Chapter 9

1K 33 18
                                    


Two hours before the game, bumalik na kami ng school. His captain kept on calling him, hindi dapat daw siya umalis pero nagpasyang pumunta ng apartment? Saka ko lang nalaman nang marinig ko ang usapan nila. Pinagalitan ko nga dahil tingin ko ako pa yata ang may kasalanan.

Saktong may announcement sa isang accounting subject kaya kailangan kong pumunta sa building namin. nagkasundo nalang kami ni Kenzo na magkita doon sa game kaninang papasok ng university.

"Ano yan, trix?" I asked nang mapansin na nagle-lettering siya after I-announce ang coverage ng long quiz namin.

"Para sa basketball team ng college natin!"

"Manonood kayo?"

She nodded along with the group of girls. I frowned, hindi ko 'to napagtuonan ng pansin last year. Pagkalabas namin ng room ay napansin ko din ang iilang courses at iba't-ibang section na gumagawa ng props and banners.

Kalat ang mga students, nagpupunta sa mga booths, tambay sa ilalim ng puno at benches. Crowded din ang student park. May mga vendors din ng street foods kahit may food section naman na booths. May time pa kaming pumila sa photobooth.

Kasama ko sila Trixie, wala kasi si Aya.

Sabay-sabay kaming nagpunta ng court noong malapit na magsimula para may maupuan kami.

They kept on talking about the players! Engineering yata ang kalaban nila ngayon kaya maraming interesado. Ako sa isa lang interesado.

I smiled at that thought.

"Jecha, ano 'yong kanina? May something kayo ni Kuya Kenzo?" si Bren.

I frozed a bit at nagsimula na naman silang mang-asar. "W-wala...."

I pouted and bit my inner cheek.

"Nakamove-on ka na kay Ashton?"

Lintek lang. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Hoy! Pass ako diyan!" si Ashton.

Hindi ko nalang sila pinansin hanggang sa nakarating kami. Marami na ang tao, buti at may nakita kaming pwesto sa second row. Madami talagang manonood. Napaka-ingay ng gymnasium ngayon, parang magigiba agad.

I immediately saw Kenzo. Nakapameywang habang nakikinig sa coach nila. Ngumuso ako, his biceps were so firm tapos ang tangkad pa. Sinundot ako ni Trix nang napalingon sa gawi namin si Kenzo. He stare a bit then jogged towards our direction.

Humiyaw ang mga kaklase ko at tinulak pa ako pababa upang salubungin siya. I rolled my eyes. Nasaan ba si Aya?

"I reserved a seat for you pero..." tumingin siya sa likod ko at kumaway, "...mukhang mas gusto mo dito."

Tinuro niya ang first row sa kabila kung nasaan ang mga kaibigan niya.

Umiling ako. "Maganda naman ang pwesto namin, dito nalang ako."

He nodded tapos kalauna'y unti-unting ngumiti. I blushed nang hindi pa siya umaalis.

"Uh...Balik ka na don." I said awkwardly. He smirked then tap his cheeks.

Pinandilatan ko siya ng mata pero mas lalong umangat ang gilid ng labi niya. He pulled my hand instead then kissed the back of my palm.

Napanganga ako sa ginawa niya. For sure hindi kita ng mga kaklase ko pero ewan ko nalang sa mga malapit sa amin na nanonood!

I lowered my head in embarrassment. He chuckled then pat my head. "Bumalik ka na doon."

Para akong robot na bumalik sa upuan ko kanina. Sumulyap pa ako at nakitang seryoso na siyang nakikinig sa coach nila. I blushed thinking how precise his whole figure is, and the way his presence affects my entire system. I shook my head unconsciously, nababaliw ka na Jecha.

The Debt in Calle Crisologo (Accrual Field Series #1)Where stories live. Discover now