CHAPTER 27: ASSURANCE

8 3 0
                                    

Vince's POV
After a week ng puro quiz ay thesis naman ang haharapin namin ngayon. Buti na lang magkagroup kami ni Emily.  Sabay naming magagawa yung mga parts namin. Nandito kami ngayon sa garden ng school at nag-o-outline ng update namin. Kahit hiatus siya ay nagpapatuloy pa din siya sa pag-outline para pag bumalik siya ay tuloy-tuloy ang update unlike me na walang time management at palaging tinatamad. "Hoy Vince! Wag mo nga ko titigan! Magsulat ka diyan ng outline mo." Saad niya. "Ay nakatitig ba ko?" Sagot ko. ."Oo. Kulang na lang tumulo laway mo sa sobrang pagtitig." Sagot niya. "Then stop being attractive while writing. Nahihirapan ako umiwas." Sagot ko. Napaiwas naman siya ng tingin at hinampas ako. "Ang dami mong alam! Mas madami pa yung banat mo kesa sa update mo!" Sagot niya. "Oo na, oo na." Sagot ko. Bumaling na ako sa notebook na sinusulatan ko ng outline ng biglang may tumawag sa cellphone ko. Si Liza ang tumatawag. Ano naman kaya kailangan ng babaita na 'to? "Ems, sagutin ko lang 'to ah." Paalam ko. "Sige lang. Dito lang ako." Sagot niya. Tumayo na ako at lumayo ng konti sa kanya bago sagutin ang tawag. "What?" Sagot ko sa tawag. "I'm here at Singapore Changi Airport. Can you pick me up?" Sagot niya. "No. I have classes." Sagot ko. "Ditch your classes na lang." Sagot niya. "No. I need to attend my class because no attendance no grade." Sagot ko. "Susunduin lang naman eh! Pagbigyan mo na ko. Ngayon lang tayo magkikita ulit." Sagot niya. "Wag mo kong artehan, Liza. I'm a very busy person." Sagot ko. "Susumbong talaga kita sa daddy mo." Sagot niya. "Di mo ko matatakot sa ganyan. Sige na. Magsusulat pa ko." Sagot ko at binaba ang tawag. Mabuti pang mag-outline ako kesa kausapin yun. Dati naman friends kami pero simula nung nagustuhan niya ako ayoko na sa kanya. She's also a bully nung highschool kami at nung nalaman ko na may arranged marriage kami. Nagbago siya simula nung inamin niya sa akin na may feelings siya sa akin. Yun din ang dahilan kung bakit ako bumalik ng Pilipinas. Bumalik na ako sa pwesto namin ni Emily. "Oh bakit nakabusangot ka?" Sagot niya. "Wala. Hindi ko lang gusto yung sinabi nung kausap ko." Sagot niya. "Hayaan mo na yun. Magfocus ka na lang sa outline mo. Wag mo na pinag-iisip yun." Sagot niya. "Bumalik na yung reminder ko na mag-update! Sisipagin ako nito mag-update kahit may thesis." Sagot ko. Mabuti nga't bumalik na yung sigla niya sa pagsusulat. Talagang nung nakaraang linggo wala siyang ginawa kundi mag-aral ng mag-aral. Hindi niya ginalaw yung mga notebooks niya na may kinalaman sa writing. "Ang sabihin mo Vince tamad ka kaya hindi ka makapag update." Sagot niya. "Eh may writer's block kasi ko." Sagot ko. "Dinahilan ko na yan noon. Kaya sanay na ako sa palusot na yan." Sagot niya. "Sobrang nakakapagod kasi yung nursing school. Ayoko na maging nurse. Napapabayaan ko na yung passion ko." Sagot ko. "Pang sampung beses ko na ata yang narinig sayo pero bakit nag-aaral ka pa din?" Sagot niya. "Eh wala. Tuwing sinasabi ko yun in the end matatagpuan ko rin yung sarili ko na nag-aaral para sa quizes." Sagot ko. "That