Epilogue

91.3K 3.1K 963
  • Dedicated kay All readers of OSP
                                    


Napangiti si King habang pinagmamasdan ang malaking mansyong nagsilbing retreat house sa loob ng napakaraming panahon. Bigla siyang napailing-iling nang tila ba may sumaging kakatwang alaaala sa isipan niya.


"Nandito na ba ang lahat?" Tanong na lamang niya at tiningnan ang mga kasamahan mula sa rearview mirror. Walang sumasagot sa kanya, tahimik lamang ang lahat na nakaupo sa kani-kanilang puwesto at alam niya ang dahilan nito.


Dumako ang paningin niya kay Kessler na nakaupo sa pinakalikurang bahagi ng van. Lumuluha ito habang pinagmamasdan ang mga asong duguan at wala ng buhay na nagkalat sa buong lugar.


"Kessler, how are we doing there buddy?" Tanong niya dito.


"Paxton, patay na ang mga asong inalagaan ko ng ilang taon dahil dinamay sila ng hudas na si Arkin sa pakulo nila! Sa tingin mo anong nararamdaman ko ngayon?!" Sarcastic na sambit ni Kessler na hindi iniaalis ang tingin sa mga aso.


"Kessler pwede bang respetuhin mo naman si King?! Sumusobra ka na!" Sita ng galit na si Shadow sa kanya.


"Chill Shadow, Im still Paxton." Giit ng kalmado lamang na si King habang nakangiti.


Napabuntong-hininga si Paxton at sinimulan ng paandarin ang kotse. Malayo-layo na sila mula retreat house pero tahimik parin ang lahat. Napatingin siya kay Spike na nakaupo lamang sa tabi niya, nakaramdam siya ng awa nang makitang umiiyak ang kaibigan.


"King hindi kaya buhay pa sila? Baka naman—" Umiiyak na sambit ni Spike na hindi halos matapos ang kanyang sasabihin.


"They failed—they all failed. Kung babalik pa tayo doon baka maabutan tayo ng mga pulis na tinawagan ko." Nanlulumong sambit ni King.


"Tinawagan mo ang pulis?!" Gulat na sambit ni Light na siyang bago lamang sa grupo.


Gaya ng mga kasamahan ay tahimik rin ang daang tinatahak ng kanilang sasakyan. Nag-aagawan na ang liwanag at kadiliman. Dumako ang paningin ni King sa mga halaman sa gilid ng kalsadang unti-unti ng nasisikatan ng araw. Muli siyang napabuntong-hininga at ngumiti.


"Yup. They played fairly so they deserve a fair end game." Paliwanag niya.


"Pagbabayarin ko si Red. Humanda siya sa'kin sa ginawa niya kay Keith." Umiiyak na sambit ni Lucifer habang pinupunasan ang luha niya.


"Lucifer you know the rules. Once they survive we can no longer harm them." Paalala niyang muli. "Not if they intervene—" dagdag pa nito.


"King, ngayong wala na si Bishop sino na po yung magiging bago nating bishop?" Nauutal na sambit ni Kessler. Napansin ni King na mas lalong nag-iyakan at nanlumo ang lahat kaya agad na niyang inihinto ang sasakyan. Lumingon siya sa kanilang lahat at bumuntong hininga.


"In this game we lost our friends—our family. We are all in deep pain, I know because I am too, but we all have encountered this kind of pain already. We can't let this beat us. In every game, there will be those who will lose and those who will win and then there are those people who are strong to handle the cruel reality." Isa-isang pinagmasdan ni King ang malulungkot na mukha ng mga kasama, "We the strong ones. Fate has already tested us a hundred of times. Nothing can break us because we are already broken."


Nagkatinginan silang lahat, muling nagbalik sa isipan nila ang pangako sa isa't-isa dahil sa sinabi ni King.


"To Arkin, Keith, Drake, Doc Joey at sa mga aso ko." Biglang anunsyo ni Kessler at itinaas ang hawak na softdrink.


"Leche kailangan ba talagang English?" Biro pa ni Lucifer kaya naman nagtawanan ang lahat. Ang kaninang lungkot sa kanilang mukha ay napalitan ng saya. Dahil sa mga salitang binitawan ng pinuno ay kahit papaano'y gumaan ang mga pakiramdam nila.


"Their group failed miserably. Lucifer, its your team's turn now. Make me proud." Anunsyo ni King.


"King naman, newbie lang sina Sniper este Arkin. Wala silang binatbat sa'min. We are born to do this." Buong pagmamalaking sambit ni Lucifer.


"Jacob, Hunter, Arkin and Keith's team failed. Pero kami, hindi kami mabibigo." Paninigurado ni Shadow at agad nakipag-high five kay Lucifer.


"Impress me." Biro pa ni King.


"Of course king! You can count on us. Shit excited na ako! Dadanak na naman ang dugo! Matagal ko ng hindi nagagamit si Lucy ko. Namimiss ko nang marinig yung pagmamakaawa sa akin ng mga pawn na buhayin ko sila." Sabi ni Lucifer habang hinihimas ang magkabilang palad at abot tenga naman ang ngiti.


"Hindi ba kayo nagsasawang pumatay?" Mahinang sambit ni Kessler at muling dumungaw sa bintana.


Biglang inakbayan ng kanina pang tahimik na si Black si Kessler."Walang basagan ng trip." Bulong nito at kaagad na tinapik ang likuran ng kaibigan. Walang magawa si Kessler kundi mapabuntong hininga na lamang. Kahit na anong sabihin niya, alam niyang kailanma'y hindi nito mababago ang takbo ng isipan nila.


"Okay so everything's settled then..." Huminga ng malalim si Spike at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi gamit ang palad. Kahit mahirap ay pinilit niyang ngumiti at tumango.


Muling pinaandar ni King ang makina ng sasakyan ngunit bago pa man niya ito tuluyang paandarin ay pinagmasdan muna niya ang mga kasamahan mula sa rearview mirror.


"Remember the goal: Commit the perfect murder, win the 30 million."



THE END

THANK YOU SO MUCH FOR READING

TO GOD BE THE GLORY!


If u want to continue reading the pact series, read DYING TO LIVE AGAIN (Formerly called 'After the storm) 

"Dying to live again" is a short love story about our crazy posporo. After that, you could also read "Fear Thy Pact" to know more about king and the others. Again, Thank you so much u guys <333


Our Deadly PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon