14

244 15 4
                                    

“San ba kayo pupunta?”





Tanong ni Dani sa akin na naka-upo sa kama ko. Pinapunta ko kasi siya dito dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.





“Hindi niya naman sinabi.” Sabi ko. “Ang sabi mag-date ‘raw kami, pero pinapa-impake niya ko ng damit.”





“Ay ganun? Baka tanan na ‘yan girl!” tili ni Dani. “I like it so much!”





Inirapan ko siya. Nagmamadali na ako dahil mamayang hapon ay susunduin na ako ni Uno para sa date namin. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay bakit pinapa-impake niya ko ng damit? Sabi niya good go for two days. Nagdala lang ako ng mga kailangan dahil hindi niya naman sinabi kung saan kami pupunta. Nakalagay sila sa isang backpack, kasama na ‘rin ang mga essentials ko. Ano ba kasing kalokohan ‘to?!





“Kuya, si Kuya Uno nasa baba na!” sigaw ni Gianne.





Mabilis akong bumaba dala-dala ang gamit ko. Nadatnan ko si Mama at Uno na nag-uusap sa may sala, mukhang seryoso ang dalawa. Lumingon si Uno sa gawi ko at ngumiti.





“Ah ‘dun na po kami Tita.” Si Uno. “Thank you po.”





“Ingatan mo si Gabbie.” Sabi naman ni Mama.





Nang makasakay na kami sa sasakyan niya ay hinawakan niya agad ang kamay ko. Tiningnan ko siya at nakitang naka-ngiti lang habang nagmamaneho.





“San ba tayo pupunta?” I asked him. “Sabi mo date lang.”





“Did I say date?” he asked.





“Oo. So hindi ‘to date?”





“What I mean is a staycation babe.”





Napa- “o” naman ako sa sinabi niya. San naman kaya? Nakatulog ako sa byahe dahil hapon na kami umalis. Nagising lang ako nang nasa malubak na daan na kami. Tumigil sya saglit para magtanong sa mga dumadaan na tao. Nasa may mga palayan kami. Ano ‘to jungle hunting?”





Pumasok kami sa isang malaking street na may nakalagay na “Cabin Resorts”. Nakikita ko lang ‘to sa post ng mga artista at socialites sa Instagram. I can’t believe na makakapunta kami dito. Dumaan kami sa may receiving area. Kausap ni Uno ang receptionist habang ako naman ay nakatigin sa labas. The scenery look so fresh. Naka-linya ang mga cabin at meron ‘rin silang fish pond sa likod nito. May nakikita ‘rin akong mga tao na sumusubok ng archery. Meron ‘ring mga nakasakay sa ATV.





“Let’s go.” Uno said then he claimed my waist.





“Paano ka nakapag pa-book dito? Balita ko punuan dito?” Tanong ko sa kanya.





“I have my ways babe.” Then he kissed the side of my head.





Pumasok kami sa isang cabin. Pagkapasok mo pa lang ay may sala na. Nasa kabilang side naman ang kitchen with dining area. Meron ‘rin silang balcony sa likod kung saan makikita ang fish pond at pwede pang mangisda. Meron ‘ring receiving area malapit sa may hagdanan papunta sa second floor. Nang umakyat kami sa second floor may merong dalawang kama doon.





Gabi na ng lumabas kami dahil inayos pa naming ang kanya-kanyang mga gamit namin. Nagpahanda siya ng makakain namin sa resorts malapit sa may pool area. Literal na kami lang talaga ang nandito. Did he pull up some strings for this? Sobrang dami ng pagkain sa harapin ko. Nakaka-overwhelm naman ‘to.


Through Days and NightsWhere stories live. Discover now