nag bihis lang ako saglit at kinuha ulit ang susi ko. kahit papaano napalitan ng ecitement ang pagod ko matagal din bago kami magkita ng kuya ko kaya ganito nalang ang excitement ko.

i dial "veraaa! umuwi na ang kuya ko mag lulunch kami gusto mo sumama—" bigla nalang namatay ang linya.

'nyare dun?'
baka busy di manlang nag salita

anyways kasalukuyan nakong nasa byahe ngayon pa puntang bahay i guest si kuya lang andun pati ang mga katulong.

ng makarating agad akong pinagbuksan ng gate ng guard, nakita ko agad ang sasakyan ng kuya ko kaya napangiti nalang ako. his totally back.

"hello po mam nasa loob na po si sir. halika po." bungad sakin ng katulong.

"broo! grabee naman gwapo padin!?"

"di ka parin nag babago cilla, halika nga dito lil sis na miss ka ng kuya." sambit nito at niyakap pabalik ramdam ko ang pananabik nya na makita ako.

dumiretso naman kami sa hapag madaming putahe ang nakahain dito. kami lang namang dalawa pero parang andaming kakain.

"kuya bakit naman ang dami mong pinaluto eh tayo lang namang dalawa ang kakain may bisita kapa ba?" tanong ko rito habang sumusubo ng pagkain tumingin naman ito sakin.

"yeah my others friends come here, maybe later." sambit nito napa tango nalang ako.

"i would have friend to come but i think he's busy."

"may kaibigan ka pala? i hope i meet him soon."sambit nito at tyaka ako nginitian koya babae sya anobaaa!

"broo! anong ngiti yann! shes a girl ok!" sambit ko naman mapanukso kase ang ngit nya ehh!

"oh ok." sambit nito.
"gusto mo pala sya ma meet ah! single ka diba? tas single din sya maganda pa bonus nalang yun." sambit ko at mapanuksong ngumiti sus kuya! sus! walang emosyon naman akong tiningnan nito.

"her name is vera gusto mo kausapin mo sya tawagan ko wait lang." pabirong sambit ko at kunwaring kukunin ang phone hahahahaha haynako kuya! pangalan palang yan natulala kana.

"her name is familiar huh." sambit nito yieeeeeee! baka soulmate sila para akong tanga dito na nakangiti lang habang pinag mamasdan si kuya.

"kailangan mo syang makilala kuyaaaa baka soulmate kayo!— sabi ko nga kakain nalang ako eh!" sambit ko ng may maramdamang may tumamang kutsara sa ulo ko TT—TT brutal ng kuya ko!

lumipas ang mga oras natapos din kaming kumain, ang sabi pa ni kuya lalabas kami mamaya bonding din naming magkapatid, next week din kase aalis na sya at sa saturday magbubundok kami ni vera.

nandito kami ngayon sa mall may bibilin din kase ako sa watson paubos na din kase yung pang facial routine ko kaya sumaglit ako.

"kuya wait ka lang dyan ah may bibilin lang ako sa loob."sambit ko dito.

"sure pakibilisan lang." tiningnan ko lang ito sya nag aya tas mag mamadali tss maghintay ka dyan bro!

habang hinahanap ko yung kadalasan kong ginagamit sa mukha may nahagip ng mata ko omoo!! andito si frenny pumnta ko sa likod nya at balak ko sana syang gulatin pero nakita na nya ako.

"lia! kala mo ah! anong ginagawa mo dito babae?"

"anong tanong yan? malamang mamimili duh! watson kaya to!— jok lang kasama ko kase kuya ko remember? umuwi na sya." sambit ko naman dito at tumango naman ito.

"oh i remember na! namatay kase yung linya ko nung tumawag ka so andyan sya labas?" sambit naman nito yieeeeee! bukas di na sila singular.

"yeah sabay na tayo sa counter." sambit ko at tumungo na kami sa cashier.

"bago palang kitang kaibigan lia pero di mo nakwento sakin na may kuya ka pala?" sambit nito sakin habang nagbabayad sa cashier.

diko napansin na nakasuot pala sya ng crop top na white at denim shorts shes so pretty! isama pa ang kulot kulot nyang brown hair duhh! bestfriend ko yan!

"nakwento kita sakanya gusto ka nya ma meet bilang kaibigan ko."

sambit ko dito naglakad na kami palabas hawak ko ang pinamili ko.

"sure! lets go."

.
.
.
.
"i said pakibilisan pero nagtagal saan mo gusto kumain lia?—" sambit nito sakin di ata nya napansin na may kasama ako
kaya natulala nalang ito sa katabi ko ngayon na hindi alam kung san lulusot what going on?

"lia i go ahead, may pupuntahan pa pala ko"sambit nito bigla naman nag salita si kuya.

"no. sumabay kana samin." sambit nito at nauna ng maglakad.

sa malapit na japanese food kami kumain as usual si kuya nag bayad lahat pati order ni vera nung una gusto nya na sya nalang mag bayad ng kakainin nya pero pinigilan sya ni kuya.

tahimik kaming kumakain ngayon di ako sanay kaya't binasag ko ang katahimikan.

"ehem.. vera meet my kuya cali kuya ito nga pala si vera." sambit ko at ngumiti tahimik lang sila kumakain nag magtama ang mata nila agad iniwas ni vera ang tingin nya ok...?

"nice to meet you.. again vera." sambit ni kuya. again? so magkakilala pala sila pero bakit ganon nalang ang ilang ni vera kay kuya i smell something..

tipid na ngiti lang ang sinukli ni vera. "nice to see you again."
sambit naman ni vera so magkakilala nga sila?

"magkakilala na pala kayo! ang saya hehe kailangan nating mag bonding na tatlo im sure ma mimiss nyo isat isa babalik na din kase si kuya next week so sulit—" naputol ko ang sasabihin ko ng tumayo si vera at lumabas ng resto. wait nag pahid sya?—umiiyak ba sya susundan ko sana sya ng pigilan ako ni kuya na walang emosyon.

continuation..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

before clouds disappear, en'la montaña Pulag.   |montaña estanción#1|Where stories live. Discover now