Meet his parents.

2 0 0
                                    

The next day. Sunday is Church day!!!

Bago lumuwas si Miguel papuntang lipa ay nagkasundo kami na sisimba muna kami.

3pm

"tara na sumimba? sunduin na kita dyan." miguel chatted me.

"sige. ingat hehe" i replied.

Nung natapos na kami sumimba hinatid nako ni Miguel sa bahay then deretcho byahe na sya kssi baka gabihin pa sya pag nag stay sya.

Back to normal ulit. Messenger na naman ang tumutulay para lang magkausap kami araw araw. Since may pasok na din ako hindi na kami ganon kadalas mag usap kasi may pasok din naman sya.

Nag uusap lang kami pag recess namin or pag lunch namin tas vacant sya. Mej nag adjust din kami sa oras ng isa't isa. Di na kami pwedeng magpuyat kasi may pasok na. Which is naiintindihan naman ni Miguel.

May mga adjustment man ay wala namang nagbago. Ganon pa din. Patagal ng patagal unti unti akong nahuhulog. But pabebe muna kasi takot akong sumugal sa taong galing sa long term relationship.

*Our convo.*

Miguel: gusto ko na mag friday. miss na agad kita.

: palagi naman tayo magkausap miss mo nako agad hahahahahaha

Miguel: eh hindi naman tayo magkasama :((

: hayaan mo, mabilis naman ang araw. bukas bukas friday na din.

Imagine, friday, saturday at sunday kami magkasama ay talagang miss na miss agad ako. Araw araw naman kami magkachat, araw araw din naman magka video call. Kakaiba na yung tama ni Miguel sakin eh. Parang ginauma kahit hindi. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Pero ganon din naman yung nararamdaman ko. Hindi ko lang sinasabi and pinapahalata. Ayaw kong ipakita na nahuhulog na din ako. Pero habang tumatagal unti unti akong nagtitiwala sa kanya.

Fast forward to Friday!

*Our convo*

Miguel: pauwi na kami, kasabay po ako ni daddy.

: sige po. ingat kayo ng dad mo.

Kakaiba yung excitement pag pauwi na sya. Parang di ako lagi mapakali. Like, para akong natatae, naiihi, nasusuka, naliliyo at pinagpapawisan. Tapos inuupdate nyako kung saang part na sila. Lalong nakakakaba na nakakaexcite pag malapit na sila.

Miguel: sariaya na po kami.

: sige. chat ka nalang pag nakauwi na kayo.

Hindi ko pa alam kung pupunta si Miguel dito sa bahay kaya tinuloy ko lang ang pag gagawa ng mga school works. 1st week palang ng klase tinambakan na agad kami ng gawain. Syempre dahil graduating nako kailangan na magsipag.

7:30pm*

Convo with Miguel.

Miguel: bahay na kami. kakatapos ko lang din po kumain.

: mabuti naman kung ganon hihi

Miguel: ano na ginagawa mo?

: paalis ako, mag papaprint ng mga school works na ginawa ko.

Miguel: gabi na, dito ka nalang kaya mag print sa bahay?

: isang kanto lang naman ang layo nung computer shop, wag na kakahiya

Miguel: dito ka nalang mag print, nagsabi nako kay mommy. gabi na madaming lalake sa conputer shop.

Bigla akong nanigas sa pagkakaupo ko. Hindi ko alam kung tatanggi ba ako or what. Kasi nakapag sabi na sya sa Mom nya.

: nakakahiya, pero sige. wala na naman akong magagawa nakapagsabi kana.

Miguel: sige intayin kita dito sa labas.

Dalawang kanto lang layo ng bahay namin sa bahay nina Miguel. Okay din pala talaga pag magkapitbahay lang. Laging to the rescue. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Bago ako umalis nag bihis muna ako ng maayos ayos. Pero syempre pambahay pa din yung suot ko. Habang naglalakad ako nanginginig buong katawan ko habang paulit ulit kong sinasabing

"Goodevening po tito, tita."
"Ay hello po goodevening"
"Goodevening po. Bless po"

Arghhhh papano ba. Yung kaba parang pag tinawag sa recitation tapos dika prepared. Lol.

Pagkalikong pagkaliko ko sa kanto kita ko na agad si Miguel nag aabang sa labas ng bahay nila.

"Tara dito. Pasok ka." Ika ni Miguel

"Luh. Mamaya na nahihiya ako." Sagot ko naman.

"Mommy oh ayaw pumasok." Pang asar na sabi ni Miguel.

"Lumabas mommy ni Miguel."

"Pasok ka. Wag ka ng mahiya." Ika ng Mommy ni Miguel.

"Good evening po tita. Bless po." Pagbati ko naman.

"Daddy oh. Si eloisa. Taga dyan lang sa kabilang kanto." Ika ng Mommy ni Miguel sa Daddy nya.

"Goodevening po. Bless po." Pagbati ko sa Daddy nya.

Sa mga oras na to gusto ko nalang magpakain sa lupa. Like, Papano ako nakilala nung Mom nya eh first time ko lang dito. Dami kong tanong sa isip ko. Kinikilig ako habang nahihiya.

"Nakakahiya sobra." Sabi ko kay Miguel.

"Hindi yan. Okay lang yan. Nagsabi naman ako eh." Sagot ni Miguel.

"Kahit na. Nanginginig yung kamay ko oh." Sabi ko naman.

"Wala yan. Aakyat na din yan. Inintay ka lang dumating." Sagot naman ni Miguel.

Nag print nako ng mga dapat kong i-print para di nako gabihin. Nakakahiya naman sa parents ni Miguel kung gagabihin ako dito.

Hindi ko alam kung anong pagkakakilala sakin ng Mom at Dad nya kasi wala naman syang binanggit kanina. Pero dzai, kilala na agad ako diko pa napapakilala sarili ko.

Niready ko pa naman yung "Hello po. Ako po si Eloisa. Ang future daughter in law nyo." Charot. Hahahahahahahaha. Nginig na nga kanina eh.

"Sa wakas natapos din." Buntong hininga ko.

"Tara na hatid na kita." Sagot ni Miguel.

"Magsabi ka muna sa Mom at Dad mo na uuwi nako. Nakakahiya naman pag basta aalis nalang ako." Sabi ko naman.

Since nasa taas na nga Mom at Dad nya. Sya nalang yung umakyat para sabihing uuwi nako.

"Bumaba yung Mommy ni Miguel."

"Tita thank you po. Uwi na po ako." Ika ko.

"Hala sige. Ingat kayo." Sagot naman ng Mommy ni Miguel.

Grabe yung kaba na may kasamang kilig. Sobrang bait ng Parents nya. Wala naman akong masabi don. Nagsimula na kaming maglakad ni Miguel papunta sa bahay.

"Nanginginig pa din ako hanggang ngayon." Ika ko habang nagkakapit sa dibdib ko.

"Okay lang yan. Oh diba kilala kana nila." Sagot naman ni Miguel.

"Sira ka talaga. Sige na. Umuwi kana. Thank you ha." Sabi ko naman.

"Sige. Chat nalang kita." Sagot ni Miguel.

"Okay. Ingat ka." Sabi ko naman.

Napapatulala nalang ako. Totoo ba to? Kilala nako ng parents nya. Dati crush lang. Napunta sa courting stage. Tapos ngayon meet the parents na. Sobrang biglaan. Like, hindi ko inaasahan na sa ganong way pako makikilala ng parents nya.

Feeling ko tuloy siguradong sigurado na si Miguel sakin. Ewan ko pero ganon yung preference ko. Pag napakilala nako sa parents mas nagiging sigurado ako sa tao.

Ayaw ko ng mag isip ng kung ano ano. Basta masaya ako sa mga nangyari ngayong gabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SUMMER CRUSHWhere stories live. Discover now