Ikalawang Yugto

11 1 0
                                    

Arielle POV

"Iha, kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Nanay. Siya na ang tumayong pangalawang ina ko dahil mas madalas pang wala ang mga magulang ko dahil bukod sa negosyo ay isang mayor sa lungsod namin ang daddy ko. Ngunit ngayon ay siya na ang tumatayong Nanay ko dahil wala na si Mommy dahil nagkasakit rin siya katulad ko, pero ganun pa man, nananatili pa ring buhay sa puso namin si Mommy. Lalo na kay Yaya, dahil palagi nitong sinasabi na magagalit si Mommy pag matigas ang ulo ko.

"Okay naman nay, galos lang po iyon. Hindi na po kayo dapat mag-alala pa," ngumiti ako para maibsan ang pag-aalala niya. Sa totoo lang, mangiwi-ngiwi ako sa pagkirot ng sugat ko habang nililinisan ito kanina ni Nay Mildred, hindi lingid sa kaalaman ko na bawal akong magkasakit dahil mabilis bumaba ang immune system ng katawan ko at kadalasan ay di maiwasan na isugod ako sa hospital.

Minsan lang din talaga ay nagiging OA sila sa tuwing magkakasakit ako. Di ko rin sila masisisi dahil sila ang nabubulyawan sa tuwing naoospital ako. Kesho di daw ako inaalagaan ng mga kasama ko sa bahay na kung tutuusin na dapat ay magulang ko naman talaga ang nag-aalaga.

"Alam mo naman na hindi ka pwedeng magkasakit diba? Baka lagnatin ka dahil sa sugat at sa mga pasa mo. Tiyak magagalit na naman si Sir Arthur at magagalit din Si Mam Mielle. Baka multuhin ako." Napaismid ako, hindi na ako bata para bantayan pa nila dahil kaya ko naman ang sarili ko at hindi naman din ako nagpapabaya eh.

"Hindi po yun magagalit kung wala pong magsusumbong. Atin-atin lang ito Nay, huwag na po kayong mag-alala at baka tumaas pa ang inyong BP," bilin ko sakanya, meron na kasi itong highblood at ayaw ko naman na mastress pa siya dahil lang sa nagkasugat ako.

Haaay. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Ang cute-cute kasi nung babaeng nabunggo ko.

Sa totoo lang, hindi ito ang unang beses na nakita ko siya, sa tuwing maglilibot ako sa buong subdibisyon palagi ko na siyang natatanaw sa may parke na malapit lang dito.

Nung una, akala ko ay napapadaan lang siya upang magpahangin at magrelax dahil palagi itong nakatanaw sa malayo, makikita mo dito na malalim ang kanyang iniisip. Nung minsan ay sumaglit ako sa parke na iyon at hayun muli ko na naman siyang nakita. Akala ko pa nga ay may hinihintay siya dahil kadalasan ay may kasama itong isang babae at mukhang palagi pa siyang pinagdadalhan ng pagkain.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanya na sa tuwing nakikita ko siya ay para bang gusto ko itong samahan sa pagtambay, para kasing meron itong mabigat na dinadala na sa pamamagitan na lamang ng pagtanaw sa malayo ang nagiging rason upang maibsan ang kung ano man ang gumugulo sa isipan nya. Hindi ko mawari kung anong kuryosidad ang bumabalot sa akin, upang magpabalik-balik sa parke na iyon.

At ngayong araw nga, sa hindi inaasahan ay nabangga ko siya, balak ko lang naman talaga ay magpalibot-libot sa subdibisyon upang magpalipas oras. Dahil maliban sa nagta-trabaho ako sa bahay ay di rin ako gaano nakakalabas. Ayaw kasi ni Daddy, naiintindihan ko naman siya dahil kahit pa okay ang panlabas kong kundisyon, maaari pa rin na magkaproblema ako sa panloob ko. Ayoko na rin naman magpabalik-balik sa ospital.

Nagpapasalamat na lang din talaga ako at nabiyayaan pa ako ng pagkakataon upang mabuhay. Hindi ko alam kung paano ko ipagpapasalamat ang biyaya na ipinagkaloob ng diyos sa akin. Ang tanging iniisip ko na lamang ay baka may unfinish business pa ako sa mundo kung kaya ay hinayaan pa akong mabuhay ulit.

Pagkatapos kumain ay nagtungo ako sa veranda, nakaugalian ko ng gawin 'to dahil gustong-gusto ko na pinagmamasdan ang kalangitan na punong-puno ng bituin. Katulad na lamang ngayon, kita sa kalangitaan ang kapayapaan at tila ba nagpapaalala na habang may buhay ay may pag-asa.

Hanggang sa HuliWhere stories live. Discover now