Epilogue

70 13 2
                                    

Awesome day, my dear reader? ☺️
I know nakaka-bitin ang cliffhanger natin pero how was the whole book for you so far?
I hope you had mixed emotions , the same way I felt when I'm doing this whole thing.
Hoping nakuha ko ang atensyon nyo sa mga chapters and naka-relate kayo somehow.

TRIVIA: There were parts of the scene na based on my past experiences. Alin don? Secret muna sa ngayon.
Clue: Almost part ng character ni Dominic ay inspired sakin, the rest is history. 😊

Sino ang natuwa sa pagka-jolly ni Rafa? I know lahat satin nagkaroon ng friend na kagaya nya. Goooos vibes lang, stress reliever. Cool ang mga ganyang tao! Maaasahan din sa oras na kelangan natin sila. Pero kamustahin din natin sila guys kasi deep inside for sure may mga problema din sila.

And there you have Jane, sidekick ni Rafa na madalas contrast sa isa't isa pero may words of wisdom din naman. Eto yung tipo ng kaibigan na weird pero tatagos sa buto pag nagsalita. And ang mature niya on seeing things.

Sino ba naman ang hindi naapektuhan sa pagiging broken ni Dion?? I invested a lot of emotions to his character. As in ung discovery nya sa sarili nya from then to now. Ang laki at MASALIMUOT. Well ganon siguro talaga. Ang tapang nya. Pinili nyang sundin kung ano ang nasa puso nya regardless kung ano ang magiging balik sa kanya. He's been a very good friend to Alvin din. He's there since highschool pa sila, maaasahan at palaging nandyan para sa kanya.May aabangan paba tayo sa kanya? Tingnan natiiiin.

Well, for Gio. Haaaaay. I actually had various emotions given for this man. Guys hindi din natin ganon ka-alam kung ano ang past life nya kung bakit sya ganon. (Actually ako lang ang nakakaalam). Pero since kahit papano napapansin nyo naman sa script, peer pressure ang nagtutulak sa kanya kaya meron syang dalawang persona. At saka iba lang ang way nya ng exploration but seems he's enjoying it the other way around. Pero ang worst lang, nakasakit sya ng damdamin ng iba. Pero ang hirap sa part nya, hanggang saan nya itatago. Maybe may malalim na reason bakit nagho-hold back sya.

As for Kelly. Ang strong ng character nyaaaaa. Hope you guys felt it nung in-introduce ko sya sa Chapter 1. Nandon ang presence, suddenly magkaka crush si Alvin sa kanya. Pero suddenly din, nag-iba nang dumating na ulit si buhay nya si Dominic. Pero things went upside down nang na-feel nyang nagkakaroon ng romance ang dalawa pero in the end, mali pala sya ng akala. Sobrang devoted ni Kelly kay Dominic- of all the things he did for him (too many to mention). In the end nirespeto nalang nya kung ano ang talagang magpapasaya kay Dominic. Salute to this girl. Someday, makakahanap ka din ng mas deserve mo. Stay beautiful and brave.

Sinong nabitin sa character development ni Charles? Hope hindi kayo masyadong nalito dahil half way na nang ipinasok ko siya. Well he's destined to take the second lead part sa BOOK 2 (spoiler haha). Let's expect for more innocent  but more open na Charles, na makilala pa si Kenneth. How will affect his DOTA life? Hehe.

Well to Kenneth, tsk. Well bro I understand you. I feel you. You deserve to be heard. Someday Dominic will let you explain. Masyado lang nahilaw ang lahat with the unexpected discovery ni Dominic, but let's hope for the best. Kasi affected din ang AlDom eh. Haaaaay. Pero you are indeed a responsible Kuya to him. Marerealize din nya lahat. All he need is more time. Good luck sa Book 2!! (As you heard awhile ago, magiging second lead syaaaaa - KenCharles na itooo).

And for the most torpe award. Most pabebe award. Most crayola award. Mister Congeniality. Best in Math and many mooorree. Ano ba Alvin? Bakit natiis mo ang lahat? Well wala tayong babasahin kung agad nag-confess sya since nag entrance exam sila sa BSU no? Haha. Ang galing lang. Kasi he always keep his emotions towards Dominic. Ang daming chance nito kay Dominic pero pinili nyang pigilan ang sarili nya. Pero WORTH IT naman. Sana all kinakantahan at tinutugtugan ng Kalimba. Stay in love with Dominic, you have come a veryyyy long way. Laban lang. 😊😊😊

At sa Mr. Romantiko ng taon! Bakit lahat na-hook sayo Dominic 😍😍😍
Dominic, Dominic.
Nga pala guys, yung nasa every chapter pics, sya ung fictional character ni Dom. Crush mo na yern???
Aside sa good visuals, talaga namang nakaka-admire at nakaka-inspire magkaroon ng isang Dominic sa buhay natin. Madaming challenges, may napaka sakit na past experiences, may trauma. Pero after all that, ti-nake nya in a positive way. Ginamit nya lahat yun para tulungan ang sarili nya. Nagsumikap sya. At ang sipag nya. And the best thing na nakakahanga sa kanya - pinursue nya ang feelings nya kay Alvin. Sana all matapang.

Pero yung last part, ang sakkiiiittt. Dama ko lahat ng emosyon nya. Deserve din naman nyang magka-breakdown. Lahat ng sakit na itinago nya nag-burst lahat. Who can expect how hurtful this was to him right? Hayaan lang muna natin syang umiyak at ilabas lahat ng nararamdaman nya. After all, hindi din naman sya pababayaan ni Alvin.

Again, thank you sa pagsubaybay sa unang part ng kwento nila Alvin at Dominic dito sa Always You.
Promise at marami pa kayong aabangan at may mga revelation pa sa Book 2 - Still You.

See you soon!!!!! ❤️❤️❤️❤️❤️❤️

-CountCadmus

-CountCadmus

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Always You (Explicit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon