Capítulo Dose

5 1 0
                                    

Stop

Nagising ako ng mabigat ang pakiramdam kinaumagahan.

‘Pakiramdam? Haha mabigat ang loob mo Jonelyn wag mong lokohin ang sarili mo.’

Napailing ako sa naisip. Nakakatawang ganito ang nararamdaman ko bagamat maayos naman kaming naghiwalay kagabi.

Nilutuan ko siya ng Chicken curry tulad ng inaasam nito. Umabit siya ng alas nuebe ng gabi rito naabutan pa nga siya ng ate Jane. Si Rafa ay ginabi na rin kaya di na niya naabutan. Hindi rin naman umuwi si Corine kagabi siguro ay sa bahay nila ito nanatili.

“Oh? Gising kana?” napalingon ako sa pinto ng marinig ang tinig ni Jane.

“Kaluluwa ko lang 'to wag kang magalala.” pairap kong sabi.

“Seryoso ako Jonelyn.” seryoso pa rin ang tinig nito. “Isijah?”

Tuluyan na niyang naagaw ang aking atensyon sa sinabing pangalan.

“Bakit?” hindi ako makatingin sakanya. Narining ko ang mabigat nitong bunting hininga tila ayaw isatinig kung ano ang nais.

“Isijah Neil De Cruz.” seryosong buo nito sa pangalan. “Engage with Jocelyn Chelsea Bermudo." naramdaman ko ang disappointment sa boses nito.

“Spill it Jane.” iritado kong ani.

“Minsan ka nalang umuwi ng matino dito may kasama ka pang lalake. Minsan ka nalang mag dala ng lalake rito. May sabit pa?”

“Hindi ko alam ang sinasabi mo Jane.” ani ko at kinuha na sa gilid ang tuwalya. Handa na para maligo at gumayak para pumasok.

“Oh come on Jonelyn. Kilala kita, sa ating apat ikaw ang pinakakilala ko. Tayo ang unang naging magkasundo maliban kay Nicho na noo'y kasamahan ko na. ”

“Kung kilala moko alam mong di ako ganun. Sumasabit sa taong may kakapit na.”

“Alam naman natin ang noon Jonelyn. Alam nating parehas kayo ng unang pagibig ng ate mo.” she smiled bitterly. “I saw you fall in that trap.”  makikita ang sakit sakanyang mata.

Alam ko, hindi para sakanya ang sakit na yun. Kundi para saakin. Sa lahat kasi ng naging kaibigan kong talaga si Jane ang nakakakilala saakin higit sa inaakla ko. Kasi siya ang nakakaintindi saakin ng malalim. Bakit? Lunaki siya ng walang magulang sa tabi, kasi ang nagiging magulang sa ilang mga kapatid nito. Alam niya ang pagrerebekde ko. Alam niya kung ano ang sakit ko. Hindi lamang ako kundi pati ng taong nakapaligid sakanya. Siya ang naging nanay namin. Kung si Rafa ang councilor siya ang nanay, at si Nicho ang referee. Taga sunod lamang kaming natitira sakanila.

Malalim na katahimikan ang namayani saaming dalawa. Nakakatawang dapat nagmamadali na akong kumilos ngayon dahil mahuhuli sa klase pero heto ako. Nanatiling nakatayo malalim ang iniisip at nakikinig sa kung anong nais sabihin ni Jane.

Hindi kailan man nangielam sa mga ‘lalake ko’ si Jane. Ni isa sa manliligaw ko dati wala siyang sinabi. Kahit na ang karamihan sakanila ay tunay ngang magdadala saakin sa kapahamakan. Si Rafa lang ang nangangahas dahil sa pinagdaan ng pamilya. Ayaw niyang magrebelde ako sa ganung paraan. Pero si Jane? Naiintindihan niya ako sa kahit anong aspeto ko.

Wrong RelievedWhere stories live. Discover now