First Day of School (officially together)

414 9 2
                                    

*ring ring ring*

Argh sa pagkakatanda ko di ko naman inalarm ang cp ko. Anong oras na ba?

5:00 a.m

What the --- ? 

Sino ang nambubulahaw ng ganitong oras?

Hello... Sino ka ba at nambubulahaw ka ng kasagsagan ng sarap ng tulog? -ako

Ahmmm. Hi. Good morning mahal ko. Hindi ba nakasave ang number ko sayo? Para ka pa lang tigre pag nagigising?

What the --- Anong mahal ko? 

Teka wait mahal ko? mahal ko? Sino naman ito? Matignan nga sino caller... 

DJ

D...

what?

Si DJ ang nambulahaw ng tulog ko at sinigaw sigawan ko? OMG! Nakakhiya.

Awts. minus ganda points ang ginawa ko..

"Ahmm... Ahehehe. DJ. Good morning"

"Kilala mo na ko? Akala ko hindi pa din magtatampo na sana ko."

Maniniwala na sana ko kung di ko lang narinig ang pagpipigil niyang matawa.

"Magtatampo daw? Pero natatawa. Huwag ka ng magpigil diyan baka mamaya mautot ka pa"

Parang biglang nawala ang antok ko nung nalaman kong siya ang tumawag. Hayyy buhay ng in love parang lumilipad lagi.

"Hahaha. Kadiri ka naman. Bangon ka na. Sunduin kita sa inyo mga 6:30"

"What 6:30? Ang aga naman yata niyan"

"Wala ng tanong tanong. Sige bye na. I love you"

"I lo---"

tututuuutt...

Pinatayan niya ako ng cp. Argh. Di man lang ako hinintay sumagot. Loko talaga yun humanda yun sa akin mamaya. Matignan na nga lang kung may mga nagtext sa akin.

Kathniel fanfic with johneliza : Di ko inakala :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon