prologue

6 0 0
                                    


kung dinala ko na sana yung lubid na pinapadala sakin ni tatay fred edi sana hindi nako nahirapang umakyat. pataas pa naman itong dinadaanan ko at madulas hays.

"ang tagal mo na kaseng umaakyat ng bundok—ah!-hindi parin sanay yang paa mo—ah!-ya!-kulang pa sa kalyo!—ay pota!" napaupo ako dahil sa dulas at maputik, pero ayos lang kahit masakit sa pwet hehe.

"antanga mo lia pst hahaha" sambit ko't tumayo at tyaka tumatawang hinawakan ang pwetan ang sakit non ha may bumaon atang bato sa pwet ko.

"nakakabaliw daw pagkinakausap ang sarili." rinig ko sa aking gawing likuran. boses iyon ng isang lalaki.

sino yun hala hindi kaya... engkanto yon? sinusundan kaya ako ng engkanto?!

bigla akong kinabahan at mabilis na umakyat sa matarik na daan paakyat sa bundok. shet! engkanto kaya yon bundok to at wala daw ngayong mountainers sabi sa akin ni tatay fred. kingina naman oh! tahimik at mabilis nalang akong umakyat hindi ko napansin ang nakausling sanga ng kahoy kaya't napatumba ako samahan mo pa na madulas dahil sa putik grr!

"ay!" sigaw ko. napapikit nalang ako ng may maramdaman akong kamay na humawak sa aking braso. lord wag nyokong ibigay sa isang engkanto huhu! sambit ko sa aking isipan. nakapikit parin ako at kagat kagat ang pang ibabang labi at mataimtim na nanalangin.

"hey! miss you okay? open your eyes" sambit nung engkanto. hala!

ang laki nung boses ng engkanto para syang matipunong engkanto hehe. sayang at engkanto ang role nya sa mundo. dahan dahan kong binuksan ang isa kong mata dahil parang mabait namang engkanto ito at payagan pa akong makaalis ng bundok.

"what? i said are you okay? wala bang masakit sayo?" binuksan ko na ang mata ko at pumikitpikit muna, tao! tama tao nga! nagulat ako sa tangos at kapal ng kilay nito at wow almond eyes sya. gusto ko ang mapula pula nyang mga labi-wtf?! kinginang isip lia! walang hiya hiya kong hinawakan ang mukha ng nasa harapan ko.

"tao ka?" wala sa sariling sambit ko.
"hindi. hindi ako tao puno lang siguro ako?" tugon naman nya hala puno ba ang akala nya sa sarili nya? sabagay moreno sya.

before clouds disappear, en'la montaña Pulag.   |montaña estanción#1|Where stories live. Discover now