means gusto mo 'to at gusto mo talaga maging nurse." Sagot niya. "Hindi naman ito yung pangarap ko eh." Sagot ko. "Alam ko. Lahat ng bagay may rason kaya nangyayari. Malay mo kaya ka naging nurse kasi sa hospital mo makikita yung tamang tao para sayo." Sagot niya. "Hindi. Hindi ko sa hospital nakita yung taong para sa akin. Kasi nasa harap ko siya." Sagot ko. "Vince naman eh! Seryosong usapan gumaganyan ka!" Sagot niya. "Masyado na kasing seryoso yung pinag-uusapan natin." Sagot ko. "Tara na nga. Baka nandiyan na si Prof." Sagot niya. Niligpit na namin ang mga gamit namin at pumunta na sa klase namin. Sakto lang ang dating namin dahil kasunod na namin ang professor. As expected another research nanaman pero buti na lang next week ipapasa dahil alam niyang may thesis kami.  Terror pa naman yung teacher na yun. Buti nga kapag on the spot tinatawag si Emily ng teacher na yun nakakasagot siya. Last subject na namin ito kaya uwian na. "Buti na lang hindi ako tinawag nung bwisit na professor na yun. Kung ano-ano pinagtatanong daig pa doctor." Saad ni Emily ng makalabas kami ng campus. "Para hindi ka na daw mabigla kapag nasa hospital na." Sagot ko. "Eh out of this world na yung mga tanong eh! May doctor din bang magtatanong sayo ng how many patients are going to the hospital everyday? What it the common cause why people is going to a hospital? Are you really sure about your dream? Tatanungin din ba ko ng ganon ng doctor?" Sagot niya. "Ayaw mo yun? Dagdag grades din yun kahit out of this world yung tanong." Sagot ko. "Ano gusto niya bilangin ko bawat pasyenteng pupunta sa bawat hospital sa mundo?" Sagot niya. "Hindi. Challenge niya lang yun sayo. Tinitingnan niya kung gaano ka kabilis sumagot. Kita mo sa kakadada niya dun nakabisado ko na istilo niya. Hindi kasi pwede sa nurse na tulala at mabagal sumagot." Sagot ko. "Anyway. Saan pala tayo gagawa ng thesis?" Sagot niya. "Sa condo ko na lang. Para maiba naman." Sagot ko. Siguro naman di pupunta dun si Liza. Hindi ko naman sinabi sa kanya yung address ko pero kung alam man niya siguro ay bukas pa niya ako pupuntahan. Pagdating namin sa condo ay nagpaalam muna si Emily na pupunta sa unit nila para magbihis. Mabilis lang din siyang nakabalik. Binuksan ko na ang tv ko at pinatugtog yung gusto niya. Freedom by iKON. "Palitan mo. Orange by Treasure." Saad niya. Agad ko namang nilagay yung sinabi niyang kanta. Binuksan ko na ang laptop ko. Ng mapatingin ako sa tv ay magkakatabi na yung kumakanta at halos magkakamukha. "Ems, bakit magkakamukha sila?" Tanong ko kay Emily na abala sa pagtatype. "Ganyan talaga yung video na yan. Nung una ko din yang napanuod akala ko magkakamukha sila pero nung nagsimula ako manuod ng mga videos nila nakita ko na yung pagkakaiba-iba ng mukha nila." Sagot niya. "Sino leader ng group na yan?" Sagot ko. "Si Park Jihoon tapos si Choi Hyunsuk." Sagot niya. "Kabisado mo na talaga. Galing mo talaga. Kamusta naman kaya yung human anatomy." Sagot ko. "Inaaral ko na. Wag ka mag-alala." Sagot niya. "Mabuti." Sagot ko. Pagkatapos namin mag-usap ay nagsimula na kami sa kanya-kanya naming gawain.

Still Into You (COMPLETED) Where stories live. Discover now