Chapter 8

90 8 6
                                    


" may gusto ka ba sa kaibigan mo? May gusto ka ba sa harvey nayun?" saad ni Ian kaya naman napabitaw ako rito, baket niya naman naisip ang ganyang bagay?

" huh anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong ngunit mahina itong tumawa at umiling.

" wala yun wag mo nalang isipin"sabi niya .

" may ipapakita nga pala ako sayo baka makatulong ako sa problema mo"
pagiiba ko ng topic kaya
Inilabas ko sa bag yung notes ko sa pinagaralan namin kanina. Ito yung tungkol sa mundo ng buhay at ng mga patay.

" Ano yan?" nagtatakang tanong nito.

"lesson namin, nung diniscuss kase samin yan ikaw agad ang naisip ko tingnan mo babasahin ko sayo ah.."
Binasa ko lahat ng mga na take notes ko sa harap niya. Napapatango naman siya sa bawat detalye na aking tinururan kaya naman matapos ko itong basahin ay tinanong ko siya.

" wala ka ba talagang natatandaang alaala kahit isa noong nabubuhay ka pa? " tanong ko sa kanya at siya naman ay tumingin sa langit tila nag iisip.

" ahhmmm wala talaga ehhh pero may naiisip ako kaso di masyadong clear..." sabi niya at tila nahihirapan aaalahin ang lahat.

" panong hindi clear? "
Lamapit ako sa kanya at pumalumbaba upang pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin.

" alam mo yung parang may mga picture na nag pla play sa utak mo pero malabo" paliwanag niya't tinanguan ko lang siya.

Natahimik kame saglit dahil wala na akong maisip na maitanong pa dahil wala naman siyang maalala kahit isa. Kaya nakaisip ako ng way para pagaanin ang loob niya. Lumapit ako sa kanya ng kaunti.

" alam mo di ko man alam kung paano kita matutulungan, pero gagawin ko ang lahat para maibalik natin yung ala ala mo para narin malaman mo yung dahilan ng pagkamatay mo." inakbayan ko siya at tinapik ang kanyang balikat. Sinuklian naman ako nito ng ngiti.

" salamat elijah maraming salamat. Hayaan mo pipilitin kong alalahanin ang lahat para maging maayos narin ako at tumawid sa kabilang buhay" ngumiti ito at hinawakan ang isang kamay ko.

" ako ang dapat magpasalamat sayo. kundi dahil sayo baka multo narin ako ngayon" biniro ko ito upang pagaanin ang aming sitwasyon. Napangiti naman ako nang makita ko siyang tumawa.

"ohh pano baka abutan pa ako ng dilim, malilintikan ako sa tiyahin ko pag nagkataon" tumayo ako at pinagpag ang aking pwetan.

" sige ingat ka sa pag uwi, wala sanag mangyaring masama sayo diba tutulungan mo pa ako?" biro nito

" osige para sayo magiingat ako" sakay ko sa biro nito. At patuloy na akong umalis.

Hayyyy Ian sana nga maging maayos narin ang lahat. Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya.


THIRD PERSONS POV

Napangiti si Ian nang sabihin ni elijah na magiingat ito para sa kanya. Pinagmasdan niya lang itong makalayo at nang mawala na ito sa kanyang paningin ay napa buntong hininga ito.

" pipilitin kong maalala ang lahat para narin matahimik na ako." saad niya sa kanyang isipan.

Tatayo na sana siya ng biglang may isang larawan ang nag flash sa kanyang utak. Isang larawan ng umiiyak na lalaki paalis ng bahay hindi siya nagkakamali na siya ang lalaki dahil malinaw ito at kitang kita niya mismo ang kanyang sarili na umiyak habang hinahabol siya ng isang babae na tila nagaaalala. Pilit niyang minukaan ang babae ngunit biglang sumakit ang kanyang ulo.

Maraming bagay ang tumatakbo ngayon sa kanyang isipan, gaya na lamang nang maliit na ala ala na kanina ay naglaro sa kanyang utak.

" isa kaya ito sa mga dahilan kung baket ako humantong sa ganito?" tanong niya sa kanyang sarili.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa kabilang banda naman naglalakad pauwi si elijah nang madatnan niya ang kanyang tiyahin na naghihintay sa tapat ng bahay kaya naman nilapitan niya ito upang mag mano.

" nasan si kevin baket hindi pa umuuwi yung batang yon?" Bungad na tanong nito kaya naman nagulat si elijah sa nalaman.

Halos isang oras din ang itinagal niya sa pakikipagusap kay harvey at ian. At ang akala niya ay nauna na si kevin sa kanyang nakauwi ng bahay.

" tita hindi ko po alam eh." maayos niyang saad.

" sa iisang school kayo nagaaral tapos di mo alam?! Sige na nga pumasok ka na don wala kang silbe!" kaya naman nakayukong pumasok si elijah at nagtungo na ito sa kwarto niya. Ngunit pagkasara niya ng pinto ay nakaramdam siya ng hilo kaya naman. Minabuti niya munang umiglip saglit.

Ilang saglit pa ay nagising siya nang makarinig ng ingay sa labas, hindi siya nagkakamali boses ito ng kanyang tiyahin kaya bumaba ito upang silipin.

" ikaw bata ka anong oras na bakit ngayon ka lang umuwi?!" galit na sermon ng tiyahin kay kevin.

" pwede ba ma napapagod ako gusto ko nang magpahinga!" balik na sagot nito sa ina kaya naman lalong nagpuyos ito sa galit.

"wag mo kong sinasagot sagot diyan! Isa pang beses na gabihin kang umuwi- nako pinapainit mo ang ulo ko bata ka!" bwelta pa nito ngunit tinalikuran lamang siya ng anak.

Tahimik naman na nakasilip si elijah sa gilid dahil ayaw niyang makita siyang nakiki usosyo sa usapan ng mag-ina ngunit ang hindi niya alam napansin siya ni kevin.

Tumayo na ito upang bumalik sa kanyang kwarto ngunit nagtataka siya dahil di niya maisara ng mabuti ang pinto.
Nang tingnan niya ang kung ano mang nakaharang rito, ganon na lamang ang gulat niya ng makita niya ang sapatos ni kevin.

Tinaas niya ang kanyang tingin at bumungad sa kanya ang naka ngising binata na siyang nagbigay ng kilabot sa kanyang katawan.

Di niya namalayan na tuluyan na palang nakapasok loob si kevin at isinara ang pintuan.
Unti-unti itong lumalapit kay elijah na sout parin ang kakaibang ngiti.
Napaatras siya sa paglapit nito.

"k-kevin bbakit ka nandito? Hindi naman ito yung kwarto mo." may bahid na pangingig na tanong ni elijah na tuloy parin sa pag atras. Wala naman siyang nakuhang sagot mula sa binata ngunit nawala na ang ngiti nito dahil bigla itong sumeryoso.

" hindi ka parin nag tatanda. " saad ni kevin
Na siyang pinag taka niya.

" A-anong ibig mong sabihin?"
Lumapit lang ito sa kanya, at ng wala na siyang ma aatrasan ay ikinulong siya sa magkabilang bisig nito. Gusto man niya itong itulak ay wala siyang lakas upang gawin iyon dahil sa panginginig.

" I told you na akin kalang." ini pwesto nito ang kanyang ulo sa tenga ni elijah at mahininang ibinulong. Napapikit siya dahil dinilaan nito dahan dahan ang kanyang tenga.

" kevin itigil mo na ito" puno ng takot niyang saad. Ngunit biglang bumalik ang nanlilisik nitong mga tingin.

" Baket, Sino ba ang gusto mong gumawa sayo nito? Yung lalaki bang kasama mo sa clinic huh?! " nang gigil na saad ni kevin.
Umiling siya upang itanggi ang paratang ng binata.

Hindi niya lubos maisip kung baket sinasabi ni kevin ito sa kanya, at kung baket idinadamay nito ang kaibigan niyang si harvey.

Nagulat nalang siya ng bigla siyang siilin ng halik ng binata.
Agresibo at puno ng pananabik ang paaraan ng paghalik nito.
Marahas nitong kinagat ang ibabang labi ni elijah upang maibukas nito ang bibig at Agad niyang pininasok ang dila at inilibot sa loob ng bunganga ni elijah.

Hingal na hingal silang dalawa ng matapos ang halik.
Biglang tumulo ang luha mula sa mata ni Elijah lumayo na ng kaunti ang hinihingal pang si kevin at pinunasan ang laway sa gilid ng kanyang labi.

" ang tigas ng ulo mo, kahapon ko pa sinabi sayo na akin ka lang" umalis si kevin at iniwan itong lumuluha.

Napaupo si Elijah sa sahig at niyakap ang kanyang tuhod.
Naramdaman niyang may nakatayo pa sa harap niya kaya di niya ito nilingon pa dahil ang akala niya ay bumalik muli si kevin. Ngunit gayon na lamang ang gulat niya ng magsalita ito.

" siya ba yung ikini-kwento mo kay harvey? At siya rin ba ang dahilan kung baket mo na isipan mag pakamatay?"
Dahil rito itiningala niya ang kanyang ulo upang mapansin kung tama ba ang kanyang hinala.

" Ian?!" ang gulat niyang saad. Kita niya mula sa mga mata nito ang awa at pagkadismaya.









A/N: after a year nakapag update narin HUHUHUHU
sorry po for being inactive i hope na magustuhan nio ang recent update ko and i will try my best na mag update ulit as soon as possible... Thank you!!!

Don't forget to vote!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Strangers ( BxB ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon