CHAPTER 9: BROKE UP

14 5 3
                                    

Ken's POV
Kahapon dumating si Ate Kass galing Pilipinas dala ang mga gamit niya sa hospital. Namamaga pa ang mga mata at mukhang walang tulog. "Ate, ano nangyari sayo?" Tanong ni Kyle dahil namataan niya si Ate na papasok sa kwarto. "I'm just tir Kyle. Don't ask too much." Sagot niya. "Oo nga, Kyle. Baka pagod lang si Ate." Sang-ayon ni Kuya Kenneth. Hindi na ako nangusisa dahil kararating lang ni Ate. Si Kuya Kenneth at Kyle lang naman ang chismoso sa aming magkakapatid. Pero napasin ko na hindi masyadong mausisa si Kuya Kenneth ngayon. Mukhang may alam na siya pero hindi lang sinasabi. "Kuya Kenneth may alam ka 'no?" Ani ko ng makalapit sa kanya. "Naghiwalay na ata sila nung sinabihan niya ng 'Sarangahae' sa call." Sagot niya. "Eh diba friends lang sila nun?" Sagot ko. Alam ko wala namang nashare sa amin si Ate Kass na may boyfriend na siya. "Alam mo Ken minsan lumabas-labas ka ng kwarto para alam mo yung nangyayari. Masyado ka nang late sa balita." Sagot niya. "Kuya, yung oras na itsitsismis ko sa love story ni Ate sana itinulog ko na lang." Sagot ko. Wala na nga akong time matulog makikipagchismis pa kaya sa private life ng Ate ko. "Eto na nga kasi yung kwento para naman updated ka." Sagot niya. "Magkwe-kwento din pala kailagan pang kinukonsensya." Sagot ko. "Eto na nga kasi. One time nakita ko na parang problemado si Ate then tinanong ko kung bakit. Sabi niya nakikipaglaban daw siya sa puso at utak niya. Kung magpapatuloy daw siya sa relasyon niya kay Dr. Marquez or makikipaghiwalay siya dahil bihira na lang siya makakauwi sa Pilipinas. Sabi ko eh kung makikipaghiwalay ka para samin wag na lang. Pagpatuloy mo na lang yan pero kung ano gusto mo yun ang sundin mo." Sagot niya. "Well it looks like she choosed the hard part. Eh teka... bakit kailangan niyang tapusin kung pareho naman na nating tinanggap na hindi tayo makakahanap ng mga taong mamahalin?" Sagot ko. "Ewan ko. Baka inisip niya rin yung kinabibilangang profession nung lalaki. Diba nga doctor sila?Hindi rin mahahandle ni Ate ang LDR dahil business woman na siya." Sagot niya.  "Still. Kung mahal mo lahat gagawin mo para sa kanya." Sagot ko. Totoo naman na kapag mahal mo hindi mo dapat sukuan tsaka mukha namang matino si Dr. Marquez. "Ken, hindi lahat ganyan ang mindset. Tsaka malay mo toxic na yung relationship nila or may iba na. Hindi sapat na mahal niyo ang isa't isa para manatili sa isa't isa." Sagot niya. "May hugot ka din Kuya? Alam ko na kung kanino nagmana si Kyle. Anak ng.. Puro hugot ehhhh!" Sagot ko at tumayo na para pumasok sa kwarto. May isang class pa akong aatendan at may kailangan akong tapusin na digital plate para maipasa sa prof ko. Wala na akong time para gumawa pa ng plate dahil gumagawa din ako ng plates ng kompanya. Habang hindi pa oras ng klase ko ay gumawa muna ako ng report para sa kompanya. Sinet up ko na sa stand ko ang ipad ko dahil dun ako magklaklase dahil sa laptop ako gumagawa ng report. Hindi lang naman ako ang nakaonline class dahil may iba pang estudyante na kumuha din nito dahil sinasabay sa kanya-kanyang training sa sarili rin nilang kompanya. Ng makatanggap ng link ay agad na akong sumali. Nakikinig lang ako sa sinasabi ng professor at nagsusulat sa notebook ko. Ng matapos ang klase ay saglit akong bumaba para kumain ng tanghalian. Nakasanayan ko nang hapon kumain dahil sa dami ng ginagawa at halos araw-araw ay tatlo hanggang apat na oras lang ang tulog dahil kailangan kong gumawa ng ilang projects ng kompanya. Inabutan ko si Ate na malatang kumakain ng pasta at abala sa cellphone niya. Dumaan ako sa likod niya para makita kung ano ang tinitingnan niya. Nakita ko ang isang larawan ng lalaki at babae na hindi si Ate. Siguro yung lalaki si Dr. Marquez. "Stay strong sa inyo." Bulong niya. Kumuha muna ako ng pagkain ko at tumabi sa kanya. "Ano nangyari, Ate?" Tanong ko. "Wala. Sawi nanaman HAHAHAHA. Nainlove kasi ko sa bestfriend ko eh." Sagot niya. "Official ba kayo ng bestfriend mo?" Sagot ko. "Oo." Sagot niya. "Eh bakit kayo naghiwalay?" Sagot ko. "Nakahanap na siya ng bago habang nandito ako. Hindi ko naman inaasahan na makakahanap siya ng bago habang nandito ako eh. Ano bang kulang sa akin? Palagi ko naman siyang tinatawagan at walang araw na hindi ako nagtext sa kanya kahit nandito ako. Kahit nga nasa meeting ako kasama ang mga investors kapag tumawag siya sinasagot ko agad. Sinasakripisyo ko yung mga oras na dapat nagpapahinga ako para makausap siya." Sagot niya. "Pero iniwan pa rin ako." Dagdag niya pa. Lumapit ako sa kanya at yinakap siya. "Hayaan mo na Ate. Baka hindi kayo ang para sa isa't isa. Someone's better than him. Wag mo siya iyakan kasi hindi siya kaiyak-iyak. Kung iiyak ka ng dahil sa lalaki na yan hindi ako magdadalawang isip magpabook ng ticket pauwi sa Pilipinas para lang sapakin yan." Sagot ko. "Alam mo kung gaano kabusy dito tapos lilipad ka pa pauwi sa Pilipinas?" Sagot niya. "Eh ayoko ng umiiyak Ate ko ng dahil lang sa lalaki. Ano? Gusto mo ba?" Sagot ko. Nakatikim naman ako ng hampas sa likod bago siya kumalas sa yakap. "Sira ka talag Ken." Sagot niya. "Kumain na lang tayo para hindi mo na iniisip yan. Tsaka baka marami ka pang meetings na kailangan attendan. Gusto mo ba makita ka nilang ganyan?" Sagot ko. Tumawa lang siya at kumain na. Kumain na rin ako dahil kailangan kong maipasa yung report before 6pm. "Stay strong Ate." Saad ko bago umalis sa kusina at umakyat sa kwarto. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay narinig ko agad ang pagring ng cellphone ko. Nakabluetooth kasi ito sa speaker ko dahil nagpapatugtog ako. Nakita kong si Bunso ang tumatawag. Bakit kaya? May hindi pa ba siya natatapos na school works? Agad ko na lang itong sinagot para malaman kung bakit siya tumawag. Agad dumagundong ng malakas ang puso ko dahil naririnig ko ang kanyang mga pag-iyak. "K-kuya..." Aniya. "Bakit Sandra? Ano nangyari?" Sagot ko. "K-kuya, h-hiwalay n-na k-kami n-ni I-iv-van." Sagot niya. "Ano?! Bakit?!" Sagot ko. "N-nalilito n-na k-kasi a-ako s-sa n-nar-ra-ramdaan k-ko." Sagot niya. "Bakit ka naman malilito? Diba halos 5 years na kayo?" Sagot ko. "M-mer-ron kasi kong lalaking matagal nang gusto at nakita ko kay Ivan yung lalaki na yun. Pero sa tuwing nakakausap ko yung lalaki at mas lalo ko siyang nakikita tuluyan na akong nahulog sa kanya." Sagot niya. "Ay nako Sandra. Bakit? Hindi mo ba naisip yung reaksyon niya sa ganyan mo?" Sagot ko. "Kuya ayoko na lokohin ang sarili ko na mahal ko siya." Sagot niya. "Magpahinga ka muna tsaka tayo mag-usap kapag ok ka na." Sagot ko. "Sige." Sagot niya at ibinaba ang tawag. Matapos namin mag-usap ay agad na nakatawag ng pansin ang message request sa messenger ko.

Still Into You (COMPLETED) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant