Chapter 32

1.3K 35 3
                                    

This is not edited. Expect errors ahead.

Warning: Read at your own risk.

--------------------

I was discharged that day also. Nasabi ko na rin sa parents ko ang desisyon na bumalik ng UK. They were against it. Pero alam nila na hindi ako papapigil.

I am self-made, I went through series of battles, I fought with my own demons and raising my child alone will not burden me.

Maybe we could comeback every year or Kenzo can visit the baby abroad, marami naman siyang pera.

It is a nice morning, the sun is just half raised, I could feel the fresh air dahil sa nakabukas na bintana. I heard the roosters' crow from afar.

Dahan-dahan akong bumangon at hinaplos ang aking tyan, my baby is almost nine weeks now! I caressed my small baby bump at napangiti. I fix my bed then put on my cotton robe.

Nagmumog at nagtooth brush ako bago naghilamos. I want to do my skincare routine pero tinatamad ako. I don't have specific anyway. Madalas lang akong magcleanse.

Binuksan ko ang pinto at nadatnan ang dalawang kasambahay na naglilinis ng hallway. I greeted them a good morning at ganon din sila. I took the stairs carefully and walk fast the busy house-helpers greeting them a good morning then proceeded to the kitchen area. Naabutan ko si Mama na kinukuha ang binake sa oven. Amoy pandesal, hmm, delicious.

"Good morning, Mama." I kissed her cheek.

"Good morning, honey. Gising na ang mga kapatid mo?"

I rolled my eyes and grab a hot pandesal. It is so chewy at may chocolate sa loob.

Juno had just probably slept and Jenna, puyat 'yon kakabebe time si Lance.

I was chewing my food when Mama put a platter in front of me. Nakaupo kasi ako sa bar stool dito sa kitchen counter.

"Dalhin mo 'to sa Papa mo." aniya.

I nodded but I noticed na dalawang kape iyon, isang platito ng maraming pandesal at may letche plan pa. Masarap kasing ipalaman sa pandesal.

"May bisita si Papa, Ma?" I asked out of curiousity.

She nodded habang nagsasalin ng lemon juice at binigay sa akin. Tinaggap ko ito, halimuyak palang nakakagaan na ng umaga.

"Nag-aalala nga ako, kaninang alas kwatro y media pa sila."

Huh? Ang aga naman. I listened while sipping on my straw.

"Ang OA naman ng four-thirty, Ma." Natatawa ko pang turan. "Ano 'yon? Dito na natulog?"

She nodded again and leaned on the counter. "Oo, dito na natulog si Kenzo-"

She stopped nang bigla kong maibuga ang iniinom, buti at sa floor ako nakaharap, sakto.

Pero-anong ginagawa niya dito?

"Mama naman....huwag ka ngang magbiro."

They know na ayaw kong ayusin ang relasyon namin. Hindi sila nakapagsalita that time so I immediately went to my room after it. Ngayon malalaman ko na nasa bahay namin siya?!

Napakamot siya ng ulo. "Haynako, mahirap magpalaki ng bata kapag wala kang katuwang. Tsaka desisyon naman noong bata na tanggapin ang mga pinapagawa ng tatay mo."

"Ano po?!"

She sighed. "Gusto daw manligaw sa'yo. Ayon, pinag-igib ng tubig at ngayon nagsisibak ng kahoy. Baka pupunta sila sa bukid mamaya."

The Debt in Calle Crisologo (Accrual Field Series #1)Where stories live. Discover now