Crush

19 3 0
                                    

Eloisa Louise Evangelista
(Author)

Madami sa inyo ang umaasa na sana crush din sila ng crush nila. Hindi lang kayo, ako din syempre.

Naniniwala ba kayo na ang Love ay mararamdaman mo sa unexpected na tao?

Para sa mga nawawalan ng pag asa sa mga crush nila. Basahin nyo to! Sana maging inspiration sa inyo ang kwento ko ng love story ko.

Tama kayo ng pagkabasa guys, Love story ko ito. Kaya lahat ng masasaksihan nyo ay totoo nangyari sa totoong buhay.

Let's Start!!!!

Eloisa POV

"Eloi, gumising ka jan. May naghahanap sayo may pepermahan ka daw." ika ni Mama.

"Ano ba yan ma, ang aga aga." sambit ko sa kanya.

"Importante daw. Tungkol daw sa Summer Basketball League." sagot ni Mama.

Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga ko nung narinig kong tungkol sa liga yung pepermahan ko. Agad akong lumabas ako para makausap ang naghahanap sakin.

"Hello po. Ano po yon?" tanong ko sa babaeng naghahanap sakin.

"Nini, Secretary ako sa barangay. Kailangan mo daw permahan to kasi kayo daw ang magpapaliga ngayong taon." ika ng babaeng nag hahanap sakin na secretary pala ng barangay.

Binasa ko ang kasulatan at pinermahan ko agad ito.

"Salamat nini. Punta ka nalang sa brgy. sa Linggo para sa meeting ha." ika nung secretary.

"Sige po. Salamat." sagot ko sa kanya.

Sa isang linggo na pala ang liga, halos di nako nakaramdam ng antok sa sobrang saya at excitement dahil pag usapang summer league eh ganado talaga ako kasi makikita ko na naman ang summer crush ko!!!

Ako nga pala si Eloisa Louise Oblefias Evangelista. Eloi for short. 19 years old. Grade 12.

Summer Basketball League 2018 Started!!!

Ako at ang mga kasamahan ko ang namamahala sa Liga ngayong taon. Kasama ko si Lene at yung secretary ng barangay si Ma'am Joy. Si Lene ang namamahala ng timer. Si Ma'am Joy naman ang commentator. At ako naman sa scorebook.

"For our 1st game. Midget Division. Amgine vs Surveying" - Commentator

Halos mamula ako sa sobrang kilig kasi may laro ngayon yung crush ko. Jusq. Bwena mano matetense agad ako. Hindi ko pa naman masyado kabisado kung papano gawin yung pag sscore sa score book.

Dahil nga kakasimula palang ng Liga ay kailangan namin kolektahin ang mga birth certificate ng mga players. Bilang incharge sa pag checheck kung may over age sa mga player. Ako ang kumukuha ng mga birth certificate nila.

Una kong pinatawag sa commentator ang Team Amgine. Syempre yun yung Team ng crush ko. Gusto ko siya makausap kahit tungkol naman talaga sa Liga pag uusapan namin.

"Team Amgine, Lapit muna lahat dito sa management at pakidala ng mga birth certificate nyo" Commentator.

So eto na nga. Papalapit na sakin lahat ng players pati si Crush. Omg! Gusto ko nalang magpakain sa lupa kasi lahat sila sakin nakatinggin. Inabot na nila sakin ang mga birth certificate nila at isa isa ko na silang tinawag.

"Jv Alcala?" tanong ko sa mga player na nasa harapan ko.

"Ako po"

"Alex Pamaranglas" tanong ko ulit.

"Ako po"

Halos lahat natawag ko na. Pero syempre hinuli ko si Crush kasi pagkatawag ko sa mga player pwede na sila umalis. Kami nalang dalawa ang magkaharap ngayon at nanginginig nako sa kilig.

SUMMER CRUSHWhere stories live. Discover now