Chapter 35

12.7K 366 30
                                    

"Goodluck guys!" wika ko sa mga teammates ko habang papalabas kami sa locker room patungo sa loob ng court.

Ngayon na gaganapin ang huling laro ng team sa elimination round at kailangan naming manalo upang mapanatili namin ang rank namin.

Kasalukuyan kaming nasa rank 4 kasama ang Stuartz. Mayroon din silang isa pang laro at makakalaban naman nila ang Eastwood.

Nakatanggap na rin ako ng Go signal mula sa doctor ko pero hindi muna ako paglalaruin at saka lamang siguro kapag kakailanganin na. Ngayon ay kailangan kong magtiwala muna sa mga teammates ko na maipapanalo nila ang laban na ito.

"Goodluck hon." sabi ni Gabriel nang lumapit ito sa bench namin.

Hindi pa naman nagsimula ang laro at magsisimula pa lamang ang warm up at kasalukuyan akong naghahanda pa doon.

"Thank hon." ngumiti ako rito bago nagtungo sa court kasama ang mga teammates ko.

Mapapansin naman ang bulungan sa mga audience at tila gulat ang mga ito na makita akong muli na nasa loob na ng court at nakasuot ng jersey uniform.

"Maglalaro na si Venus?!"

"Posible kasi tignan mo, nakasuot na siya ng jersey uniform nila at sumasa na sa warm up. Di ba nung injured siya e never siyang nanood ng live kaya baka maglalaro na siya ngayon."

"Siguro nga. Mukhang magaling na yung injury nila. Kung mangyayari yun kawawa ang Halledine mamaya."

Makalipas ang ilang minuto ay tumunog na ang buzzer hudyat na magsisimula na ang laro.

Sina Amethyst, Anna, Claire, Audrey at Violet ang aming first five. Sa nakalipas na mga games namin ay si Violet ang pumalit sa akin sa starting line up at masasabi kong malaki ang improvement nito magmula nang magsimula itong matutong maglaro ng basketball.

"Don't worry, they can do well." sabi ni Troy. Umirap naman ako sa kanya.

"I know." akala naman nito hindi ko sila pinapanood sa mga nakalipas na games nila.

Napangisi lang ito at hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang laro.

Tuwang-tuwa ako sa ipinapakita ng team ko ngayon at mukhang ganadong-ganado silang maglaro at ayaw ata akong papasukin dahil napapanatili nila ang malaking lamang hanggang sa makarating kami sa huling quarter.

Todo ang celebration namin lalo na at maging si Ashley na ginagawang sub ay pumupuntos na rin. Akalain niyo yun, yung babaeng halos hindi makaratong sa ring yung shoot ngayon halos eighty percent ang shooting percentage niya.

Ganun nalang ang tuwa ko nang manalo ang team kung kaya't mananatili kami sa rank 4 at hihintayin nalang namin ang resulta ng laban ng Stuartz at doon namin malalaman kung magkakaroon ba ng playoffs between our team and Stuartz kapag nanalo sila o magiging secured na ang team kapag natalo sila.

Hindi sinasadyang napalingon ako sa audience at parang nakita ko si Papa pero nakatalikod ito at kasabay nito ang mga ilang audience na nagsisimulang magsilabasan na ng arena dahil tapos na ang laro.

Namalikmata lang siguro ako. Matapos mag-ayos ay nagcelebrate muna kami sa isang kainan bago nagsi-uwian.

Bukas ay papanoorin naman namin ng live ang magiging laban ng Eastwood at Stuartz upang makapag-scout na rin.

"Oh saan kayo pupunta?" tanong ko sa kambal matapos ko silang harangin dahil mukhang may pupuntahan na naman sila. Narito kami ngayon sa loob ng arena para panoorin ang laro ng Stuartz at Eastwood.

"Wala captain, sa CR lang." sabay nilang saad.

"Sasama ako." mabilis kong saad pagkatapos ay nauna na sa paglalakad pero tinawag nila agad ako.

"Captain! H-Hindi na pala kami pupunta sa CR." sabi nila at saka mabilis na bumalik sa mga upuan nila.

Hindi naman sa mahigpit ako pero mas importanteng mapanood nila ang laro ngayon upang magkaroon sila ng idea sa kung anong mangyayari.

Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang laro. Magamda agad ang pinapakita ng Eastwood sa pagsisimula ng quarter pero habang tumatagal ay nakakahabol naman ang Stuartz.

"Hmm..." si Ellle.

"Napansin mo rin ba?" tanong ko rito at tumango agad ito.

Mukha kasing sinasadya ng Eastwood ang nangyayari at parang nawala na yung willingness nilang manalo kanina first quarter. Ibang-iba na ang pinapakita nila ngayon.

Natapos ang third quarter na lamang na ang Stuartz.

"Nababaliw na ba ang Eastwood? Bakit nila kailangan magpatalo e no loss record sila di ba? Bakit ayaw ba nila na diretso sila sa Finals?" wika ni Elle.

"Takot siguro silang makaharap tayong muli kaya gumagawa sila ng paraan para hindi tayo mapasama sa final four." sagot ko.

"Duwag sila." nakangising saad ni Elle.

"Yeah at ang mga taong duwag, nakakagawa ng maling desisyon. Look, mukhang mapapaaga ang laban natin sa kanila." sabi ko.

Nang nasa huling quarter na ay ganun pa rin ang ipinapakita ng Eastwood at ang resulta ng kanilang laban ay nagpagulat sa lahat ng manonood.

Ineexpect na kasi ng lahat na mananalo ang Eastwood ngayon dahil diretso na sana sila sa Finals pero ang pagkatalo nila ngayon ay nagmarka sa lahat ng manonood. Syempre sayang yun.

Pero iba ang naiisip ko. Tumingin ako sa bench ng Eastwood at naabutan kong nakatingin din pala sa akin si Brittany.

Mataman itong nakatingin sa akin at nang magtama ang tingin naming pareho ay ngumisi ito sa akin. Seryoso ko lang siyang tinignan bago tumalikod at naglakad palabas.

"Nabalitaan mo na ba hon na natalo ang Eastwood sa Stuartz?" tanong ko kay Gabriel pagkatapos ng aming practice. Papunta na kami ngayon sa kotse niya na nasa parking lot para umuwi.

"Yeah. That was unexpected." sagot nito. Totoo naman. Sila Gabriel nga kahit wala silang talo at kahit nasa pinakahuking rank ang nakalaban nila sa last match nila sa elimination round ay hindi pinalampas abg sandaling iyon. They played like it's a championship game.

"Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit sila nagpatalo, like everyone wants to be in the finals. Malapit na nilang makamit iyon pero parang binalewala nila." saad ko. Kasi kahit bali-baliktarin mo man, ang tanga lang ng desisyon nila.

"Huwag mo ng inispin 'yon, focus on your comeback game. Win that playoffs okay?" ngumiti ito sa akin at mahinang pinisil ang pisngi ko bago ako nito pasakayin sa kotse niya.

At dahil nga natalo ang Eastwood ay magkakaroon kami ng playoffs against Stuartz.

Sa mga nakalipas na araw ay puspusan ang ginawa naming pag-eensayo at noong huling practice namin bago ang laban namin sa pkayoffs ay nagulat ako nang biglang sumulpot sa gym si Papa.

"Pa? Anong ginagawa mo dito?" salubong ko sa kanya.

"Oo nga pala Venus, si coach Vincent nga pala ang totoong coach natin. Cover up lang si Troy dahil busy pa ang Papa mo sa professional league." napanganga ako sa sinabi ni Elle na nasa tabi ko na.

"Papaano nangyari 'to?" hindi ako makapaniwala na si Papa ang bago naming coach. Sa pagkakatanda ko ay siya ang may ayaw na mag-aral ako dito sa Wilhelm. Halos isumpa na nga niya ako.

"Sorry for not telling you anak." sabi lang ni Papa. Umiling naman ako bago mahigpit na yumakap sa kanya. Hindi ko na rin mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko lalo na nang yakapin ako pabalik ni Papa.

"Don't be sorry Pa. Sobrang masayang-masaya pa nga po ako." sabi ko. Hindi ko alam pero parang nabunutan ako ng tinik sa dibidb knowing na suportado na ako ni Papa sa team na pinili ko at hindi lamang suportado dahil siya pa mismo ang isa sa magiging paraan para makamit yung dream ng team ko.

**
Sorry natagalan sa pag-update hehe

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu