Chapter 83

122 12 0
                                    

Zen's POV

Pinunasan ko naman 'yong mga luha ko bago ko tiningnan 'yong iba pang mga litrato...





[Flashback]

Nakatingin lamang ako sa sa hagdanan habang nakatingin kay Mama na may kausap na isang lalaki. Hindi ko naman ito kilala dahil ngayon ko lamang ito nakita.

Sila Tita, maging si Jared ay tahimik lang din na nakamasid sa akin. Hindi ko kasi ugaling makihalubilo o makipag-usap sa ibang tao kaya minamabuti ko na lang na manahimik sa isang tabi.

Tumingin naman 'yong lalaki sa akin kaya napaurong ako ng kaunti. Nakakatakot kasi ang tingin niya. Hindi naman siya mukhang galit pero natatakot ako sa presensya niya.

Maya-maya lang ay umakyat naman si Mama sa taas. Ngumiti naman muna sa akin si Mama bago niya ako tinulungan makatayo.

Sinamahan naman niya ako pababa at sabay kaming lumapit doon sa lalaki.

"Magmano ka muna sa Papa mo, Zen."

Kahit na hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, pinili ko na lang magmano roon sa lalaki.

Pagkatapos kong magmano ay hindi man lang umimik 'yong lalaki na sinabi ni Mama na Papa ko.

Kahit gusto kong itanong sa kaniya kung siya ba ang Papa ko pero parang literal akong nawalan ng gana at lakas upang gawin iyon. Sa tingin pa lang kasi niya, napapansin ko na parang hindi niya ako gusto.

Lumuhod naman si Mama sa tabi ko na may hawak na palang bagahe.

"Aleng, may ibibilin lang muna si Mama sa'yo."

Hinawakan naman ni Mama ang mukha mo habang malungkot akong tinitingnan.

"Sasama ka muna pansamantala sa Papa mo. Panandalian lamang naman iyon. Gusto ka kasing makilala ng pamilya ng Papa mo. Aalis din kasi si Mama kaya hindi muna kita mababantayan. Kailangan kong magtrabaho sa malayo para matustusan ko ang mga gusto mo. Pero kapag nakauwi na ako, babalik ka na ulit sa amin."

Bigla naman akong nawalan ng gana at parang hindi ko na alam ang emosyong ipapakita ko sa kanila. Nakatingin lamang ako sa kanila na para bang wala akong kabuhay-buhay.

Nang marahang kinuha ng Papa ko 'yong kamay ko palabas, doon na mismo nagsipag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Kahit gusto kong sumigaw, magpumiglas, tumakbo pabalik sa bahay namin, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.

Nakikita ko naman na nagwawala si Jared habang tinatawag ang pangalan ko. Si Mama naman ay nakangiti pero umiiyak na rin habang nakatingin sa akin.

Pagpasok sa loob ng kotse ay tahimik na lamang akong nakatingin sa kanila sa bintana. Ngunit, gayunman, halos pigain na lang ang puso ko dahil unti-unti nang umaandar ang sinasakyan namin palayo sa kanila.

Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari, pero bakit ang bigat kaagad ng nararamdaman ko kahit bata pa lang ako.

Inabot naman kami ng ilang oras sa biyahe bago kami nakarating sa paliparan. Napatingin naman ako sa paligid dahil hindi ko alam kung nasaan kami. Napako naman ang paningin ko sa gilid dahil meron isang medyo may kalakihang eroplano. Kulay puti naman ito na may halong ginto.

Ngayon pa lamang ako nakakita at makasasakay sa ganitong sasakyan kaya hindi pa ako sanay. Pagkapasok namin sa loob ay tahimik lamang akong naupo sa gilid. Tumingin nqman ako sa gilid ko dahil doon naman nakaupo 'yong Papa ko ngunit. Simula pa kanina ay hindi man lang niya ako kinakausap. Pero napapansin ko ang madalas niyang paglingon sa akin.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant