Chapter 9

13.3K 340 35
                                    

"Okay good job!" iyon ang sabi sa amin ni Cassie matapos niya kaming turuan ng sayaw na ipe-present namin sa sports day ng aming university.

"Thanks Cassie!" sabi ko sa kanya nang isa-isa na kaming nag-aayos ng gamit para umuwi.

"No problem. Dancing is my passion kaya happy ako na naturuan ko kayo nito." kahit medyo maarte to mabait namin siya kahit papaano.

Ngumiti nalang ako sa kanya bago naisipan na magpaalam na para umuwi. Mabuti nalang next day na ang sports day kaya kapag natapos yun magfo-focus na kami sa pagpa-practice ng basketball.

Pagod akong umuwi at napansin iyon ni Mama. Kaya tinawag ako nito at pinainom ng paborito niyang tsaa.

"Thanks, Ma." sabi ko sa kanya.

"Kahit hindi mo sabihin sa akin, I know may problema ka ngayon sa school. I can feel it pero lagi mong tatandaan na hindi ka magtatagumpay kung magpapatalo ka sa mga problemang iyon okay?" nakangiting tumango ako at yumakap sa kanya pero iniiwas agad nito ang katawan niya sa akin.

"Pawis na pawis ka anak, maligo ka muna bago ka yumakap sa akin." sabi nito kaya natawa ako.

"Arte!" iyon lang at umakyat na ako sa kwarto ko para maglinis ng katawan.

"Ginagawa mo?" tanong ko kay Elle nang mapansin kong busy ito sa harap ng kanyang tablet.

"Last minute preparation." sabi lang nito. Dahil sa kuryuso ay lumapit ako sa kanya para tignan ang ginagawa nito.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya nang makita ang mga damit na tinitignan nito.

"Outfits niyo bukas. Maganda ba?"

"Seryoso ka? I thought okay na yung jeans and black shirt.?"

"Naisip kong masgadong jeje yun at mukha pa kayong magdo-doxology. Kaya naisip kong tumingin sa online nang pwede niyong suotin." sagot nito. Napatingin akong muli sa tablet niya at napansin kong mga plaid skirts at short sleeved tshirts ang mga nandun.

"Elle! Hindi ako nagsusuot ng ganyan!" sabi ko sa kanya. Feeling ko kita na kaluluwa ko kapag sinuot ko ang mga yun.

"Ang OA nito! Bagay nga sa inyo kasi ang gaganda niyo tsaka lalo na sa'yo no! Ganda kaya ng legs mo panigurado kapag pinakita mo yan madami magkakagusto sa'yo lalo." sabi nito. Natigilan naman ako sa sinabi nito. So kapag nagsuot ako ng ganyan magugustuhan ako ni Gabriel? Pero parang hindi naman siya ganung klaseng lalaki. Yun ngang muse ng school kahit maikling skirt ang suot walang effect sa kanya.

"Pero hindi pa din ako kumportable." sabi ko.

"Okay ganito nalang. Longsleeved shirt nalang ang ipapasuot ko sa'yo pero magskirt ka pa rin ng tulad nito tapos tatanungin ko din yung iba kung sino ang may gusto na magsuot ng katulad sa'yo para may kasama ka. Okay ba?" kahit exposed pa rin yung legs ko mas okay na yun dahil hindi na makikita yung tiyan ko. Tumango nalang ako sa kanya.

Matapos ang klase ay nagtungo kaming lahat sa club room at sinabi ni Elle sa mga kasama namin ang tungkol susuotin namin bukas.

"Wow! Gusto namin yan!" excited na saad nung kambal.

"Ikaw Amethyst?" tanong ni Elle kay Amethyst na tahimik lang sa isang gilid. Kibit balikat lang ang sagot nito na parang kahit magreklamo siya ay wala na siyang magagawa.

Kami nina Amethyst, Anna at Claire ang magsusuot ng longsleeved samantalang ang iba naman ay mga short sleeved shirt na.

Ipinakita ni Elle sa kanila ang buong itsura ng aming susuotin bukas kaya tuwang-tuwa ang iba dahil ang cute daw nun.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Место, где живут истории. Откройте их для себя