Chapter 16 : Favor?

95.5K 2.9K 1.1K
                                    

LEXI'S POV

Mistulang nagbalik sa dati ang lahat.

Ganun parin ang takbo ng buhay ng lahat dito sa school sa kabila ng pagpatay kay Tom at Carlo pati na din ang stampede.

Mabuti pa sila balik normal na ulit , pero heto ako takot parati.

Just the thought of dying gives me goosebumbs tapos biglang sasabihin saaking may gustong pumatay sa akin dahil napagkamalan akong kasali sa isang kulto.

saklap ng buhay ko..

gusto ko pang mabuhay eh :(

"Lexi tinatawag na kayong lahat sa soccer field "


bigla akong bumalik sa katinuan nang biglang dumaan si Arkin sa harapan ko.

nandito lang kasi ako sa bench ng locker stations. 5 pm na pero kailangan parin naming mag-stay dito sa school para practice. 

tumango naman agad ako.

sana nandito si Rain o si Jane para may ka non-stop chikahan ako. Si Rain umalis kasi bigla sa volleyball team tapos si Jane di din makapaglaro dahil buntis.

"Hoy! kakasabi ko lang na pinapatawag na tapos nakatulala ka na naman" arkin

napakamot nalang ako sa ulo ko at napangiti.

"Pasensya na po lolo arkin , hehehe " ako

tumayo nalang ako , sasabay nalang ako dito kay lolo arkin sa paglalakad tutal malapit lang ang archery field sa soccer field.

"Ano ba kasi ang iniisip mo?" arkin

umiling lang ako


"Ano...yung game lang...ikaw ark musta ang archery team matapos yung stampede"ako

Si Arkin ang president at team captain ng archery department kayat nasa kanya nakapatong ang lahat ng responsibilidad. Ang galing din naman niya kasi daig pa si Hawkeye.

napangiti lang si Arkin.

"Nakabangon na. ako pa! " Arkin

"Lakas hangin mo dre , oy paano na yan bumalik na si Theo sa archery? may rival ka na naman? hahaha " ako

"Pshh...they dont call me sniper for nothing " Arkin

Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon