina ka pa namin hinihintay. Diba dapat kame ang pinagsisilbihan mo baket bumaligtad na ata ang mundo?!" mahabang sermon nito habang dinuduro ako. Pagkatalikod niya ay sumunod na ako sa kanya upang tumungo sa hapag.
Ustong pagkapasok ko nabungaran ko si tito jose na nagbabasa ng diyaryo na lagi niyang ginagawa tuwing umaga nang libutin ko ang aking tingin nagulat ako ng naroon rin si kevin. Tahimik lang ito at tila walang kaalam-alam sa nangyari kagabi.

" oh ano? Tatayo ka nalang ba jan?!" puna sakin ni tita.
Kaya naman dali dali akong umupo at kumuha ng plato.
Kahit na kakaiba ang trato sakin sa bahay na ito nakakain ko patin ang mga pagkain na kung anong meron sila kaya naman thankful parin ako dahil kahit na inaabuso ako hindi parin ako nagugutom sa puder nila.

"anak bat ginabi ka na ata nakauwi kagabi?" tanong sakin ni tito jose habang umiinom ng kape. Kaya naman napatingin ako kay kevin ngunit mabilis itong nagiwas ng tingin. Dahil alam niya na may kinalaman siya kung bakit hindi ako nakauwi ng maaga.

Paano nga ba ako nakauwi kagabi? Ang katanungang bumabalot sa aking isipan.

" pasensya na po tito may inasikaso lang po ako." pagpapalusot ko nalang. Napatikhim naman si kevin sa sinabi ko. Naalala ko rin kase ang mga sinabi niya sakin, na huwag na huwag akong magsusumbong sa mga magulang niya. Hindi ko ito ginawa dahil sa takot kundi ayaw ko lang magkagulo ang lahat, ngunit di ibig sabihin na pinagtakpan ko siya ay nalimutan ko na ang mga pambababoy na ginawa nila saakin.

Strangers ( BxB ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon