Chapter 8

46 7 2
                                    

"Ma, mag-MOMOA daw po kami."

Napatigil si mama sa paglilinis ng mga lamesa sa carinderia. Kakasarado lang ng shop namin 'tas nahugasan ko na ang lahat ng mga platong pinaggamitan ng mga customers kanina. I got home early today because I want to help out my mother. Pagkauwi ko nga, yung kanyang likod ay basa na ng pawis eh hindi niya abot ito kaya pinunasan ko siya gamit ng malinis na twalya.

"Sinu-sino kayo 'nak?" Tanong ni mama bago nagpatuloy ulit sa paglilinis. 

"Sina Shaira po, 'tas si Castriel at Wyatt," Pagkukwento ko sa kanya. "Kilala niyo pa ba sila ma? Siya yung kaibigan ko sa klase 'tas kababata niya si Castriel." Hindi ko na namention si Asrow kasi hindi naman siya kilala ni mama at hindi naman kami magkaibigan.

"Ahh oo naman 'nak! May crush ka ba sa isa sa kanila?" Pagtatanong ni mama bago niya ako nginitian na parang nang-aasar.

Umiling ako agad. "Ma naman! Wala ho akong crush ngayon."

"Huwag mong sabihin na yung Clark pa din ang gusto mo, ha? Aba'y huwag kang magpakatanga 'nak! Gamitin mo ang utak mo palagi, 'wag puso." Pagpapaalala ni mama kaya tinawanan ko lang siya.

"Ma, matagal na po akong naka-move on do'n. Hayaan niyo na siya." Sabi ko bago ko siya nginitian. "Papayagan niyo na po ba ako sa MOA?"

Doon napakagat si mama sa kanyang ibabang labi. " 'Nak... Wala kasi akong extrang pera ngayon. Alam mo namand diba na may binabayaran pa kami ng papa mo ngayon? 'Yun kasi muna ang priority namin eh."

"Okay lang po ma! Meron naman akong extrang pera galing doon sa pinagtratrabahuhan ko po," I lied to her. I made her think that I still have excess cash even though I gave her all of my money last time.

"Pasensya na anak ha?" Halatang pinilit lang ni mama na ngumiti kahit nasasaktan siya para sa'kin. Niyakap ko nalang siya pagkatapos. I don't like seeing her sad or forcing her to smile after all. 

Nung dumating na yung Linggo, nagsuot ako ng grey sweater at itim na ripped jeans. Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking buhok at may pagkakulot ito sa pinakadulo, gawa ng natulog ako kagabi ng naka-bun. Hindi na ako nag-makeup pero nagpulbo ako at naglip tint para kahit papaano ay maaliwalas akong tignan.

Hindi daw kami magcocommute. Wyatt offered us a ride and he's also the one who's going to pay for the toll gate fee. Okay lang daw sa kanya kasi minsan lang naman daw kami gumala.

Pagkababa ko, nakita ko si mama na nagwawalis ng sahig sa loob ng bahay. Mukhang nakaalis na ulit si papa. Minsan ko nalang siya naaabutan sa bahay dahil madalas siyang umaalis ng maaga at uuwi ng napakagabi.

"Ma aalis na po ako," Pagpapaalam ko sa kanya bago ko dinouble check ang laman ng bag ko.

Tumingin siya sa'kin at bahagyang tumigil muna sa pagwawalis. "Wow naman! Anak ko ba talaga 'yan? Ang ganda-ganda mo!"

"Nagmana kasi ako sayo," Giit ko sa kanya, na ikinatawa niya nalang.

"Nambola ka pa talaga anak, grabe ka naman diyan. Magtext ka kapag pauwi ka na, ha? 'Wag kang mag-alala sa papa mo kasi sinabihan ko na siya tungkol sa lakad mo ngayon. 'Wag kang makipag-usap sa mga strangers ha? Kapag mag-ccr ka, dapat may kasama ka palagi kasi you'll never know!" Pagpapaalala niya. She was treating me like a kid.

"Yes mama, noted po." Sabi ko sa kanya at nginitian.

"Ay teka!"

Tumakbo siya saglit papunta sa dining table namin. May kinuha siyang puting envelope doon at tumakbo ulit siya papunta sa'kin. Agad niyang ipinaabot sa'kin yung envelope na 'yon, na ikinataka ko naman.

A Cyclist's Diamond [Cyclist Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon