✧ILY,S! 1 "New Teacher"

27 2 22
                                    

CHAPTER 1

Gigine's PoV,

"HOY!"

"Ay palaka!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa panggugulat ni Meichi. "Kagulat ka naman!" Tinaliman ko siya ng tingin.

Umikot ang kaniyang mata at nilapag ang mineral water sa lamesa na nasa gilid ng infirmary's bed.

"Kanina ka pa tulala. Ang totoo, umabot na ba sa galaxy 'yang pag-iisip mo?" Pak na pak ang taas ng kilay niya habang tinatanong ako.

Napalabi ako at hindi nakasagot.

"Tsk." Meichi sneered. Umikot din ang kaniyang mata. Nagtitimpi lang akong hindi dukutin ang eyeballs niyang walang ginawa kun'di umikot ng umikot at magtaray.

"Maayos na ba ang paa mo? Malapit nang magsimula first period class natin." Masungit paring tanong ni Meichi kay Parsha na nakahiga sa infirmary's bed.

Kung hindi ko lang kaibigan ang isang ito, aakalain ko talagang napipilitan lang siyang maging concerned kay Parsha pero dahil matagal ko na siyang kilala, alam kong nag-aalala talaga siya sa natamong sprained ni Parsha.

"Okay namam 'yong paa ko, medyo masakit nga lang." Mahinhin na sambit ni Parsha, inayos niya pa ang bilugang salamin sa mata habang nakatitig sa paang na sprained.

"At mga fifteen minutes pa daw siya puwedeng umalis sa infirmary sabi ng nurse in charge." Inunahan ko nang magsalita si Meichi dahil wala naman itong ginawa kun'di magreklamo. Ultimong pagbili nga ng mineral water ay nagreklamo ito.

"Fine, I'll wait. Tsh." Singhal ni Meichi at napilitang umupo sa silyang katabi ko.

Nakasimangot itong sinisipat ang kulay at desinyo ng kuko, maya-maya ay nagpi-flip hair pa.

"H'wag ka ngang mag-inarte diyan, kasalanan mo naman ang nangyari kay Parsha." Aniko at nanlisik agad ang mata ni Meichi sa'kin.

"It isn't my fault! Wala akong kasalanan!" Defensive niyang tugon.

"Kasalanan mo kaya." Mahinang wika ni Parsha habang nakalabi.

"Hindi ko nga kasalanan!"

"Kasalanan mo." Nanlalaki ang mata kong turo kay Meichi. "Kung hindi mo pinilit pasuotin ng mataas na takong si Parsha, hindi sana siya magtatamo ng sprained!"

"I didn't force her---"

"Pinilit mo kaya ako, pinagbantaan mo pa nga akong kakalbuhin mo kilay ko kapag hindi nasunod gusto mo." Mangiyak-ngiyak na ani Parsha.

"B-but you...! Ugh!" Sinabunutan ni Meichi ang sariling buhok. "You ask me how to seduce your crush and the first thing came to my mind is you to be fierce--- ugh! Kasalanan mo! Basta 'yon na 'yon!"

"Hindi ko nga kasalanan, e! Gusto ko lang magustuhan ako ni crush! At walang kinalaman do'n ang pagsusuot ng takong!" Parang batang maiiyak na si Parsha.

"Ayaw ni Fire sa mga kinulang sa height kaya malamang, kinailangan mong magsuot ng takong para makita ka naman niya!" Sabagay, may point naman si Meichi. Wala ngang pagtingin si Fire sa mga pandak na tulad ni Parsha lalo na't basketball player ito at mahihilig sa mga sexy at matatangkad na babae.

"Kahit baliktarin mo man ang lahat, kasalanan mo parin ito! Mananagot ka!" Turo ko ulit kay Meichi.

"Wala nga akong kasalanan, okay?"

"Kasalanan mo nga!"

"Oo, kasalanan mo talaga ang nangyari sa'kin."

"Teka, teka, teka!" Pagdadabog ni Meichi at napatayo pa ito. "Bakit ako lang ang pinag-iinitan niyo? When in the first place, may kasalanan din naman si Gigine?!"

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Sep 01, 2021 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

I Love You, Sir!Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