Ika-apat na Yugto

5 0 0
                                    

Arielle

"Good morning world! Good morning Philippines! Good morning everyone!" sigaw ko sa loob ng bahay. Alas-onse na ng umaga, actually kanina pa ako gising. Nag-research na rin ako ng mga company na pwede kong pag-applyan. Sobrang excited ako ngayon dahil finally! Finally, Ariel happen to me! Este, finally magiging office staff na ako. Yahooo!

"Aba! Aba! Maganda ang gising ng alaga ko ah!" sabi ni Nay Mildred. Paano ba naman hindi gaganda ang umaga ko. Hindi ko ma-imagine na nangyayari sa akin lahat 'to. After all the struggles, pain, tears and being in the hospital for a long time. Who knows that this time will come for me. Yung halos nauubusan ka na ng pag-asa pero heto at binigyan pa rin akong tsansa.

"Nay, masaya lang po ako. Nagpasa na kasi ako sa mga company ng resume ko. Hopefully, meron tumawag sa akin for interview. Grabe! Feeling ko panaginip lang lahat ito! Kyaaah!" Tili ko. Alam niyo yun! Sobrang excited ako na ewan na kinakabahan na parang matatae. Ganern.

"Ikaw pa ba? Syempre meron at meron tatawag. Ang ganda ganda kaya ng alaga ko. For sure, proud na proud si Mielle sa'yo," sabi ni Nay Mildred. Ngumiti ako at tiningnan ang family portrait namin sa sala. Pinaghalong Arturo at Mielle ang itsura ko, pero ang kulay, ilong at labi ay kay Mommy ko namana.

"Hala! Kumain ka na at anong oras na. Inabutan ka na ng tanghalian," nagtungo na si Nay Mildred sa kusina upang kumuha ng pagkain. Wala pa man yung pagkain eh natatakam na ako. Amoy na amoy kasi na sinigang ang ulam namin.

After kong kumain ng tanghalian ay agad na akong bumalik ng kwarto ko. Nag-search ako ng iba pang company na pwede kong applyan. Sa totoo lang sa sobrang excitement ko halos iba't ibang line of businesses ang sinendan ko. Kahit pa nga ata di related sa akin yung company pinasahan ko na rin eh. Ganito pala yung feeling na makakalabas ka na talaga ng bahay araw-araw. Hindi yung sa bahay lang ako at palaging minomonitor.

Napukaw ang atensyon ko ng isang website about food, bakeshop, restaurant and different desserts. Yung katatapos ko lang kumain pero nung makita ko yung website parang ginutom ako ulit. Nakakatakam mga besh.

Scroll lang ako ng scroll hanggang sa mapadpad ako sa isang ads ng isang restaurant. Nang dahil nga natakam ako sa pagkain, chineck ko reviews nito at sakto na hiring din pala sila. Syempre nagsend rin ako sakanila, wala ata akong palalampasin na hiring. Hehe

After kong mag-send sa iba't ibang company. Nagdecide ako na tatambay na lang sa music room. Pampalipas oras rin dahil nga nakasanayan ko na nasa bahay lang. Naglalakad na ako papuntang music room na parang theater room na rin nung mapansin ko na naman ang family picture namin. Napangiti akong muli, ang saya kasi ni Mommy sa litrato namin na 'yon.

Noong nabubuhay pa si Mommy ay dito kami madalas, lalo pa at mahilig siya sa movies. Naaalala ko pa nun na kapag na-oospital ako ay kinukwentuhan niya ako sa movie na napanood niya. Almost 8 years na rin ang nakalipas and 8 years ago rin nung huli akong ma-ospital. Ilang araw after ng operasyon ko nung mawala siya.

I was 15 that time. Kaya sobrang hirap sa akin nung mga nangyari. I am now 23, feeling ko noon kinailangan kunin ni Lord si Mommy para lang mabuhay ako. I was sick and weak during my childhood. Kaya halos wala akong memories sa labas ng bahay. Pabalik-balik din kasi kami sa hospital. Then one day, sudden car accident was happened. Both my driver and I was in a critical condition. I was on the waiting list for kidney transplant and God provided and gave me a new kidney to receive. So, here I am still alive and kicking. Hehe

I am very thankful for my kidney donor. To be honest, no words can explain how grateful I am for giving me a second chance to be in this world. Sabi ko nga halos mawalan na ako ng pag-asa noon eh.

Sabi ni Daddy, anonymous daw 'yong kidney donor ko. Ayaw magpakilala nung mga kamag-anak dahil na rin sa iyon ang hiling mismo ng donor.

Bilang pasasalamat ay nag-abot pa rin si Daddy sa pamilya nung donor ko through my doctor at that time. I hope sooner or later ay makilala ko ang pamilya ng donor ko para personal akong makapagpasalamat sakanila.

Hanggang sa HuliWhere stories live. Discover now