Kabanata 18

1.4K 40 0
                                    



Pagkauwi ko ng araw na ‘yon ay parang bumalik ako sa dating ako. Laging nakangiti at masaya lang. Hindi katulad no’ng nagdaan linggo na halos hindi na ako ngumingiti ng totoo at hindi na rin nakikipag-usap sa iba.

Ngayon, ako na ulit ‘to. Or not? May parte pa rin kasi sa ‘kin nahihirapang tanggapin lahat ng nangyayari which is hindi ako. Dati kapag may nangyari ako ang unang makakatanggap pero ngayon nahihirapan ako.

Parang ang hirap tanggapin. Nahihirapan ako nang sobra.

Katulad na lang no’ng pagtatapat ni Alec, I’m really having a hard time believing it and it's stressing me kasi dati naman wala akong trust issues.

Is it a sign na ba na kahit kailan hindi na maibabalik ang full package ng dating ako? May maibabalik man pero meron di’ng hindi? Ah! Sumasakit ang ulo kakaisip.

Umupo ako sofa, katabi ni Cola na kumakain ng chips. Katatapos lang naming kumain ng hapunan pero heto siya't kumakain na naman.

Naaalala ko tuloy ang sinabi ni Alec kanina. I look sexier daw ngayon na payat ako. Napangiti ako. Nagdududa na talaga ako sa kasarian niya.

"Someone's happ," parinig ni Cola.

Natawa ako at kumuha sa kinakain niyang chips. Sumandal ako sa sofa at bumuntong hininga.

"Cola, may tanong ako," panimula ko at kumain ng chips.

Susulitin na namin ang oras dahil hindi kami exhausted sa trabaho ngayon. Dumating kasi si Mommy sa restaurant kanina at pinapauwi ako ng maaga at baka raw ma-over fatigue na naman ako kaya maaga kaming umuwi lahat.

Napaka-caring at maaalahanin talaga nang Mommy ko. Sana katulad na lang niya ang maging asawa ko.

"What is it?"

Pinatay niya ang TV at humarap sa ‘kin. Nakasandal siya sa kabilang side ng sofa kaya gano’n din ang ginawa ko. Nagpang-abot ang mga paa namin sa gitna. Magkasingtangkad lang naman kasi kami.

"Does Alec deserve a chance?" direktang tanong ko.

"Mahal mo pa ba?" tanong din niya, hindi man lang nagulat.

"Oo naman," agad na sagot ko ng walang pag-aalinlangan. Dahil totoo naman. Mahal ko pa rin siya at hindi ko alam kailan ‘to mawawala kung mawawala pa man.

"And you answered your own question. Alam mo, insan, sa totoo lang simula pa lang ayoko na kay Alec para sa ‘yo." Bumuntong hininga siya at kumain nang chips. "He's gay and he's rude based on your stories at napatunayan ko ‘yon nang magkasama tayo sa Batanggas at lalong lumaki ang pagkadisgusto ko sa kanya nang saktan ka niya. No’ng una pinalampas ko kasi baka nga napuno na siya sa ‘yo kasi makulit ka kaya ka niya nasaktan ng pisikal pero no’ng narinig ko ang sakit sa mga sinigaw mo sa kanya sa Batanggas parang gusto ko rin siyang saktan gaya ng ginawa niya sa‘yo." Nagpahid siya ng luha na siyang ikinagulat ko.

Napaiyak din tuloy ako. Mahal na mahal talaga ako ng pinsan ko, e. Pero bakit kailangan pang umiyak, ‘yan tuloy, naiyak rin ako.

"But then again may side pa rin naman siyang gusto ko na ngayon ko lang nakita nang lumayo ka na sa kaniya. He's too persistent to get your forgiveness.  And he's being sweet and caring to you na rin and I can say it's gunuine kaya kung bibigyan mo siya ng chance okay lang sa ‘kin."

"Paano kung masaktan ako ulit?" I am really having a hard time giving him a chance. I want to but I am scared.

"Doesn't he worth trying for?" kunot noong tanong niya.

" I don't know," totoong sagit ko. "Natatakot na kasi akong masaktan ulit dahil sa kanya. Baka hindi ko na kayanin."

"Sa pag-ibig, hindi uso ang ‘I don't know’ at ‘natatakot ako’, Cilla. Kung mahal mo naman bakit ‘di mo alam kung worthy ba siyang subukan ulit? At kung mahal mo, bakit ka natatakot? Magmahal ka lang at alisin ang takot sa puso mo kasi hangga't ‘di mo ‘yan naaalis, hindi magiging successful ang relasyon niyo. So again, mahal mo ba?"

Turning Him Into A ManWhere stories live. Discover now